Chapter Twenty-Four - Relief

6K 148 12
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Bigla kong naitulak si Ken dahil napansin kong nakayakap siya sa akin pagkagising ko. Napagtanto ko ring nasa kuwarto niya ako at nang tingnan ko yung katawan ko sa ilalim ng kumot, damit na niya yung suot ko kaya tinakpan ko ulit ng kumot.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko kay Ken nang bumangon ito mula pagkakahulog niya sa kama. Halata sa ekspresyon niya na nagulat siya sa nangyari. Nakita ko rin na wala siyang pang-itaas na mas lalong ikinakaba ko.

"You honestly don't remember?" tanong niya bago umupo sa kama kaya napausod ako palayo sa kan'ya.

"Tingin mo ba magtatanong ako kung naaalala ko?" Bigla niyang inilapit yung mukha niya sa akin bago ngumisi nang nakakaloko.

"Too bad, that was a great experience." Itinulak ko siya palayo.

"Get out!" sigaw ko.

"Seriously? You want me to get out of my own room?" Hindi pa rin nawawala yung mga mapang-asar na ngisi niya. Tumayo ako habang dala-dala yung kumot. "Before you forget, that's my blanket also."

"Ibabalik ko mamaya!" sigaw ko bago ko sinara yung pinto niya at kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto ko.

Pagkasarado ko ng pinto ay napasandal ako dito at napaupo. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Nang mapansin kong nagbago ang kobre-kama ko, doon ko lang naalala ang lahat. Mula sa mga nangyari sa rooftop hanggang kagabi. Pati yung mga pinagsasabi at pinaggagawa ko.

"Nababaliw ka na talaga, Airyll," sambit ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

"Airyll?" Narinig ko ang boses ni Ken habang kumakatok kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kama ko at kung minamalas ka nga naman, bigla akong natisod sa kumot na dala-dala ko.

"Airyll, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ken na hindi ko namalayan, nakapasok na pala sa kuwarto ko.

Tumango ako bago ko sinubukang tumayo kaso bumagsak ulit ako, buti na lang naalalayan ako ni Ken. Naramdaman ko ang pagsakit ng paa ko na na-sprain yata. Tiningnan ni Ken iyon at agad siyang nagpakuha ng yelo kay Alex. Nagulat ako ng buhatin ako ni Ken at ilapag sa kama ko.

"Medyo malala yung pagkaka-sprain ng paa mo. Ilang araw ka ring hindi makakapasok," sabi ni Ken habang sinusuri yung paa ko. "Bakit ba kasi tumatakbo ka?"

"Sorry," sabi ko sa kan'ya at tiningnan niya ako. Para akong bata na humihingi ng tawad sa magulang dahil sa kakulitan.

"I understand. But you need to be careful because I don't want you to get hurt."

Ngayon ko lang nakita yung gan'tong side ni Ken. Expect ko magagalit siya o mang-aasar pero nagkamali ako. Pagkatapos apply-an ni Ken ng cold compress yung paa ko, medyo guminhawa siya kaso hindi pa rin nawawala yung sakit kapag naigagalaw.

"Here," sabi ni Ken habang inilalapag yung pagkain na dala ni Alex. "It's good for hangovers." Habang kumakain, napapansin ko na nakatingin lang si Ken sa akin.

"Hindi ka ba papasok?"

"Nope. I'll take care of you." Naramdaman ko yung pag-init ng mga pisngi ko na ikinangisi naman niya. "You look cute last night." Inuumpisahan na naman niya yung pang-aasar niya.

"Just forget everything I've said or everything that happened. Nasa impluwensiya ako ng alak at hindi ko alam ginagawa ko kagabi o sinasabi."

"Oh really? But they say that everything you say when you're drunk is basically the truth that you're trying to compress when you're sober."

Hindi na lang ako sumagot. Natapos ako kumain at ipinakuha na ni Ken yung pinagkainan ko kay Alex pero hindi pa rin siya umaalis ng kuwarto ko. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama ko. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ako sanay na may tumitingin sa akin dahil lumaki ako na ako lang ang palaging tumitingin sa iba. Hindi naman kasi ako agaw pansin.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now