Magical 3:

432 32 2
                                    



Naglalakad na sya paakyat sa third floor kung saan naroon ang Section Marcos na ngayo'y may nakahandang surpresa sa bagong guro.

Sa tapat palang ng pintuan ay sobrang tahimik na pinagtataka ni Juljen. Akala ba nya ang madadatnan nya ay ang ingay ng mga ito pero mukhang mali ang inaasahan nya. Hinawakan nya ang doorknob at pagbukas palang nya sa pinto ay isang baldeng malamig na tubig ang bumuhos sa kanya kasabay ang ingay at tawanan.

"Ohhhhhh!", the three bitches chorus.

"Yan kasi ma'am hindi nag-iingat!", sisi ng isa kahit alam nilang sila ang may kasalanan. Sila ang naglagay doon.

"I told you!", at nakipag apir pa sa kasamahan nila. Hinaplos ni Juljen ang buhok nya pati ang mukha nya kahit nanginginig ang kalamnan dahil sa lamig. Basa ang ulo nya hanggang paa.

"I will be back",tumalikod sya pero bago sya makalabas ay nadulas sya. Lalong lumakas ang tawanan ng estudyante nito. Pero natahimik sila ng makitang tumayo ito habang hawak ang balakang. Hindi sila pinansin O pinagalitan man lang. Tuloy-tuloy lang ito sa paglabas. Akala kasi nila ay tulad ito ng iba na pagsabihan sila pero mukhang hindi effective. Hindi man lang nila nakitaan ng pagka-inis sa mukha. Hindi ito nag hysterical O iiyak . Nagkamali ata sila ng inaasahan sa bagong guro.

"The Plan A are Failed", komento ng isa.

"No.It's not. Look, guy's! Kita naman siguro natin kung paano ka successful ang Plan natin but one thing na hindi natin inaasahan is yung akala natin ay magagalit sya pero hindi..Ibig sabihin hindi effective ang pakulo natin sa kanya para tuluyan syang magalit..", pagpaliwanag ng isa.

"Iba talaga pag Genius", tinatapik tapik pa ang balikat ng binata.

"Correction. It's Bad Genius", pagtama nito sa kausap na nagkibit balikat lang.

"Let's start the Plan B", sumang-ayon ang lahat sa suggestion nito. Nakabalik na si Juljen at dumeretso papasok. Walang pakialam kung maulit ang nangyari kanina lang. Nang walang nangyari ay masaya syang humarap sa estudyante nya.

Nilibot nya ang tingin sa estudyanteng tahimik lang nakaupo pero feel at home. May ibang natutulog kunwari. May ibang nandidiring nakatitig sa kanya. May naghihintay sa mangyayari at may ibang chill lang habang nasa gadget nakatitig.

Ang buong paligid naman ay halatang pinababayaan mapaloob man O mapalabas. May nagkalat na mga wrapper ng mga junk food at mga papel. Ang upuan naman ay hindi naka-arrange. May ibang nakabaliktad at pinagpatong patong na mesa.

Sa likod naman kung saan ang bookshelf ay may sirang parte. Ang mga librong hindi naka-arrange kung saan nararapat. Ang iba nga nito ay nasa sahig nagkalat. Ang pader naman ay may vandalism.

Napabuga nalang sya ng hangin habang nakatingin sa mga ito. Umupo sya sa upuan nya pero napatigil sya ng maramdaman na parang may malambot syang naupuan.Oh no!. Nakumpirma  nya ang iniisip ng makitang nagkatinginan ang mga estudyante nya at nagngisihan.

Sinubukan nyang tumayo at nasama ang upuan dito. Nagtawanan naman ang mga ito ng makita ang mukha ng guro.

"What's Wrong, Ma'am Ugly?", pang-aasar pa nito ng makitang pinipilit nyang matanggal ang upuan sa palda nya.

