Chapter Twenty - Chance

6.6K 159 3
                                    

(Ken Richard's P.O.V.)

Naramdaman ko ang mainit na sinag ng araw kaya idinilat ko ang mga mata ko. Tiningnan ko ang paligid ko at napagtanto ko na nasa kuwarto ako. Napansin ko rin na nakaupo si Airyll sa sofa at nakaidlip. Halata sa mukha niya ang pagod at yung damit niya ay medyo marumi rin.

Naramdaman kong sumasakit ang kamay ko  kaya tiningnan ko ito. Nakabalot ito at doon ko naalala lahat ng nangyari kagabi. Hinarang ko ang kamay ko para maprotektahan yung babaeng umaakay sa akin.

"Mommy..." narinig kong sambit ni Airyll pagkatapos ay nagulat ito at nagising.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" seryosong tanong ko sa kan'ya.

"Wala ka bang naalala? May masakit ba sa iyo?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero ayaw kong umasa pa na magbabago yung isip niya. Bumangon ako at aalalayan sana ako ni Airyll pero iniwas ko yung sarili ko.

"Kaya ko ang sarili ko. Makakaalis ka na."

Pumunta ako sa cabinet ko para kumuha ng mga damit. Gusto kong uminom at makipaglaban. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magkaganito pero alam kong si Airyll ang dahilan nito. Pagkalingon ko sa higaan ko, nakita ko si Airyll na nakatulala lang doon. Hindi pa ba siya magpapahinga?

"Kailangan pa ba kitang kaladkarin palabas ng kuwartong ito?"

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" mahinahong tanong ni Airyll. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng isa pang pagkakataon pero hindi ko magawa dahil kailangan kong irespeto yung desisyon niya. Ayaw ko na siyang mahirapan pa.

"Bakit mo tinatanong? Ano ba kita?" tanong ko sa kan'ya pabalik.

"Sabagay, may punto ka. Ba't pa ba ako nagtatanong at nag-aalala? Fiancée mo lang naman ako sa papel. Ano bang pakialam ko kung nagpapakamatay ka na dun sa lugar na iyon?" tanong ni Airyll pabalik sa akin. Napansin ko ring lumuluha na siya bago lumabas ng kuwarto.

"Great, Ken. Ang gago mo talaga," sambit ko sa sarili ko.

Naupo ako sa kama ko. I always feel sorry for Airyll. I always hurt her despite of everything she does for me. I should be the one making her happy and not making her cry. Nakarinig ako ng katok at pumasok si Alex.

"Maayos na po ba ang lagay niyo Prince Ken?" Tumango ako kay Alex bago nagpasalamat. Tininingnan ko si Alex dahil hindi pa siya lumalabas at mukhang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan ito.

"Go ahead and tell me." Bumuntong-hininga muna si Alex bago nagsalita.

"Hindi naman po sa nangingialam ako, Prince Ken, pero kagabi po sobrang nag-aalala si Ms. Airyll. Hindi po siya mapakali at umiiyak lang po. Sinisisi niya po yung sarili niya dahil sa nangyari sa inyo. Marami po siyang masasakit na bagay na napagdaanan pero pinipilit niya pa rin pong maging matatag sa kabila ng lahat. Sana po magkaayos na po kayo para po may masasandalan siya."

"I tried begging her but she already told me that she can't bear it anymore."

Naalala ko yung gabing humingi ako ng chance kay Airyll para maayos pa namin yung relasyon namin. Gusto ko siyang protektahan at matutunang mahalin dahil iyon yung deserve niya. Not an asshole fiancé.

"Puwede niyo pa naman pong subukan ulit kung desidido po talaga kayo kay Ms. Airyll. Marahil pagod lang po siya nung gabing iyon at inuna niya po yung nararamdaman niyo kay Princess Kate kaya po niya nasabi na sumusuko na siya."

Wala na akong maisagot kay Alex dahil tama naman siya, kung desidido talaga ako kay Airyll, hindi dapat ako nagsasayang ng oras na makipagpatayan sa Arena o sa pag-inom ng alak. Dapat sinusuyo ko siya hanggang sa makuha ko yung pagpayag niya.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now