Chapter Twenty-Six - Engagement Party

6.2K 154 4
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Dumating na yung araw ng engagement party. Kahit ngayong inaayusan na ako, gusto ko pa ring mag-back-out. Pakiramdam ko, may masama talagang mangyayari. Yung huling attend ko ng party, nagka-trauma ako at naligo ako sa spaghetti sauce.

"Ay, bakit Biyernes Santo mukha mo? Hindi ba dapat masaya ka kasi engagement party pupuntahan mo, hindi naman lamay? O wrong information nasagap ko?" tanong nung nagmi-make-up sa akin. Napangiti na lang ako ng pilit. "Hindi mo ba bet mapapangasawa mo?"

"Ay hindi po ganoon iyon," agad kong depensa dahil napakalayong mangyari n'on. Simula't sapul, gusto ko na talaga si Ken kahit pilit ko ikinukubli ang bagay na iyon.

"E bakit? Hindi ka niya bet?"

"Yata?" tanong ko rin sa sarili ko dahil hindi ko rin sigurado.

"Ba't parang hindi ka sigurado? Ano ba sabi niya sa iyo?"

"Gagawin niya raw yung best niya para matutunan niya akong mahalin."

"Iyon naman pala e. Wala ka bang tiwala sa fiancé mo?" Bigla akong napaisip sa tanong ni ate dahil may punto siya. "Mahirap kapag wala kang tiwala kasi iyon iyon yung isa sa mga kakambal ng pagmamahal sa isang relasyon, kasama ng loyalty. Kung hindi kumpleto yung tatlong yun, magkakaroon talaga kayo ng problema."

Nagpasalamat ako kay ate pagkatapos niya akong ayusan at tulungang magpalit. Mag-isa na lang ako ngayon dito sa hotel room na nirentahan namin. Tiningnan ko yung sarili ko sa malaking salamin na nasa harap ko.

"Kaya ka ba kinakabahan dahil wala kang tiwala kay Ken na matutunan ka rin niyang mahalin?" sambit ko sa sarili ko.

Pinikit ko yung mata ko at ikinuyom yung kamao ko. Siguro kailangan ko nang maging honest sa sarili ko, sa mga nararamdaman ko. Kaya siguro wala akong tiwala sa ibang tao dahil mismong sarili ko, sinisira yung tiwala ko by being dishonest. Idinilat ko yung mga mata ko at nakita ko sa salamin si Ken na nasa pinto.

"Can I come in?" Tumango ako. "What's with that? Are you nervous?"

"Oo." Okay, nagiging honest naman ako.

"Don't worry, I'll be right here," sabi ni Ken kaya ngumiti na lang ako.

Kahit sinabi ni Ken iyon, hindi pa rin ako mapakali. Nape-pressure ako kapag nasa akin ang spot light at nakatuon sa akin ang atensyon ng mga tao. Marahil nasanay ako sa pagtatago o nasa dilim lang.

Pumasok kami sa isang function hall na may mga engrandeng disensyo mula sa kisame hanggang sa mga cover ng lamesa at upuan. Kulay blue at puti ang mga disensyo. Napansin ko rin kung gaano ka-pormal ang suot ng mga tao sa paligid kung saan sumisimbolo sa antas nila sa buhay. Naroon din ang ilang estudyante sa St. Caroline at ang mga kaibigan ni Ken. Umupo kami sa lamesa na malapit sa Stage.

Pagkatapos magsalita ni Papa, ipinakilala niya na ako. Ramdam ko ang panginginig ko habang umaakyat ng stage at ang tanging nasa isip ko lang ay ang huwag madapa dahil ang taas ng takong ng sapatos ko. Sinubukan kong ngumiti kahit feeling ko anytime soon, madudumi ako. Ang daming matang nakatingin sa akin, halatang kinikilatis ako mula paa hanggang ulo.

Ilang sandali pa, umakyat na rin si Ken sa stage. Tinabihan niya ako at ipinalibot niya yung braso niya sa baywang ko. Akala ko mawawala kaba ko dahil nandito si Ken sa tabi ko pero mas lalo pa akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin sa St. Caroline.

"Everything will be fine." Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Ken sa tainga ko.

Parang nag-slow motion ang lahat dahil ang tagal naming nakatayo ni Ken sa harap ng maraming tao pero sa kan'ya, parang wala lang iyon. Siguro sanay na siya na nasa kan'ya ang spotlight. Pagkatapos ng mahabang paghihintay, bumaba na rin kami sa stage ni Ken.

His Missing Fiancée (Editing)Where stories live. Discover now