Chapter Ten - Torment

7.1K 198 6
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

Umpisa ng unang araw ko ngayon sa St. Caroline at nadatnan ko si Ken sa harap ng gate. Tiningnan ko lang siya bago lagpasan. Hindi na kami nag-aaway simula nung insidenteng iyon. Wala ring imikan kapag walang importanteng bagay na sasabihin. Sabay-sabay na kaming tatlo kumakain nila Alex at palagi na siyang nasa bahay. So far, masasabi ko naman na okay na yung pagsasama namin. Wala nang nagkakainitan ng dugo.

"Airyll." Bigla akong napahinto sa paglalakad nang tawagin niya ako. Lumingon naman ako sa kan'ya. "Sabay na tayo."

Bigla akong nagulat sa sinabi niya, Oo, hindi na kami nag-aaway pero it doesn't mean na friends na kami. More likely, debtor namin ang isa't isa. Kailangan niya ako at may utang na loob ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kan'ya o hindi. Kaso nagdadalawang isip din akong maglakad dahil mali-late na rin ako. Unang araw ko pa naman sa St. Caroline.

Lumapit ako sa kan'ya at pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaupo sa harapan. Hindi ko alam kung anong nagawa ko na ikinatuwa niya para maging mabait siya sa akin nang ganito. May himala ba? O may nakain siyang hindi maganda?

Pagkasakay niya ay umalis na kami. Habang nasa byahe, ay hindi ako mapakali, sobrang nakakabingi yung katahimikan na bumabalot sa amin. Gusto ko siyang kausapin pero baka sungitan niya lang ako at mapahiya na naman ako. Tumingin na lang ako sa dinaraanan namin at bigla kong naalala si Xander. Nakakalungkot man pero kailangan ko na siyang iwasan dahil iyon yung napagkasunduan namin ni Ken. Mamaya bigla na naman toyoin si Ken at ipa-schedule na naman yung laban nila na yun.

Pagkarating sa St. Caroline, nagpasalamat ako kaagad sa kan'ya at nagmadaling bumaba. Sobrang awkward ng atmosphere sa loob ng sasakyan niya. Hindi ako makahinga. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. Nang tingan ko kung sino iyon ay bigla akong napaatras. Bakit kailangang siya pa ang makita ko?

"Sorry," sabi ko at nagmadaling naglakad.

"Airyll, sandali lang." Rinig kong sabi ni Xander pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Nakarating ako sa classroom namin at as usual, agad akong umupo sa pinakalikod na bahagi ng classroom. Napansin kong nagsipagtigilan yung mga kaklase ko sa mga ginagawa nila at tiningnan ako. Para akong matutunaw na yelo dito sa kinauupuan ko dahil sa atensyon na nakukuha ko sa kanila. Ayaw na ayaw ko pa naman na napapansin ako nang maraming tao at pinag-uusapan. Mas gusto ko na lang maging outcast dito.

Nag-start yung klase tapos ipinakilala ako. Buti na lang sa Section B ako inilagay at hindi ko kaklase sila Ken. At least kahit papaano hindi ko siya nakikita. Mas okay na mag-isa ako kaysa kasama ko sila. Tahimik ang buhay ko at isa pa, baka dito pa kami mag-eskandalo.

Pagkatapos ko magsalita ay tiningnan ko yung mga kaklase ko. Sa ekspresyon ng mga mukha nila, para silang nakakita ng multo. Bumalik na ako sa upuan ko at nag-start naman na ang discussion.

Sumunod na subject namin ay tungkol sa kan'ya-kan'ya naming extra-curricular activities. Dumiretso ako sa Archery Range. So far so good naman yung experience ko as a student dito sa St. Caroline. Although laging may nagbubulungan kapag nakakasalubong nila ako. Hindi ko alam kung in a good way iyon o dahil sa nangyaring eskandalo sa amin nila Xander at Ken.

Pagdating sa Archery Range, pinagpalit na kami ng damit at pinagsuot ng gear. May sarili akong trainer at natutuwa ako sa ginagawa ko. Kahit papaano masaya rin pala kapag may special treatment ka. Madali akong natuto mag-archery at natutuwa ako sa improvements ko kaya hinayaan na ako ng trainer ko.

Titira na sana ulit ako pero may pumukaw sa aking atensyon. Napansin ko na may mga taong nagkukumpulan sa isang parte ng range. Nang tingnan kong mabuti, nakita ko na pinagtutulungan nila yung dalawang babae. Bigla kong naalala yung sarili ko nung nasa Charleston pa ako at binu-bully.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now