Magical 22

208 28 0
                                    

Pagka-upo palang ni Juljen sa swivel chair nya ng marinig nya ang katok sa pintuan.

"Ano naman ba kailangan nito? Pasok", saad nya. Bumukas ang pinto at pumasok si Kether doon.

Seryoso ito at pinakatitigan sya nito."Talaga nga namang ang isang tulad mong pangit ay makakabingwit ng isdang mamahalin", saad nito sa malalim na mga salita.

"Ano bang pinagsasabi mo? Pumunta ka lang ba rito para sa sinasabi mong iyan?",naguguluhan tanong nya sa kaharap na estudyente. Hindi  nya maintindihan ang pinapahiwatig nito.

"Nagmaang-maangan ka pa.", panunuya ni Kether sa kay Juljen na
ngayo'y  hindi nagustuhan ang pananalita nito.

"Ano bang pinupunto mo?", pinigilan ni Juljen ang sarili na hindi masigawan ang estudyante. Hindi nya alam kung anong nangyayari. Hindi nya alam kung para saan ang sinasabi nito.

"We saw your picture of Teacher James dating at an expensive restaurant .", inis nitong turan sa dalagang guro.

"At ano naman ang kinalaman nyo dyan sa picture namin--Wait?! Picture?", tuluyan nang naguluhan si Juljen.

"Right. Picture nyo. Nagkalat sa classroom ang picture nyo. Nakadikit ang mga ito sa pader, sa upuan at blackboard. Mabuti nalang sa classroom lang namin nagkalat to.", tinapon nya sa mesa ang tumpok na litrato. Pinulot ni Juljen agad ang mga litrato. Tinitigan nya  iyon isa-isa at nabigla sa nakita sa litrato.

"Paanong nangyari to?", gulat na tanong ni Juljen sa sarili. Dahil ang nakapaloob sa litrato ay naghalikan sila ni Teacher James at pumasok pa sila sa isang hotel. Hindi lang iyon dahil iba't ibang lalaki ang nasa mga litrato na kahalikan ni Juljen.

"Don’t be surprised by that. Gawain mo naman iyan diba?.You are so desperate to give your body to men. Akala namin matino ka. Iyon pala isa ka palang babaeng mababa ang lipad. Hindi ko na pala kailangang mag-imbestiga dahil kita na sa litratong ito ang tunay mong pagkatao", pagkatapos iyon sabihin ni Kether ay umalis na ito sa opisina ni Juljen.

Tulala at naroon parin ang pagkabigla ni Juljen. Paanong nangyari ang mga litratong iyon? Wala syang natandaan kahit ano doon. At lalong hindi sila naghalikan ni Teacher James at pumunta ng hotel.

Sumakit ang ulo ni Juljen sa kakaisip kung sino ang gumawa nito sa kanya. Tumayo sya sa upuan at walang pag-alinlangang pinuntahan ang opisina ni Teacher James. Nagbabasakaling may alam ito sa nangyayari sa hawak na litrato.

"Pasok", sigaw nito sa loob ng opisina nya matapos kumatok si Juljen. Pumasok si Juljen at nilapag ang litrato nilang dalawa na naghahalikan.

"May alam ka ba dito?", agad na tanong ni Juljen sa kay Teacher James na nakakunot ang noong tinitigan ang litrato.

"Bakit? Ano bang meron sa litrato? Kumakain lang naman tayo ng dinner dito ah.", sabi nito habang nakakunot ang noong tinitigan sya ng binatang guro.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo ba nakita dyan sa litrato na----", hindi na tinuloy ni Juljen ang dapat sasabihin ng inagaw nya sa binatang guro ang litrato at pinakatitigan ito. She can clearly see them kissing in the photo so how come Teacher James saw them just eating dinner"Ano bang nakita mo sa litrato?", tanong nya sa guro at tinitigan nya ito.

"Kumakain tayo ng dinner. Teka-Sino ang kumuha nito sa atin?", tanong pabalik sa kanya ni Teacher James.

Hindi nya sinagot si Teacher James at kinuha nalang ang litrato at tuluyang umalis doon sa opisina nito. Napakamot nalang ang binata. Napaisip si Juljen sa sagot ni Teacher James sa tanong nya kanina. Ibang-iba ang pagkakita ni Teacher James sa litrato. Walang namamagitan sa kanila base sa nakita ni Teacher James sa litrato.

Nadaanan ni Juljen ang isang nerd kaya pinuntahan nya ito. "Excuse me. Pwedeng magtanong sayo?", ngiti nya dito. The nerd student also smiled when he saw her.

"Yes. Ano po iyon, ma'am?", binigay nya ang litrato sa estudyante at ng makita ito ay nanlaki ang matang nagpabalik-balik ang tingin ng nerd sa kanya at sa litratong hawak.

"Anong tingin mo sa litrato?", walang paglinlangan nyang tanong sa estudyante at hindi pinansin ang nanunuksong ngiti nito sa kanya.

"Kumakain kayo ng Dinner like date. Kayo ito ni Teacher James hindi ba ma'am?", tukso nito sa kanya. Napatango si Juljen at napangiti hindi dahil kinilig sya sa litrato nila ni Teacher James kung hindi nawala ang pag-alala nya tungkol sa naghahalikan sila ng gurong kasama.

"Oo. Kaya shhh! Wag kang maingay tungkol dyan. Nakakahiya kasi. Secret lang natin to. Okay?", pangungumbinsi ni Juljen at pinakita ang matamis na ngiti nya dito.

"Opo. Hindi ako mag-iingay.Promise", ngumiti rin ito sa kanya habang nakataas ang kanang kamay na simbolo ng pangako nitong hindi mag-iingay tungkol sa nakita.

"Good. Thank you", kinuha nyang muli ang litrato at tumalikod nasa estudyante. Nakahinga sya ng maluwag at muling tinitigan ang litratong naghalikan sila ni Teacher James kahit simpleng dinner lang iyon gaya ng pagkakita ng mga taong walang koneksyon sa kanya.

Nahinuha na kasi ni Juljen nasa pagkakatingin nya sa litrato ay naghahalikan sila, ganun rin ang pagkakita ng estudyanteng taga section Marcos. Tanging sila lamang ang naapektuhan ng ilusyong nandito sa litrato.

The person behind this illusion intends to destroy her reputation and relationship with Section Marcos. When Juljen returned to her office, she immediately took out the magic stick and used white magic on the photos to remove the illusion there.

"Sinasabi ko na nga ba!", inis na sabi ni Juljen ng makita ang itim na usok na lumalabas sa mga litrato.

*******

Kinabukasan ay maaga palang ay rinig na ni Juljen ang ingay mula sa section Marcos. Pagpasok nya ay nasipagtigil ito at tinitigan syang nangdidiri. Hindi naman nya masisi ang mga ito dahil sa nakita sa litrato. Kahit sya nga ay nandiri kahit alam nyang wala iyong katotohanan.

"The Bitch is here", rinig nyang sabi ni Nessa. Hindi pa nawala ang ilusyon ng mga ito kaya maaga syang pumunta dito sa section na ito para tanggalin iyon. Tinitigan nya ang lahat at maya-maya pa ay parang hanging kinumpas nya ang magic stick sa ere. Dahil sa mabilisan nyang kinumpas at ginawa iyon ay wala man lang nakapansin at nakasunod sa hakbang nya. All of his students were momentarily taken aback. This is the effect of removing the illusion placed on them. In a few moments, they lost their dizziness and changed their perspective on the photo.

Tiningnan ni Juljen si Kether na hinimas himas pa ang sintido nito para mawala ang pagkahilo. Nagtama ang paningin nila ng umangat ito ng tingin sa harapan. Unang umiwas ng tingin si kether . Nahiya ito sa pinagsasabi nya kahapon kay Juljen.

Nang masiguradong natanggal na ni Juljen ang illusions ay pinaalalahanan nya ang lahat na hindi maniniwala sa fake news na natanggap. Hindi  dapat sila basta-basta manghuhusga hangga't hindi pa nila nalalaman ang katotohanan dahil ang bawat ebidensya, sitwasyon at nakikita o natatanggap na kwento ay may side story na nakatago.

Find out the whole story first and weigh it whether we should judge them. Because we don’t know the option they need to choose.

😶😶😶😶😶😶

Magical TeacherWhere stories live. Discover now