Chapter Twenty-Seven - Solace

5.8K 150 5
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ken na mahimbing na natutulog. Marahil labis din ang pag-aalalang naramdaman niya kagabi at napagod sa pag-aasikaso at pagpapakalma sa akin. Hindi pa rin niya binibitawan yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Masaya ako dahil hindi mo ako iniwan kagabi. Sobra yung takot na nararamdaman ko dahil akala ko, tulad ng dati iiwan mo ako," mahina kong sambit habang pinagmamasdan ko siya. "Ngayon, hindi na ako natatakot dahil alam kong may masasandalan na ako at handang tumulong sa akin."

Maingat kong inialis yung kamay ko sa pagkakahawak ni Ken upang hindi siya magising. Umupo ako sa kama at naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod kaya natigilan ako.

"I'm glad that I was able to do what I should've done a long time ago." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Nawala lang kami sa moment na iyon ni Ken nang biglang bumukas yung pinto at may pumasok na isang babae na may maikli at kulot na buhok. Napatitig kami sa isa't isa at doon ko lang naalala yung hitsura namin ni Ken ngayon. Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni Ken.

"Sorry, I guess I went on a wrong time. Tuloy niyo lang paggawa ng baby," sabi nung babae.

Tiningnan ko siyang mabuti at pamilyar sa akin yung mukha niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"What brings you here, Cha?" Tiningnan ko si Ken at mukhang kakilala niya yung babae.

"Have you forgotten?" Agad kinuha ni Ken yung cellphone niya at may tiningnan siya roon na nakapagpabago ng ekspresyon ng mukha niya. "I went to your house earlier pero walang tao then I called Alex."

Agad kaming nag-ayos ni Ken at lumabas ng kuwarto at pumunta sa living area ng suite kung saan niya pinaghintay yung babae. Doon niya ipinakilala yung babae na kapatid pala niya. Sinubukan kong maging friendly kay Cha pero sinungitan niya ako.

"Cha! Stop being mean to Airyll," sita ni Ken sa kapatid niya nang mapansin nito yung pakikitungo niya sa akin.

"I'm not being mean! It's just that I've heard so many things about her that I don't like. Besides, I'm not in the mood today."

Magsasalita pa sana si Ken pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya. Siguro naninibago lang yung kapatid ni Ken sa akin. Isa pa, wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo noon nung huli ko siyang makita.

Pinauwi na ako ni Ken sa bahay dahil may pupuntahan pa raw sila ni Cha. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi magtanong kay Alex kung anong mayroon ngayon.

"Ngayon po ang death anniversary ng pagkamatay ni Ma'am Vangie."

Bigla akong napatingin sa harap. Kaya pala ganoon na lang yung reaksyon ni Ken kanina. Gusto ko samahan si Ken ngayon katulad ng pagsama niya sa akin. Alam ko kasi kung gaano kahalaga at importante sa kan'ya si Tita Vangie. Simula't sapul, siya lang yung lagi niyang nakakasama dahil abala ang papa niya sa mga negosyo nila. Minsan ko lang din nakita yung papa ni Ken, 'di katulad ni Tita Vangie.

Nakarating kami sa bahay at pinagpahinga ako ni Alex. Pero kahit nakahiga na ako dito sa kama, hindi ako makatulog at makapagpahinga dahil iniisip ko si Ken. Lagi niya akong pinoprotektahan at ipinapakita sa akin na malakas siya pero yun ba talaga nararamdaman niya ngayon?

Tiningnan ko yung orasan at mag-gagabi na pero wala pa rin si Ken. Kumain na kaya siya? Okay lang kaya siya? Gusto kong sumunod sa kan'ya at damayan siya roon.

Napagpasyahan kong bumangon dahil baka mabaliw ako kakaisip ng kung anu-ano kung mananatili lang akong nakahiga. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Doon, nadatnan ko si Alex na katatapos lang makipag-usap sa telepono.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon