Chapter Sixteen - Mess

7.3K 173 3
                                    

(Ken Richard's P.O.V.)

Sobrang sakit ng ulo ko. Bakit ba kasi nagkasakit ako? Susubukan ko sanang bumangon pero nagulat ako nang makita ko si Airyll na natutulog sa gilid ko. Napansin ko ring hawak niya ang kanang kamay ko.

Tumingin ako sa paligid ko at naalala ko na kung bakit siya nandito. Napangiti na lang ako. Siguro mas maganda kung palagi akong may sakit, para inaalagaan niya ako at mabait siya sa akin. Hindi yung palagi kaming nag-aaway.

Dahan-dahan kong inialis yung kanang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumayo. Binuhat ko siya at inihiga sa kama ko. Inayos ko yung unan at kinumutan ko siya. Marahil sobra siyang napagod at hindi man lang siya nagising sa ginawa ko.

Nakarinig ako ng mahinang katok at nang buksan ko yung pinto ay nakita ko si Alex. Hindi ganoon kaganda yung ekspresyon ng mukha niya at marahil alam ko na ang ibig sabihin nito.

"May bisita po kayo," sabi ni Alex.

"Tama ba ang hula ko kung sino?" Tumango siya. "Sige, susunod na ako."

Nagpalit muna ako bago bumaba at nakita ko si Kate na nakaupo sa sala. Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kan'ya, hindi ko pa rin mapagilan yung nararamdaman ko sa kan'ya. Kahit masama pakiramdam ko, mas pipiliin ko pa ring bumangon at harapin siya. Pero hindi na tama ito.

"What brings you here?" malamig kong tanong sa kan'ya.

Alam kong ito lang ang tanging paraan para hindi kami pare-parehong nahihirapan at nasasaktan. Kailangan kong pigilan ito at matutunan na mahalin si Airyll. Alam kong hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya sa akin at ayaw ko nang dagdagan yung sakit na naidudulot ko sa kan'ya.

"You're not answering my calls and this is the first time na ginawa mo iyon." Tiningnan ko siya. Akala niya ganoon kadali gawin yung desisyong kong ito? "I guess baka busy ka lang. But anyway, nabalitaan kong nagpa-schedule raw ng laban si Xander against you?"

Ikinuyom ko yung mga kamao ko. Ito lang ba yung kailangan niya kaya niya ba ako tinatawagan nang tinatawagan? Kailan niya ba ako makikita at bibigyan ng pansin yung nararamdaman ko? Dati gusto ko lang na alam niya ito pero nakakapagod maghintay at umasa. Ni hindi man lang niya ako kinamusta ko ayos lang ba ako.

"I know and I'm not planning to fight a weakling like him."

At isa pa iyang siraulong lalaking iyan. Hindi niya ba alam kung saan siya lulugar? At bakit napakatapang niya na kalabanin ako ngayon? Dahil ba ito kay Airyll?

"It will tarnish your reputation at tatawagin ka nilang duwag. Some of them will eventually disrespect you."

Alam kong nag-aalala siya pero ayaw kong mag-away na naman kami ni Airyll nang dahil na naman sa siraulong iyon. Ayaw ko nang maulit yung ginawa ni Airyll noon para lang sa siraulong iyon. Hindi niya deserve iyon.

"I don't care because I don't break promises."

"Is it because of that girl?" Nagseselos ba siya kay Airyll? Pero bakit imbes na kabahan ako sa puwede niyang gawin, natutuwa pa ako na apektado siya? "Anyway, I should go. It seems like you're not on a good mood and right mind."

Halata sa mukha ni Kate yung pagkainis. Kung tutuusin, sa haba ng pinagsamahan namin, ngayon ko lang yata nakita yung ganitong reaksyon ni Kate. May nararamdaman na rin ba siya sa akin? O dahil lang iyon kay Xander?

Pagkaalis ni Kate ay tumayo na ako para umakyat sa kuwarto. Pero nagulat ako nang makita ko si Airyll sa tabi ng hagdanan na nakatulala. Mukhang napakalalim ng iniisip niya at pakiramdam ko ay hindi rin ito maganda.

"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan nang may usapan," sabi ko at bigla siyang napatalon dahil sa gulat.

"Hindi ako nakiki..." Lumapit ako sa kan'ya at ipinatong ko yung kamay ko sa ulo niya.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon