Chapter Six - Adjustment

1K 21 0
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

"Prince Ken, nagkakamalay na po si Ms. Airyll!" Narinig kong sambit ni Alex. Idinilat ko yung mga mata ko at napansin kong nasa kuwarto ako ni Ken.

"A...ano'ng nangyari?" tanong ko sa kanila.

"I should be the one asking you that question. What the hell did that bastard do to you, for you to end up like that?" tanong ni Ken.

Doon ko lang naalala na pumunta nga pala si Xander sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pakay nung lalaking iyon. Katulad din ba siya ni Ken? Pero iniligtas niya ako. Kung hindi dahil sa kan'ya, baka hindi lang ito ang inabot ko. Kaso malaki rin ang posibilidad na kinukuha niya lang ang loob at tiwala ko. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon.

"Ano? Napipi ka na rin ba?" Tiningnan ko nang masama si Ken. Tingin niya ba ginusto kong magdusa dahil sa pesteng trauma na ito? And in the first place, sino ba ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito ngayon? "Speak up or I will force you to do so," sabi ni Ken habang hinihilot ang sentido niya at halatang nauubos na ang pasensya niya.

"Wala akong kahit na ano'ng sasabihin sa iyo," sabi ko at tumayo na ako. Nagsimula na akong maglakad palabas ng kuwarto ni Ken pero naramdaman kong hinawakan niya yung braso ko para pigilan ako. "Bitiwan mo ako. Nasasaktan ako."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi mo ba nakikita na maraming nag-aalala sa iyo?" sabi niya at napapansin kong nag-soften yung expression ng mukha niya. Akala niya madadaan niya ako sa ka-plastic-an niya?

"Don't act as if you care. For all I know, gusto mo lang makuha kung anuman iyang gusto mong makuha sa amin kaya ka umaarte na akala mo nag-aalala ka sa akin. Huwag kang mag-alala, hindi ito makakarating kay papa."

Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak niya at nagulat ako nang bigla niya akong bitiwan kaya muntikan na akong matumba. Buti na lang nasalo ako ni Alex. Tiningnan ko siya at bumalik na yung galit na expression ng mukha niya.

"Damn it, Airyll. You're unbelievable." Lumabas na siya ng kuwarto at isinarado niya nang pabagsak yung pinto.

Tiningnan ko yung parte ng braso ko na hinawakan niya at namula iyon. Napaka-bayolente ng aroganteng tao na iyon. Parang mas kailangan ko pang matakot sa kan'ya kaysa dun sa nang-trespass sa kuwarto ko. Kasama kong bumalik si Alex sa kuwarto ko dahil nag-aalala siya na baka bumalik na naman yung mga nagpunta kagabi. Pagkapasok ko sa kuwarto ko, napansin ko na wala na yung basag na vase at malinis na ulit dito. Parang walang nangyari. Umupo ako sa higaan ko at tiningnan ko yung eksaktong puwesto ko nung iniligtas ako nung Xander.

"Ayos lang po ba kayo Ms. Airyll?" tanong ni Alex.

"Alex, sino yung Xander?"

"Ang pamilya po ni Sir Xander Michael Angeles ang nagma-may-ari ng isa sa mga pinakamalalaking clothing line dito sa Pilipinas. Nag-aaral din po siya sa St. Caroline katulad ni Prince Ken." As usual, maraming alam si Alex sa mga ganitong bagay.

"Bakit galit na galit si Ken sa kan'ya?"

"Actually po, dati po silang magkaibigan, kaso po nagkaroon ng conflict sa pagitan ng pamilya nila. Naniniwala si Prince Ken na ipinapatay ng tatay ni Sir Xander si Ma'am Vangie. Pero baliktad po ang pinaniniwalaan ng side ni Sir Xander, si Ma'am Vangie raw po ang dahilan ng pagkamatay ni Sir Mykel, tatay ni Sir Xander."

"Patay na si Tita Vangie?! Kailan pa?"

Nagulat ako nang malaman ko iyon. Kumpara kasi sa ugali ni Ken, sobrang bait ng mama niya. Halos parehas sila ng ugali ni mommy kaya magkasundo sila at itinuring ko na rin siya bilang pangalawang ina ko.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon