Chapter Twenty-Two - Elation

6.8K 163 15
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Nakatulala lang ako sa kisame at inaalala ang lahat. Hinawakan ko yung labi ko at hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Ken, akala ko panaginip lang ang lahat. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung bilis ng tibok ng puso ko na parang hindi napapagod.

Nang mag-alas singko na ng umaga ay bumangon ako at nagluto ng almusal naming tatlo. Medyo inaantok na ako pero wrong timing naman kasi papasok na ako sa school. Natapos akong magluto at umupo muna ako sa lamesa. Sinusubukan kong gisingin yung sarili ko pero talagang sinusundo na ako ng liwanag.

Bigla akong nagising nang maalimpungatan ako. Tatayo na sana ako pero dun ko lang napansin na nakasandal pala ako kay Ken habang natutulog. Tiningnan ko yung paligid at nasa dining pa rin kami nakaupo.

"You can sleep for another 5 minutes. It's still early. I'll wake you up," sabi niya at naramdaman ko yung paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Papatayin ba niya ako sa kilig? Nagwawala na naman yung tiyan ko. Hindi na naman mapakali sa pagtibok yung puso ko. Imbes na makatulog ng 5 minutes pa ay gising lang ako, nagnanakaw ng tingin kay Ken na nakapikit. Hindi ko maiwasan na hindi ma-admire yung facial features niya. Makapal na kilay, matangos na ilong, at yung labi niya, yung labi niya na dumampi sa labi ko kagabi.

"I said you can sleep not stare at me."

Biglang idinilat ni Ken yung mata niya at tumingin sa akin habang may pang-aasar na ngiti. Agad akong napaiwas ng tingin at napalayo sa kan'ya dahil sa gulat. Huling-huli niya ako sa akto! Tumayo ako at naghain na ng pagkain. Bumaba na rin si Alex kaya nag-agahan na kami. Habang kumakain ay tingin nang tingin sa akin si Ken na may halong pang-aasar na ngiti.

"Bakit ba?" medyo naiirita kong tanong kasi nagi-guilty ako sa ginawa ko kanina.

"What? I'm just eating here peacefully," sabi ni Ken na akala mo wala siyang kamuwang-muwang sa mundo.

Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya nang mahina. Pagkatapos kumain ay naghanda na kami papasok sa school. Nauna na akong sumakay sa sasakyan ni Ken at sumunod naman siya. Ilang sandali na ang lumipas at hindi pa rin pinapaandar ni Ken yung sasakyan niya. Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa akin, mali, nakatitig.

"May problema ba? Mali-late tayo niyan," sabi ko at ngumiti lang si Ken, yung nakakaloko niya na namang ngiti. Unti-unti siyang lumapit na ikinakaba ko. Hahalikan niya ba ako ulit? "Ken, hindi ka na nakakatuwa."

Napapikit ako dahil sobrang lapit na ng mukha ni Ken. Yung tipong nararamdaman ko na yung hininga niya. Hindi ko alam pero parang ang tagal ng hinintay ko at wala pa ring nangyayari. Idinilat ko yung isang mata ko at nakita ko si Ken nagpipigil ng tawa. Hinila niya yung seatbelt sa kanan ko at isinuksok sa kaliwa ko.

"You should fasten your seatbelt. The car won't start unless you do."

Hindi na ako nakasagot dahil sa sobrang kahihiyan ko. Naramdaman kong nagi-init yung mga pisngi ko at sigurado ako madadaigan ko pa yung kamatis sa sobrang pamumula ngayon. Umalis na kami pagkasakay ni Alex sa likuran. Habang bumabyahe, nagtulug-tulugan lang ako. Hindi ko kayang harapin yung mga mapangasar na ekspresyon ni Ken dahil guilty ako. Naaninag ko rin na parang may ipinangharang si Ken para hindi ako masilaw. Ilang sandali lang ay huminto na rin kami. Marahil nasa St. Caroline na kami.

"You can stop pretending to be asleep now. We're already here."

Hindi nga ako ginagalit ni Ken pero sa pinaggagawa niyang pang-aasar sa akin, hindi malayong mabuwisit ako sa kan'ya at magbangayan na naman kami. Pero mas okay na siguro ito at least, kinikilig din ako habang inaasar niya.

"Ano'ng oras matatapos klase mo?" tanong ni Ken sa akin pagkalabas namin ng kotse.

"Ite-text na lang kita," sabi ko bago ako umalis pero pinigilan ako ni Ken. Mali-late ako nito e.

"Give me your phone." Kinuha ko agad sa bulsa ko yung cellphone ko at ibinigay sa kan'ya. Tinype niya yung phone number niya bago ibinalik sa akin at umalis.

Nang tingnan ko yung pangalan na inilagay ko sa cellphone hindi ko mabasa. Hindi siya naka-alphanumeric, parang chinese o korean yung nakalagay. Seryoso ba siya? Paano ko mababasa ito? Bigla kong naalala sila Umi at Junie. Agad akong pumunta sa classroom at nakita ko sila roon.

"Good morning," bati ko sa kanila na tinugunan nila. Umupo ako sa tabi nila bago nagtanong. "Do you know the meaning of this?" Ipinakita ko sa kanila yung isinulat ni Ken sa cellphone ko.

"It's written in hanggul or in Korean," sabi ni Junie. "It says here it's namja-chingu which means boyfriend. Is it Ken?" tanong sa akin ni Junie na sinabayan naman ng pang-aasar ni Umi.

Agad kong itinago yung cellphone ko at nag-alibi sa kanila. Hindi ko alam kung masasanay ba ako na gan'to si Ken. Parang hindi siya yung kilala kong Ken. Ang bait niya sa akin na sobrang nakakapanibago. Buti na lang naniwala sila sa alibi ko.

Dumating yung lunch at sabay-sabay kaming kumain sa cafeteria. Habang kumakain ay hikab ako nang hikab. Sobrang inaantok talaga ako. Feeling ko anytime soon babagsak na yung talukap ng mga mata ko.

"Are you okay, Airyll? Weren't you able to sleep last night?" Tumango ako sa kanila.

Alam kong masama magsayang ng pagkain pero wala na talaga akong gana at gusto ko nang matulog. Nagpaalam na ako kila Umi at Junie bago umalis ng cafeteria. Tiningnan ko yung orasan ko at may ilang minuto pang natitira bago matapos yung lunch namin. Umakyat ako sa rooftop para magpahangin at stretching.

Pagkarating ko ng rooftop ay nakita ko roon si Kate. Paano niya nalaman itong tinatambayan ko? Tumalikod ako para bumaba ulit dahil ayaw ko na ng gulo dahil wala naman siyang ibang dala kung 'di gulo.

"Airyll," tawag sa akin ni Kate. Gusto ko siyang huwag pansinin at magpatuloy sa pagbaba pero gusto kong patunayan sa kan'ya na may manners ako na taliwas sa iniisip niya. Bumuntong-hininga ako at ngumiti bago tumalikod.

"Bakit?"

"I have something to tell you." Lumapit ako sa kan'ya kahit na dapat siya gumagawa n'on dahil siya ang may kailangan sa akin. "I just want to say sorry after what happened in the Archery Range."

Nagulat ako sa paghingi ng tawad niya. Pero may part sa akin na parang ayaw kong maniwala dahil nakita ko kung paano siya umarte noon sa Archery Range. Kaso sino ba naman ako para husgahan siya? Hindi ko naman siya ganoon kakilala aside sa mga kuwento-kuwento sa akin. Baka naman nagsisi talaga siya.

"I understand. Apology accepted."

"Thank you, Airyll." Bigla niya akong niyakap. "Here, take this. I know you need this," sabi niya sabay abot ng isang bote na may lamang pula na likido. Tiningnan kong mabuti yung bote at sa pagkakaalam ko, isa itong brand ng energy drink.

Tiningnan ko lang iyon dahil hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi iyon. Inaamin ko, napatawad ko na siya pero nag-aalangan talaga ako sa mga ikinikilos niya. Ang hirap niyang pagkatiwalaan.

"You still don't trust me? Don't worry it won't poison you. Just wake you up." Uminom nang kaunti si Kate bago inabot sa akin yung bote. "See, I'm still okay after drinking it."

Wala akong choice kung 'di kunin yung bote dahil baka magwala na naman iyan dito. Akala ko aalis na siya pagkakuha ko ng bote kaso parang gusto niya pa yatang inumin ko sa harapan niya yung binigay niya. Binuksan ko yung bote at inamoy. May kakaiba siyang amoy pero siguro gan'to lang talaga ito. Tinikman ko siya at ang tapang ng lasa.

"It taste strong which is tolerable but I assure you, it would wake you up." Pinilit kong ubusin yung laman nung bote. "See. Nothing happened to you. It'll take a few minutes," sabi ni Kate.

Nagpaalam na si Kate sa akin dahil mag-uumpisa na raw klase niya. Mayroon pa akong ilang minuto kaya nagpaiwan muna ako sa rooftop. Tumingin ako sa baba at napansin ko na parang nanlalabo yung mga mata ko. Tumalikod ako dahil akala ko nalulula lang ako pero hindi pa rin nawawala yung panlalabo ng mga mata ko. Sumasakit na rin yung ulo ko. Imbes na magising ako ay mas lalo pang lumala yung sitwasyon ko. Ano ba yung ipinainom sa akin ni Kate? Ilang saglit lang ay tuluyan nang nandilim ang paningin ko at bumagsak.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon