Chapter Fourteen - Pipe Dream

7K 176 2
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Nagising ako sa kama ni Ken kaya napabangon ako kaagad. Hindi ko akalaing nakatulog ako dito. Pero paano ako napunta sa kama niya?! At nasaan siya?

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto niya. Bumaba ako at nakita ko siya na nasa sala at kausap si Kate. Okay na ba siya? Tiningnan ko si Ken at mukhang medyo okay na siya. Kaso bakit bumangon na siya?

Lumapit ako at nagtago sa isang gilid. Hindi sa gusto kong maki-usisa sa pinag-uusapan nila pero gusto kong malaman kung gaano ba iyon kaimportante para bumangon si Ken imbes na magpahinga.

"What brings you here?" Bakit parang ang cold ni Ken kay Kate ngayon? Nag-away ba sila? Kasi dapat tuwang-tuwa siya dahil binisita siya ng one great love niya.

"You're not answering my calls and this is the first time na ginawa mo iyon." Mas lalo akong naging interesado sa pag-uusapan nila kahit alam kong mali yung ginagawa ko ngayon. Napaka-childish at nakakabastos sa part nila. "I guess baka busy ka lang. But anyway, nabalitaan kong nagpa-schedule raw ng laban si Xander against you?"

"I know and I'm not planning to fight a weakling like him."

Naramdaman kong naiinis si Ken sa sinabi ni Kate base sa tono niya. Kahit ba naman ako e. Hindi man lang kinamusta ni Kate si Ken at mas nag-aalala pa yata siya kay Xander. Although okay lang naman mag-alala kay Xander pero kaunting konsiderasyon man lang sana kay Ken at sa feelings niya. Hindi niya ba alam na may sakit si Ken at bumangon para lang kausapin siya. Paano kapag nabinat iyan?

"It will tarnish your reputation at tatawagin ka nilang duwag. Some of them will eventually disrespect you."

Ganoon ba kalakas si Ken sa organisasyon nila? Pero ano bang iniisip ni Xander para gawin ito? Sobra na nga akong nagpakahirap para kumbinsihin si Ken na huwag ituloy ito. Naghahanap ba talaga siya ng sakit ng katawan? Panigurado ako na naman sisihin ni Alice. Kailangan ko siyang makausap para magkaliwanagan kami at matapos na itong bagay na ito.

"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan nang may usapan." Bigla akong napatalon dahil katabi ko na pala si Ken at tapos na silang mag-usap. Hindi ko man lang namalayan.

"Hindi ako nakiki..." Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil nagulat ako ng ipatong ni Ken yung kamay niya sa ulo ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko siya papatulan," nakangiti niyang sabi.

"Okay ka lang ba? Kinokombulsyon ka na ba?" tanong ko dahil nakakatakot yung mga weird na ikinikilos ni Ken.

"I'm perfectly fine." Hinawakan ko yung noo niya at hindi naman na siya ganoong mainit kumpara kanina.

Nang mapagtanto ko kung gaano ka-awkward yung ginagawa ko, napalayo ako kaagad. Ano bang iniisip mo Airyll?! Kung nahuhulog ka na naman sa kan'ya, sana, huwag mong ipinapahalata. Mas lalo mo lang sinasaktan sarili mo at pinapakumplikado ang lahat.

Nagsimula nang umakyat si Ken kaya sumunod ako. Kailangan kong magpaalam sa kan'ya sa gagawin ko dahil kapag nagkataon, pareho na silang totoyoin ni Xander at baka hindi ko na mapigilan yung plano nilang magpatayan.

"Ken, kakausapin ko si Xander." Bigla akong tumama sa likod ni Ken dahil hindi ko namalayang huminto na siya. Bakit ba kasi nakayuko akong magsalita kahit nakatalikod na siya.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon