Chapter Twenty-One - Firsts

6.6K 164 6
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

"Good morning." Nagulat ako nang makita ko yung mukha ni Ken na sobrang lapit sa akin.

"A...ano'ng ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" Tiningnan ko yung orasan ko at napabangon ako bigla dahil alas-nuebe na ng umaga. Late na ako sa school! Tumayo ako agad at kumuha ng damit. Kaya ba nandito si Ken sa kuwarto ko? "Mauna ka na pumasok sa school," sabi ko kay Ken bago pumasok ng CR dahil baka ma-late pa siya nang dahil sa akin.

Sobra akong natataranta dahil ngayon lang ako na-late nang gising on a school day. Pagkatapos ko maligo ay nag-bihis na ako sa CR para mabilis. Pagkalabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nasa kuwarto ko pa rin si Ken na halata sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa.

"Hindi ka pa rin umaalis?" Umiling siya. "Ano'ng nakakatawa?" Medyo nababahala na rin ako.

"You don't need to hurry. It's a holiday. We don't have classes."

Doon ko lang naalala na long weekend pala dahil holiday ngayong Monday. Hindi ko alam kung mahihiya ako or what sa ikinilos ko. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

"E ba't ka nandito?"

"Cook for me then we'll go on a date."

"Ha?" tama ba yung pagkakarinig ko? Date?

"You heard me right. Let's go downstairs. I'm hungry," sabi niya bago lumabas ng kuwarto.

Hinawakan ko yung dibdib ko na parang sasabog anytime dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lalabas kami ngayon ni Ken at kaming dalawa lang! Nagmadali akong magbihis ng pang-alis at pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng simpleng breakfast para sa amin. Habang nagluluto, ilang beses ko nahuling nakatingin si Ken sa akin. Sana lang totoo yung kasabihan na "The only way to a man's heart is through his stomach" dahil alam kong makakatulong ito sa akin. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ako sa pagluluto. Tinulungan ako ni Ken maghain.

"Ba't dalawang pinggan lang? Hindi ba kakain si Alex?"

"Nauna na siyang umalis." Tumango na lang ako.

Hinintay ko munang tikman ni Ken yung niluto kong fried rice at omelet. Kinakabahan ako kung ano'ng magiging reaksyon niya sa niluto ko. Confident naman ako sa kakayanan ko pero nakakaba pa rin pala kapag ipinapatikim yung niluto ko sa iba.

"As expected, your food will always be delicious."

"Sa...salamat," sabi ko at kumain na rin.

Totoo pala yung sabi nila na makita mo lang na masayang kumakain yung taong mahal mo, busog ka na. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin. Nag-i-insist pa si Ken pero sabi ko ako na dahil hindi pa rin maayos yung kamay niya.

"Kaya mo bang mag-drive?" Tumango naman siya.

"Nabuhat nga kita kagabi," pang-aasar niya.

"Puwede mo naman kasi akong gisingin e."

"After all the things that happened, you deserve a long night sleep that's why I didn't wake you up." Tumango naman ako.

Tahimik lang kami sa byahe. Alam kong pareho pa kaming nag-a-adjust sa sitwasyon namin and alam ko namang ginagawa namin yung best namin to make things work out for the both of us.

Nakarating kami sa isang orphanage at pagkababa ng sasakyan ni Ken, sinalubong siya ng isang madre at ilang mga bata.

"Iho, buti napabisita ka. Nami-miss ka na ng mga bata," sabi ni Sister bago tumingin sa akin. "Siya ba ang nobya mo?" Nginitian ko si Sister at nagulat ako nang hawakan ni Ken yung kamay ko bago sumagot.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon