Chapter Thirteen - Confidante

7.4K 186 1
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko ngayon. Para akong magnanakaw na naghihintay dito sa hagdan at nagmamasid kung nasa ibaba ba si Ken. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko pero dahil sa nangyari kagabi, wala na akong mukhang maihaharap.

Nagtataka ako bakit ganito pakiramdam ko. Oo, medyo weird yung nangyari kagabi pero out of shock or takot ko lang naman iyon sa kulog. Pero bakit nung palayo na ako, hinigpitan niya pa yung yakap sa akin?

"Wala po si Prince Ken sa ibaba." Bigla akong napatalon sa gulat kay Alex. "Kain na po tayo," nakangiti niyang sabi at nauna nang bumaba sa akin. Napansin kong may dala-dala siyang medicine kit. Para kay Ken kaya iyon?

"Hindi ko siya hinahanap," pagtatanggol ko sa sarili ko.

Habang kumakain ay napapatingin ako sa puwesto ni Ken. Nasanay na kasi akong nakaupo siya roon sa puwesto niya at tahimik na kumakain. Marahil siguro nahihiya rin siya dahil sa ginawa niya kagabi na dapat lang.

"Nagpapahinga po si Sir Ken dahil nilalagnat po siya."

"Kumain na ba siya?" Bigla akong nagulat sa sinabi ko. Napaayos ako ng upo. "I mean, hindi ko tinatanong."

"Nasabi ko lang po dahil kanina niyo pa po pinagmamasdan yung puwesto niya habang kumakain. Ipagpaumanhin niyo po."

"Ayos lang." Nagpatuloy lang ako sa pagkain pero hindi ko maiwasang hindi mag-usisa. Pareho naman naming hindi ginusto yung mga nangyari kagabi. Bakit ba kasi siya pumunta roon. "Hindi sa concern ako pero kumain na ba siya o uminom ng gamot?" sabi ko gamit ang pinaka-kaswal na boses ko.

"Wala raw po siyang gana kumain at uminom lang ng gamot."

"Ang tigas talaga ng ulo niya."

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kuwarto ko at humiga. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa kakaisip. Nag-aalala ako kay Ken kahit hindi naman dapat. Tumayo ako at pumunta ng kusina. Oo, bilang concerned citizen kaya ko gagawin yung naiisip ko at dahil feel ko ring magluto.

Sobrang daming puwedeng iluto dahil sa dami ng ingredients sa refrigerator nila Ken. Pero lugaw lang muna niluto ko para madaling makain at ma-digest. Gumawa rin ako ng Lemon juice na may honey para kahit papaano may lasa yung kinakain niya.

Nasa harap na ako ng pinto ni Ken, hawak-hawak yung mga pagkain pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung tama ba itong desisyon ko. Kaso nandito na, nakapagluto na ako. Sayang yung pagkain at effort ko. Ayaw na ayaw ko pa namang nasasayang iyon.

Kumatok ako pero walang sumasagot kaya pumasok ako. Nakita kong nakahiga si Ken at mukhang natutulog pa yata. Inilapag ko yung tray sa may lamesita sa tabi ng kama niya. Kainin niya na lang siguro ito kapag nagising siya. Sayang nga lang yung init.

Kinapa ko yung noo niya at sobrang init niya. Kailangan na niyang maisugod sa ospital para maagapan agad ito. Paalis na sana ako pero nagulat ako nang may humawak sa braso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" mahina niyang tanong at halatang nahihirapan din siyang magsalita. Papagalitan pa yata ako nito dahil sa pangte-trespass ko sa kuwarto niya.

"Nagdala lang ako ng pagkain para kapag nagutom ka may kakainin ka."

"Gutom na ako."

Biglang bumangon si Ken kaya nagmadali akong tulungan siya. Inilapit ko yung pagkain sa kan'ya pero tiningnan niya lang iyon. Chini-check niya ba kung may lason iyan?

"Malinis iyan at walang lason," biro ko dahil sobrang awkward namin. Iniabot ko sa kan'ya yung kutsara pero tiningnan niya lang iyon.

"Pakainin mo ako." Nagulat ako sa sinabi niya. Wow, grabe, masyado naman niya inaabuso yung kabaitan ko.

"Wala kang kamay? Hindi ka na bata kaya mo iyan," sabi ko inilagay ko yung kutsara sa kamay niya.

Palabas na sana ako ng pinto pero huminto ako dahil bigla akong kinatok ng konsensya ko. Tiningnan ko si Ken at sinusubukan niyang kumain kahit nahihirapan siya. Talaga ngang may sakit siya, hindi man lang siya nakipag-away sa akin. Kung hindi lang talaga ako takot sa konsensya ko. Lumapit ako sa kan'ya at kinuha ko yung kutsara at pinakain siya.

Sobrang awkward lang talaga. Bakit ba kasi siya pa yung nagkasakit. Sana wala na lang para wala ako sa sitwasyong ito. Pagkatapos niyang kumain pinainom ko rin siya ng lemon juice. Ang cute lang ni Ken dahil para siyang bata dahil ang bait niya.

"Salamat," sabi niya nang palabas na ako ng kuwarto kaya napahinto ako. Tiningnan ko siya at mukhang bumalik na siya ulit sa pagtulog.

Yung totoo? Magmukha man akong masama pero ang bait niya pala kapag may sakit. Sana palagi na lang siyang may sakit. Dahan-dahan kong isinarado yung pinto ni Ken pero nagulat ako nang makita ko si Alex na nakangiti. Muntik ko nang mabitawan yung tray. Aatakihin pa yata ako sa puso kay Alex.

"Kumusta po si Sir Ken?"

"Okay naman na siya. Pero hindi ba siya magpapa-ospital para maagapan yung sakit niya?" tanong ko dahil kung ako yung nasa sitwasyon niya, kagabi pa ako nagpasugod tutal may pera naman.

"Takot po kasi si Sir Ken na pumunta ng ospital." Napatingin ako kay Alex at mukhang seryoso siya. Gusto ko matawa pero alam kong may rason iyon.

"Bakit?"

"Noong isinugod po siya dati sa ospital, may nagtangka pong pumatay sa kan'ya. Tapos po nung panahong iyon, wala na po si Ma'am Vangie at wala po si Sir Kenneth na abala naman sa trabaho. Wala po siyang kahit na sinong masasandalan noon kaya nagka-trauma na po siya at hindi na po pumupunta roon. Baka imbes daw po na gumaling siya roon, iyon pa yung huling hantungan niya."

Bigla akong natahimik. Hindi ko lang siguro alam o hindi lang ipinapakita ni Ken, pero marami rin siguro siyang mga hindi magandang karanasan.

"Nakilala ba kung sino yung nagtangka sa kan'ya?"

"Pamilya raw po ni Prince Xander." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Alex. Kaya ba siya nag-aalangang sabihin sa akin? "Pero mabuti na lang po naipagtanggol niya yung sarili niya." Kinuha ni Alex yung tray sa akin. "Kaya sana po Ms. Airyll, manatili kayo sa tabi ni Prince Ken. At maraming salamat po kasi inalagaan niyo po siya ngayon. Sa totoo lang po, nag-aalala po ako kasi ngayon lang po ulit nagkasakit si Prince Ken simula po noon. Naikuwento niya po kasi sa akin na lagi siyang inaalagaan ng mama niya. Kaya nung nawala ito, sobrang iningatan na niya po yung sarili niya dahil walang ibang mag-aalala sa kan'ya at mag-aalaga kung 'di siya."

Nabato ako sa kinatatayuan ko at ikinuyom ko yung palad ko. Bakit ba ganito na naman yung nararamdaman ko? Gusto ko na namang pasukin yung isang bagay na walang magandang maidudulot sa akin kung 'di ang saktan ako? Bakit gusto kong maging responsable para sa kan'ya at manatili sa tabi niya kahit alam ko sa paningin niya hindi niya ako kailanman makikita?

Sumunod ako sa ibaba at kumuha ng towel at maliit na palanggana bago bumalik sa kuwarto ni Ken. Lumapit ako sa kan'ya at pinunasan ko siya para bumaba yung lagnat niya. Pagkatapos ay tiningnan ko siya na mahimbing namang natutulog.

"Huwag kang mag-alala Ken, may kaibigan ka na ulit na masasandalan mo. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan."

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon