Magical 8

409 30 0
                                    


Tugs! Tugs! Tugs! . Malakas na music ng bar.

"Let's Dance!!", hyper na sigaw ni Jolly habang pakimbot kimbot at pagewang-gewang sa dance floor. Sayaw dito. Sayaw doon. Ginalingan nya ang pagkimbot habang nakisabay naman sa indayog ang straight nyang buhok sa ere. Nakasuot sya ng red fitted dress. Hapit na hapit ito sa magandang hubog nyang katawan. Makikita ang makikinis nyang binti at collarbone dahil tube ang style ng kanyang suot.

Maya-maya pa'y napapalibutan na sya ng mga lalaki. Pareho na silang lasing ng lalaking kaharap nya.

"Let's Drink more!", bulong sa kanya ng lalaki at inabot ang matapang na alcohol. Agad tinungga ni Jolly na hindi nag-iisip. Matapos humagod ang alak sa lalamunan ni Jolly ay biglang umikot ang paligid nya. Pinilig nya ang ulo nya para mawala ang hilo ngunit hindi ito mawala. Napakapit sya sa suot ng lalaking kaharap habang nakangiting parang aso ito sa kanya. May hinalo kasing pampahilo ang pinainom na alak sa kanya.

Sinukbit ng lalaki ang mga braso nya at inalalayan ang nahihilong Jolly. Nang makalabas sila ng bar ay doon na kinabahan si Jolly dahil kahit blurred ang nakikita nya alam nyang hindi kotse nya ang sinakyan nila.

Lalo syang kinabahan ng umalis sila sa bar. Huminto sila sa gilid ng kalsada na puro matataas na damo ang nakapaligid. Walang halos dumadaan na sasakyan. Napagtanto nya na may masamang binabalak ang lalaki sa kanya. Hahalikan na sana sya nito ng ginamit nya ang natitirang lakas para itulak ang lalaki. Nauntog ang lalaki dahil napalakas ang pagtulak nya dito na pabor naman sa kanya. Agad nyang binuksan ang pinto at lumabas. Ngunit hindi pa sya tuluyang nakalayo sa kotse ng lalaki ng maabutan sya nito.

"Let me go!", naiiyak na sigaw ni Jolly habang pilit kumakawala sa pagkahawak ng lalaki. Hinila sya ng lalaki papasok sa kotse pero bago pa tuluyang mapasok si Jolly sinubukan nyang itulak muli ang lalaki ngunit nahuli nito ang dalawa nyang kamay. Nagpupumiglas sya at ubod lakas na sinipa ang ari ng lalaki.

Napadaing sa sakit ito. Agad tumakbo si Jolly kahit hilong-hilo na sya. Pa gewang-gewang syang tumakbo habang nakahabol sa kanya ang lalaki at tinatawag sya.

Hindi alam ni Jolly kung ano ang gagawin. Lalong bumuhos ang luha nya habang palapit ang lalaki sa kanya. Humihina na ang pagtakbo ni Jolly dahil sa hilo. Bigla syang nadapa kaya naabutan na sya ng lalaki habang nakangising nakatingin sa kanya. Para itong adik habang pinagmamasdan sya.

Paupo syang umatras sa lalaki ng hahawakan sya nito. Nasa gitna na sila ng kalsada. Nilabas ng lalaki ang isang pocket knife.

"Alam mo kung ano ang gusto ko pero dahil matigas ka kailangan kitang gamitan nito", umiiyak na umiling-iling si Jolly. Hindi alam ang gagawin. Takot na takot sya habang nakatingin sa matalas na pocket knife.

"Please! No!", hinablot ng lalaki ang balikat nya at sapilitang tinayo mula sa pagka-upo. Dinikit ng lalaki ang pocket knife sa pisngi ni Jolly para takutin sya. Hinila sya ng lalaki pabalik sa kotse. Pinilit nyang makawala muli mula sa pagkahawak nito. Nagalit ang lalaki dahil sa pagpupumiglas nya.

"Talagang matigas ka ah!", aakma syang susugatan nito ng may taong biglang lumitaw sa kotse ng lalaki. Nakaupo ito sa trunk ng kotse . Kitang-kita ito mula sa kinatayuan nila Jolly dahil sa ilaw ng kotse. Hindi nila matantya kung lalaki ito O babae dahil sa suot nitong itim na cloak. Natatabunan ang buo nitong mukha pati ang katawan.

Para itong anino sa anyo nya. Hinila si Jolly ng lalaki palapit sa misteryosong kaharap.

"Sino ka? Umalis ka sa kotse ko!", utos nito pero mukhang walang balak ang misteryosong tao na sumunod sa pinag-uutos ng lalaking may hawak kay Jolly.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Ang gusto ko lang ay pakawalan mo ang babaeng hawak mo",basi sa boses ng kaharap nila. Isa itong babae. Ang malumanay nitong boses ngunit nagdala ng lamig sa buong katawan ni Jolly at ng lalaki.

"Sino ka para utusan ako!?", sigaw ng lalaki at humalakhak. Pilit tinatago ang kabang nararamdaman sa kaharap na misteryosong babae.

"Matulog ka", bulong ng babae sa hangin dahilan para bumagsak ang lalaking nakahawak kay Jolly. Napaupo naman si Jolly sa kalsada ng bumaba ang misteryosang babae sa kotse. Lumapit ito sa kanya.

"Hawakan mo ang mga kamay ko. Ihahatid kita sa inyo", nag-alinlangan pang tanggapin ni Jolly ang kamay na nakalahad sa kanya pero tinanggap parin nya ito sa huli.

Pinisil ng misteryosang babae ang kamay ni Jolly para sabihing ligtas na sya. Gusto nitong mawala ang naramdamang takot ni Jolly. Nanginginig kasi ang mga kamay nito. Samantalang, nanliit naman si Jolly dahil mas malambot na akala mo mamon ang kamay ng babae. Napatingin sya sa kamay ng babaeng nakahawak sa kanya. Maputi ito at makinis na halatang araw-araw inaalagaan.

Naamoy rin nya ang mahalimuyak na lavender na sabong pampaligo nito ng umihip ang malamig na hangin. Lumingon sa kanya ang babae kaya nasilip nya ang kalahating maputi, makinis at mula-mula nitong pisngi. Mapuputi ang dibdib nitong hindi naitago ng suot na cloak.

"Pumikit ka", malumanay ang boses nito kaya hindi alam ni Jolly kung bakit kusang pumikit ang mga mata nya. Sa muling pagmulat nya ng mga mata ay nasa harap na sila ng gate ng mansion nito.

Hindi alam ni Jolly kung matatakot ba O mamangha para sa babae. Tumango ang babae sa kanya at tumalikod.

"Sandali", napahinto sa muling paghakbang ang misteryosang babae. Hinihintay ang sunod na sasabihin nya.
"Sa---", sa buong buhay nya ito ang una nyang pagkakataon na magpasalamat sa hindi kilalang babae. Napalunok sya ng maraming beses bago tumingin sa misteryosang babae.."Sa-Salamat", sa wakas nabigkas nya na rin ang salitang iyon.

"Pumasok kana at matulog", isang tunay na ngiti na walang halong kaplastikan ang binigay ni Jolly sa babaeng nagligtas sa kanya. Hamakbang sya papasok at muling sinulyapan ang babae kung saan nakatayo lamang sa kinatayuan bago nya sinirado ang pinto.

Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa labi ng babae. Hinawakan nya ang talukbong na tumakip sa mukha nya at kasabay ng pagtingin nya sa bintana ng kwarto ni Jolly ay ang pagtanggal nya nito. Nalaglag ang hood at sumilay ang maamong mukha nito. Tumingala sya sa kalangitan at muling ngumiti. Ang misteryosang babae ay walang iba kundi si Juljen. Isang bagong simula para kay Jolly at isang malaking tagumpay para kay Juljen.




Please..Comment Down...❣

Magical TeacherWhere stories live. Discover now