Magical 17

334 30 5
                                    

Dumagundong sa lakas ng kaba ang puso ni Nessa ng magising sya.

"Nasaan ako?", nilibot nya ang paningin sa kwartong kinaroroonan pati sa kamay nyang may dextros .Pagkatapos ay napahawak sya noo nya ng sumakit ito. Naalala nya ang nangyari. "Hindi! Hindi iyon totoo diba?!", sigaw nya at biglang humagohol ng malakas, nadatnan sya ng isang nurse sa ganoong posisyon. Kaya nilapitan sya nito at pilit pinapakalma pero imbes kumalma si Nessa ay lalo itong umiyak at nagpupumiglas. Sinisigaw nito ang pangalan ng ama nya. Hindi nya matanggap ang nangyari. Kumalabog ang pintuan at pumasok ang isang doktor kasama ang isang lalaking nurse.

"What's going on here?", tanong ng doktor habang pilit ring pinapakalma si Nessa.

"Hindi ko alam Doc. Bigla nalang syang nagwala pagdating ko dito.", sabi nito at yakap yakap na nito si Nessa. Tuturukan na sana si Nessa ng pampakalma ng biglang tumigil si Nessa sa pagwawala ng marinig ang isang boses.

"Nessa Anak!", natulala si Nessa habang hindi makapaniwalang niyakap sya ng lalaking akala nya ay nawala. Niyakap nya ito pabalik at humagohol ng iyak.

"Daddy?! Is this you?", humiwalay sa pagkakayakap nya ang Daddy nya at hinalikan sya sa noo. Kumalma sya at napapikit ng maramdaman ang init ng halik sa noo nya.

"Yes, Nessa. Daddy is here", hinaplos haplos  nito ang buhok nya at tuluyan na syang kumalma ng makita itong nakangiti at na kumpirmang buhay ito.

"Akala ko kasi patay na kayo", hindi nya mapigilang maibulalas. Napatigil ang Daddy nya saka tumawa.

"So..Ako pa ngayon ang mamatay? E ikaw nga yung nahulog sa hagdan e", nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. "But I'm Thankful dahil sa bukod gising kana, wala ring ibang komplekasyon mula sa pagkahulog mo. Maliban lang dyan sa sugat mo sa noo",. Kinuwento ng Daddy nya ang nangyari kanya. Nahulog si Nessa sa hagdan dahil sa pagmamadali at sayang nararamdaman dahil makakabili na sya ng resort. Nakahinga ng maluwag si Nessa matapos ang pagkukwento ng ama nya.

"Alam mo, Nessa. Kung inaakala mong wala akung pakialam sayo. Hindi yan totoo dahil kaya kung ipagpalit ang buhay ko sa buhay mo. Kung na misinterpret mo ang malamig kung pakikitutungo pwes, hindi na ako mahihiyang sabihin sayo na itong matandang nasa harapan mo ay hindi talaga magaling sa paglalambing na salita. I'm not a man with full of sweet word because I'm a man prefer an action than a word.", napangiti si Nessa sa mga narinig nya.

"Hindi ka naman matanda Dad. Ang bata mo pa kaya. Marami ngang nadali sa charm mo e kaya nga palaging nakabakod si Mommy sayo. Ayaw naming mawalan ng gwapong asawa at ama", nakangiting sabi ni Nessa at kalauna'y natawa ng pekeng umubo ang ama nito ng marinig ang papuri galing sa anak.

Napagtanto ni Nessa na isang masamang  panaginip lang ang lahat. At sa pagkakataong ito natutunan ni Nessa na mahalaga ang pamilya kaysa ano mang kayamanan. Hindi nya hahayaang may mangyaring masama sa pamilya nya gaya ng nasa panaginip nya.



Juljen

Napatango-tango si Juljen habang nakangiti ng makita ang masayang mukha ni Nessa habang kinakausap ang ama nito. Nasa labas sya at nakasandal sa pintuan ng kwarto ni Nessa. Naging matagumpay ang plano nya. Ang totoong nangyari ay ang kwento ng ama nya na nahulog sya sa hagdan dahil sa pagmanadali. Ang lahat ng mga nangyari kay Nessa ay mga panaginip lamang. Pinasok ni Juljen ang panaginip nito. Gamit ang panaginip ay binigyan nya ng leksyon si Nessa. Ang kahalagahan ng pamilya. Hindi kasi naranasan ni Juljen na magkaroon ng magulang dahil bata palang sya ay ang lola na nya ang nag-alaga sa kanya. Hindi nya kilala ang magulang nya  dahil ayon sa kwento ng lola nya ay iniwan lang sya nito sa pintuan ng mansion. Pero kahit ganun pinalaki syang kakaiba man pero maayos at may pananaw sa buhay.

Marami syang pinagdaanan at hindi sya mag-atubiling ituro kung ano ang natutunan nya sa pagpalaki ng lola nya. At sa misyong ito ang pinakamabisang paraan.

Muling ngumiti si Juljen bago umalis at umuwi ng mansion. Kaya sya nakapukos sa pagbabantay sa mga estudyante dahil weekend ngayon.

Pagdating nya ay dumiretso sya sa garden at tinanaw ang lola nyang masayang nakikipaglaro sa kakaibang hayop. Lumapit sya dito at agad naman syang napansin nito.

Hinalikan nya ito sa pisngi at umupo sa bermuda grass kaharap ng lola nya. Tumingala sya at napapikit habang dinadama ang sariwang hangin.

"Mukhang napagod ka?", untag ng lola nya. Minulat nya ang mata at tumingin syang nakangiti sa lola nya.

"Oo nga po e. Mas mahirap pala sa inaasahan ko lola.", humiga sya sa bermuda grass at tumingin sa mga ulap sa kalangitan.

"Nagsisi kaba kung bakit mo ito tinanggap?", tumingin sya sa lola nya pero hindi na ito nakatingin sa kanya kundi sa bughaw na kalangitan . Binalik nya nalang sa kalangitan ang tingin bago nagsalita.

"Hindi po at kahit kaylan hindi ko ito pinagsisihan. Napagod lang ako pero hindi ako susuko para sa kanila.", ngiti nyang ani.

"Pero paano pag sa huli may isasakripisyo ka? Kaya mo ba? Alam natin pareho apo na darating ang panahon na iyon. Napaghandaan mo na ba?",

Napabuntong hininga sya at hindi alam ang sagot. 'Handa naba sya? Kaya nya bang magsakripisyo? Itataya nya ba?'. Piniling hindi nalang sagutin ni Juljen ang tanong ng lola nya. Dahil kahit sya ay hindi nya pa kayang sagutin iyon.

Ilang minuto silang tahimik at nasa ganoon parin silang posisyon. Nanatiling nakatingin sya sa kalangitan habang ang lola nya ay pasimple syang pinagmamasdan.

"Syanga pala apo. Mag-ingat ka sa paaralan dahil may naramdaman akung itim na mahika. Mukhang hinahanap na nila ang taong sumisira sa plano nila. Nagkalat na sila. Wag kang mag-alala sa mga mahihinang Black magic user dahil may maglilinis nasa kanila. Ako narin bahala sa pag-alam ng source ng Black magic. Ang problema mo nalang ang pagprotekta sa  sarili mo at sa mga estudyante. Hindi mo na kailangang itago sa akin na may estudyanteng binabantayan mo ang na  possess ng black magic user",. Nabigla sya sa huling sinabi ng lola nya. Wala syang balak sabihin dito  ang nangyari kay Nito pero mukhang hindi nya ito maitatago ng matagal.

"Huwag mong solohin ang problema apo. Minsan kailangan mong may katulong upang mapadali ang paglutas nun. Ito tanggapin mo ito. Gamit yan unti-unting matutunaw ang black magic na nasa puso nya pero syempre kailangang nakadikit yan sa kanya O maisuot",.

May inabot sa kanya ang lola nya na isang maliit na bote. Maliit pa ito sa boteng binigay nya kay Dhevis noong nalasing ito at nahuli ng mga pulis.

Pagkatapos nyang matanggap iyon ay pumasok na ang lola nya sa mansion. Naiwan syang nakatingin sa puting umiilaw sa loob ng maliit na bote. Alam nya kung ano iyon. Isa iyong white magic na kinulong sa maliit na bote. At ang white magic na iyon ay galing sa lola nya. Kinuyom nya ito at tumayo na mula sa pagkahiga.

Pumasok sya sa loob at dumiretso sa kwarto nya at humiga. Tinaas nya ang bote at nilabas ang magic stick. Inikot nya ang magic stick at ginawang kwentas ang bote. Kung kanina ay mahahalata mo itong maliit na bote ngayon ay isa na itong  kwentas at ang bote kanina ay naging pendat ng kwentas. Isang pabilog na umiilaw sa tuwing may maramdamang kahit kaunting  Black magic. Gaya nga ng sabi ni Juljen may koneksyon ang White magic at Black magic.





Ano kaya ang susunod na mangyayari? Comment, Vote and be fan...

Magical TeacherWhere stories live. Discover now