Magical 30

92 10 0
                                    

  

   Kung pagbabasihan ang mga nakuhang marka mula sa unang pagsusulit at sa pangalawa nilang pagsusulit na kahapon lang natapos. Gaya ng naunang pagsusulit ay walang pinagkaiba ang puwesto ng mga mga estudyante nya.

Nangunguna parin dito si :

Kether Gamana, na hindi na kinabibigla dahil sa katalinuhan nito.
Dhevis Orion
Allan Luthsiera
Nessa Macline
Nito Azarcon
Rhenz Tecson
Jolly Jungco
Gerlie Lincoln at ang panghuli ang dalawang magkakambal na ito,

Sina Mary Rose Salazar and Merry Rose Salazar.

Mula sa pagkatitig sa mga test paper ay nag-angat si Juljen ng tingin sa estudyanteng pumasok sa opisina nya. Magsasalita sana ito ng mabulabog sila sa dalawa ring estudyanteng magkasabay pumasok sa pintuan. Hinihingal pa ang mga ito.

"May nangyari ba?", nakakunot ang noong tanong ni Juljen sa mga ito. Kakaiba ang pakiramdam nya sa susunod na sasabihin ng tatlong estudyante sa harapan nya.

"TEACHER JULJEN si Nito po naghanap ng away sa Grade 10", unang bigkas ng estudyanteng dumating.

"Si Rhenz at Dhevis po nakita kung may dala-dalang alak", sumbong ng pangalawa.

"Si Gerlie po nanggugulo sa Drama Club", reklamo rin ng pangatlo.

Napatayo agad si Juljen mula sa kinaupuan at walang sinayang na segundo. Una nilang pinuntahan si Nito na malapit lang sa kinaroroonan nila.

Pagdating nila doon ay nabutan nilang nagkagulo na ang buong silid.

NITO

"Tumigil ka na Nito!", sigaw ng mga kaklase ng lalaking kinuwelyuhan nito.

"Sige! Lumapit ka para mabasag ko yang mukha mo!", sigaw nya sa mga nagtatangkang lapitan sya. "At ikaw hayop ka! Akala mo hindi ka namin mahahanap sa ginawa mong paninira sa amin!", at walang pagdadalawang isip na sinutok ito ni Nito.

Nabigla ang lahat at mabilis inawat si Nito dahil sunod-sunod nyang sinuntok ang lalaki. Pumutok na ang labi nito at kilay.

Pinagtulungan ng tatlong lalaking awatin si Nito pero mabilis silang nataboy ni Nito. Binigyan rin sila ng tig-isang suntok sa mukha.

"Aba't!!", walang nagawa ang tatlo kundi sugurin rin ng suntok si Nito. Naiwasan ni Nito ang suntok ng tatlo at ginantihan agad ito ng malakas na sipa sa bawat tiyan dahilan para bumagsak ang mga ito.  Susuntukin pa sana ni Nito ang isa sa tatlong pumigil sa kanya ng may sumigaw.

"Tama na!", sigaw nito mula sa pintuan at mabilis na hinila sya nito sa kwelyo palabas ng silid.

Nang makarating sila sa hallway na walang estudyante ay mabilis sya nitong binitiwan malapit sa pader.

"Kahit kailan talaga pakialamera ka talaga! Guro ka lang at hindi kita magulang!", sigaw nya sa mismong mukha ni Juljen.

"Tama ka! Guro nyo lang akung hindi nyo nirerespeto pero sana man lang naisip nyo ang ginawa nyong pagkakamali. Ang maging bunga nito! Dahil  kung patuloy nyo itong ginagawa, hindi ko na alam kung paano ko kayo iaahon sa inyong pagkalunod!", mabilis umalis si Juljen at si Nito naman ay naguluhan sa mga sinasabi nito pero kahit naguguluhan sya ay hindi nya mapagkailang huminahon sya di gaya kanina na para syang isang ligaw na hayop.

JULJEN

Dumiretso agad si Juljen sa Drama Club kung saan nanggulo si Gerlie. Naabutan nyang sinisira nito ang mga props ng drama club. May nagtangkang pumigil na isang babaeng estudyanteng nakasuot ng kulay purple na gown pero mabilis syang hinarap ni Gerlie at sinabunutan ito.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now