"Anong ginawa nyo?", tanong nito sa kanila ngunit isang tawanan lang ang sinagot. Pilit nyang tinatanggal ang upuang nakadikit sa palda nya. Nahihirapan na sya.

"Iyan kasi, Ma'am hindi naman kayo nag-iingat. Ang tanga-tanga mo kasi..What a Pathetic..", nakangising sabi ng isang babaeng may kulay pink na buhok.

"E cheer kita, ma'am. Go ma'am! Go!", tumayo pa ito at pinukpokpok pa ang nirolyong notebook sa mesa. Naglikha ito ng ingay. "Guy's, ano naman ba kayo tulungan nyo akung e cheer si Ma'am Ugly.", romolyo rin sila ng notebook at pinukpok sa mesa nila.

"Go ma'am! Go! Go Ma'am! Go!", tawanan nito at niaasar sya. Puno ng ingay nila ang kaninang matahimik na paligid.

"Oh yeah!", rockstar pa ng isa. Pilit tinatanggal ni Juljen ang upuan mula sa kanya kaya dahil sa pagpupumilit nya ay napunit ang palda nya sa likurang bahagi. Nagsigawan ang mga lalaki ng marinig ang napunit na tela. Habang ang mga babae ay napangiwi.

"Narinig nyo yun?", nagtanguan at nagsigawan ng 'oo' ang lahat. Nahihiya at dali-daling tinakpan ni Juljen ang puwitan nya kung saan ang napunit na tela. Kita nya sa upuan ang naiwang tela na napunit.

Paatras syang lumabas habang tinatakpan ng dalang libro at class record ang napunit.

"Wetwew!!", sabay sipol ng mga ito sa kanya habang patakbo sya palabas. Sinundan pa sya ng mga ito at sinipulan. Hindi naitago  ni Juljen ang pamumula ng pisngi nya dahil sa kahihiyan.

"Plan B Success!", sabay sigaw nila habang kinakalampag ang mga upuan at mesa.

"Let's Celebrate! Music please!", napa-ohh sila at nilakasan ito. Ang kaninang tahimik na paligid ay nilamon ng malakas na tawanan at music. Tumongtong pa ang iba sa mesa at tumalon talon doon. Sumayaw naman ang mga babae sa gitna. May naghithit rin ng sigarilyo at binuga sa hangin.

"Sure ako wala na yun bukas!!",

"Yeah!", nagsigawan sila sa loob at walang pakialam sa mga estudyante at gurong nakakarinig sa ginagawa nila.

Juljen

"Ibang klase nga ang sectiong iyon. Mukhang mas maging exciting pa sa susunod na araw", napangisi sya habang nakatingin sa salamin ng girls restroom.

Sa isang pitik ng daliri nya ay nag-iba ang kanyang wangis. Ang kaninang nakakadiring mukha ay naging isang maamo at kaakit akit. Ang balat nyang magaspang at maitim, ngayon ay maputi na may pagka-pinkish at ubod ng lambot at kinis. Ang kaninang buhaghag na buhok ay bumalik sa dating kulay ginto at kulot na umabot hanggang beywang nito.

Binalik nya agad sa pagiging pangit ang mukha ng may pumasok. Ngumiti sa kanya ang isang titser na kapapasok lang.

"Ikaw siguro yung bagong guro na naka-assign sa Section ng mga estudyanteng matitigas ang ulo", tumango sya at ngumiti. Naghugas ng kamay ang gurong kausap."Anong nangyari sa first day mo?",

"Okay lang naman..", agad napabaling ang tingin sa kanya ng guro at tinitigan sya mula ulo pababa sa paa.

"Hindi ka ba nila inaasar? Wala ba silang ginawa sayo?", tanong nito.

"Meron pero I think there's something they want at hindi ko alam kung ano iyon. Kailangan mo lang silang pagpasyensahan", tugon nya sa guro.

"You're Right. Mabuti at mataas ang pasensya mo.", nagpaalam na sya sa guro matapos ang hindi kahabaang  pag-uusap.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now