Chapter Twelve - Disorientations

6.9K 180 7
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko na para bang minamartilyo. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Doon ko lang napagtanto na gabi na pala at nakasandal ako sa balikat ni Ken. Napaayos ako bigla ng upo.

"Gising ka na?" mahinahon niyang tanong.

"Tingin mo?" pagsusungit ko sa kan'ya.

Hindi porket nakatulog ako, makakalimutan ko na yung pinaggagawa niya at yung inis ko sa kan'ya. Patuloy kong inayos yung sarili ko at napansin kong may suot na akong blazer. Marahil ito ang dahilan kaya komportable ako ngayon at hindi nilalamig. Tiningnan ko si Ken na tahimik lang at tama rin ang hinala ko, sa kan'ya nga itong blazer. Tatanggalin ko sana iyon pero pinigilan niya ako.

"Isuot mo muna iyan dahil malamig. Huwag nang matigas ang ulo."

Bakit ba kasi hindi ako nakapagpalit agad kanina pagkaalis ng Archery Range. E 'di sana may sarili akong blazer ngayon. Nagkaroon pa ako ng utang na loob sa lalaking ito.

"Sorry, kasalanan ko na na-lock tayo dito sa rooftop."

Tiningnan ko siya at sa puntong ito, sobrang nararamdaman ko yung sincerity niya. Gusto ko man siyang sisihin pero dahil sa ekspresyon niya ngayon, lumalambot na naman ako. Pero tama naman siya, kung iisipin hindi naman niya kasalanan at nasa parehong sitwasyon lang kami ngayon.

"Ayos lang. Pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina. Sobra lang akong nadala ng emosyon ko at hindi na nakapag-isip nang maayos."

Ibinaling ko yung atensyon ko sa mga kumikislap na bituin dahil sa sobrang awkward namin. Naalala ko nung nakatira pa ako sa dati kong tinitirhan, madalas akong humihiga sa bubong para pagmasdan yung mga butuin sa gabi, lalo na kapag sobrang sama o bigat nang nararamdaman ko. Siguro ituturing ko na lang ito na blessing in disguise bilang pampalubag loob at pampagaan ng nararamdaman.

"Ayos lang at naiintindihan kita. Alam kong may mga lapses ako pero sana intindihin mo rin ako. Ayaw ko lang namang mapahamak ka. Hindi mo kilala yung hayop na iyon at ang pamilya niya. Ako ang mananagot dahil ibinilin ka sa akin ni Tito Ricky. Ayaw ko na ring maulit yung nangyari noon kay Mama."

Muli kong itinaas ang mga tuhod ko at ipinatong ang baba ko. Idineretso ko ring ang tingin ko sa kawalan. Napakadilim at kung wala ang mga butuin at buwan, baka wala na akong makita.

"Alam ko..." bumuntong-hininga ako. Nag-aalinlangan akong ituloy yung mga sasabihin ko dahil baka mag-away na naman kami. Nakakapagod din. "Pero paano kung na-misunderstood niyo lang ang isa't isa? O hinuhusgahan mo agad si Xander? Dahil sa totoo lang, sobrang gaan ng loob ko sa kan'ya at napapasaya niya ako kahit sobrang bigat ng loob ko."

Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa tuhod ko at yumuko. Hindi na siya sumagot sa sinabi ko na ikinagulat ko pero hinayaan ko na lang. Baka pagod na rin siya. Lumipas ang mahabang oras na nakaupo lang kami doon. Walang ibang naririnig kung 'di ang tunog ng mga kuliglig.

Tolerable na sana ang lahat ng nangyayari ngayon kaso biglang pumatak yung ulan. Dali-dali kaming sumilong sa isang maliit na espasyo dito rooftop na may bubong. Habang tumatagal, palakas na rin nang palakas yung ulan. Hindi maganda ito.

Sobrang lapit namin sa isa't isa ni Ken at sobrang awkward din. Hindi kami masyadong makagalaw nang maayos. Panigurado naalibadbaran na itong si Ken at hindi sanay sa ganitong mga sitwasyon.

Biglang kumulog nang malakas at napayakap ako kaagad kay Ken. Mas lalong humigpit yung yakap ko sa kan'ya dahil palakas din nang palakas yung kulog. Bakit ba ang laki ng takot ko sa tunog ng kulog.

"A...ayos ka lang ba?" nauutal niyang tanong.

Nilakasan ko ang loob ko na labanan yung takot ko sa kulog. Nakakahiya yung pinaggagawa ko ngayon. Lalayo na sana ako sa kan'ya pero nagulat ako nang higpitan naman niya yung yakap niya sa akin.

"Gan'to lang muna tayo." Bigla akong nabato sa kinauupuan namin. Ano bang ginagawa niya? Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Para akong hihimatayin. "Nilalamig ako."

Natahimik na naman kami at tanging ang tunog lang ng ulan ang nangigibabaw sa amin.

"Naalala mo nung mga bata tayo, kapag kumukulog nagtatago ka sa cabinet at isang beses hindi ka pa nga namin mahanap noon. Halos himatayin sa pag-aalala mama mo."

Tama siya. Ganoon nga ang gawain ko kapag kumukulog noong bata ako. Naramdaman kong hinahaplos ni Ken yung buhok ko at nag-hum siya. Yun yung ginagawa niya dati para kumalma ako na epektibo pa rin hanggang ngayon.

"Sana puwede pa tayong bumalik sa dati," bulong niya sa akin. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa init ng hininga niya.

Umaga na nang makauwi kami. Mabuti na lamang ay wala kaming pasok ngayon. Agad akong humilata sa higaan ko dahil sa sobrang pagod. Isinubsob ko yung mukha ko sa mga unan at in-analyze lahat ng nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko ngayon. Ano ba itong weird na nararamdaman ko? Ano bang ginagawa niya? Umupo ako at sinabunutan ko ang sarili ko baka sakaling lubayan ako ng mga agam-agam ko.

"Pagod lang ito Airyll. Oo, tama, sobra ka lang napagod at dahil lang din iyon sa halo-halong emosyon na naramdaman mo kahapon kaya ka nagkakaganito," paulit-ulit kong sabi sa sarili ko pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako matahimik.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at bigla akong napahiga. Nagkunwari akong nagtutulug-tulugan dahil kung si Ken iyon, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko o iaakto.

"Ms. Airyll?" Napadilat ako at napabalik sa puwesto ko kanina nang mapagtanto kong si Alex iyon. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Alex habang lumalapit.

Agad kong kinuha yung kamay ni Alex at inilapat sa noo ko. "Alex, nilalagnat ba ako?" tanong ko at umiling naman siya.

"Bakit po ngayon lang kayo nakauwi? At mukhang sobrang stress po kayo?"

"Si Ken, nasaan?"

"Nagpapahinga po." Pinaglaruan ko yung mga daliri ko para mapakalma ako. Mababaliw na yata ako. "May bumabagabag po ba sa inyo Ms. Airyll? Kanina pa po kayo hindi mapakali."

Ikinuwento ko lahat-lahat kay Alex. Alam ko namang hindi niya ito sasabihin kay Ken at baka tuluyan nang magsipag-tanggalan lahat-lahat ng turnilyo ko sa ulo kapag hindi ko nailabas ito.

"Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko kagabi at hindi ako mapakali habang nasa ganoong sitwasyon kami. May sakit na ba ako sa utak?" Biglang natawa nang mahina si Alex.

"Wala po kayong sakit doon, nandito po," sabi niya sabay turo sa dibdib ko.

"Sakit sa puso?"

"Nahuhulog na po kayo kay Prince Ken." Sa pagkakataong ito, ako naman ang natawa sa sinabi ni Alex. Ako, mahuhulog sa kan'ya? Sa taong patuloy na nananakit sa akin? "Ngayon naman po dito na kayo may sakit dahil itinatanggi niyo po sa sarili niyo yung nararamdaman niyo." Sabay turo ni Alex sa ulo ko.

Natahimik na lang ako. Kung tama nga si Alex na nahuhulog na ako kay Ken dahil sa ginawa niya kanina, ang tanga ko. Ako na ang gumagawa ng paraan para masaktan at kapag lumala pa ito, hindi ko na siya masisisi dahil ako na mismo ang may kasalanan. Hindi na ako natuto sa mga nangyari dati.

"Ms. Airyll, inihanda ko na po yung mga damit niyo. Magpalit na po kayo at magpahinga," sabi ni Alex bago lumabas ng kuwarto ko.

Hindi puwede ito, hindi na ako papayag sa hiling ni Ken na bumalik kami sa dati. Sa dati na binibigyan ko siya ng karapatan na saktan ako dahil gusto ko siya. Kailangan kong labanan itong nararamdaman ko.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

A/N: You'll be safe here yung kanta na hina-hum ni Ken kay Airyll to make her feel calm.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now