Magical 12

353 34 2
                                    

Dinala sa pinakamalapit na hospital ang sampong estudyante ni Juljen. Walang nakitang sintomas O sakit ang Doktor maliban sa maliit na galos lamang sa balat nila sa braso.

Pumasok si Juljen sa kwarto ni Nito habang hinihintay ang mga magulang ng estudyante nya. Lumapit sya sa walang malay na Nito. Tinitigan nya ang buong katawan ni Nito.

Basi palang sa pagkatitig nya ay masasabi nyang may maliit na Black magic pa ang naiwan. Nilapat nya ang palad sa dibdib ni Nito kung saan ang puso nito.

Agad nyang binawi ang kamay mula dito ng may isang maliit na boltahe ang lumabas. Napaatras si Juljen palayo kay Nito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Hapong-hapo si Juljen dahil sa pagmamadaling makalabas sa kwarto ni Nito. Napahawak sya sa sariling dibdib. Hindi sya makapaniwala sa naramdaman at nakita sa puso ni Nito.

"Hindi ito maari!", hindi makapaniwala si Juljen dahil noong sandaling nilapat nya ang palad sa dibdib nito ay nakita ni Juljen ang black magic na unti-unting kinakain ang puso nito. Oras kasi na tuluyan ng malamon  ang puso nito ay dalawa lang ang kahihinatnan ni Nito. Una, ang magiging alipin ito ng kadiliman at kasamaan at ang pangalawa ay mamatay ito.

"They're already starting.", Sambit ni Juljen habang nanatiling nakatingala sa kisame ng hospital. Nakasandal sya sa pader.

Unknown

Isang demonyong ngisi ang lumitaw sa labi ng taong nakatingin sa kay Juljen. Nasa tabi lamang sya kung saan hindi napapansin ng dalaga.

"What a Pathetic Teacher! Hindi alam kung ano ang nangyayari sa estudyante nya.. Get ready because I'll make you insane", hindi mawala-wala ang demonyong ngisi nito sa labi.

Matapos nyang pagsawaang tingnan ang pangit na dalaga ay tumalikod na ito ngunit sa pagtalikod nya ay nabangga nya ang isang hindi katandaang babae. Sopistikada at magaling kung manamit. Mahahalatang mayaman.

"What the hell! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!", galit na turan ng babae habang ang kasama nitong lalaki ay walang pakialam. Kaedad lang ng babaeng nabangga nya. Batid nya na ang lalaking ito ay ang asawa ng babae. "Hey! What are you looking at!", imbes na sagutin nya ang babae ay isang demonyong ngisi ang sumilay muli sa labi nya.

"Sorry po, Madame..Hindi kasi ako tumitingin sa DAANAN ko", diniinan nya ang 'Daanan' na salita. Inikotan lamang sya ng mata ng babae at binangga pa ang balikat nya bago umalis.

Isang ismid ang binigay nya habang nakatingin sa babaeng papalayo at  binalandra ang mamahalin nitong gamit.

"Sorry po, Madame!! Argh! Bakit ko ba sinabi yun?! Ew! Yuck! Tsk..", nasusuka nyang sabi habang inulit ang sinabi nya sa babae.

Aalis na sana sya ng maisipan nyang bumalik at tingnan kung saan pupunta ang babaeng nakabangga. Bibigyan nya ng kaunting regalo ang mga ito dahil sa pagtataray at pagbangga sa kanya. Sinundan nya ito ng tingin hanggang papasok sa isang kwarto ng isa sa estudyanteng pinaglaruan nya kanina lang.

"What a lucky day!", naglakad sya papunta doon sa pinto ng kwartong pinasukan nito. Walang pagdalawang isip na pumasok sya dito na kinabigla ng dalawa.

"You again?! What are you doing----", hindi na natapos ng babae ang sasabihin ng makaramdam sya ng nakatatakot na presensya galing sa kaharap. Ngumisi ang kaharap na parang pinapahiwatig ng ngisi nito na may masama syang binabalak sa dalawa.

May lumitaw na itim na usok sa kamay ng kaharap kaya nanlaki ang mga mata nila dahil sa nakita. Napaatras ito palayo sa kanya at bago pa makagawa sila ng ingay ay mabilis na pumasok ang  itim na usok sa bibig at ilong nila.

Napahawak sila sa kanilang ulo at napaluhod sa harap ng nakangising kaharap. Narinig nya ang pagbukas ng pinto kaya ginawa nyang invisible ang sarili. Nakita nyang pumasok ang kawawang Teacher ng Section Marcos.

Juljen

Hindi pa lang nakakapasok si Juljen sa loob ng kwarto ni Nessa ay alam nyang may kakaibang nilalang doon. Ramdam nya kahit sa malayo ang mapanganib nitong aura. May koneksyon ang Black magic at White magic sa isa't-isa at iyon ay pareho silang mahika.

Batid ni Juljen na hindi sya maramdaman ng mga pipitsuging Black magic user dahil sa proteksyon na nilagay nya sa sarili bago pa sya sumalang sa pagiging guro.

Sinadyang itinulak ni Juljen ng malakas ang pinto. At sa pagpasok nya ay randam nya na naroon parin ang kalaban. Napatingin sya sa magulang ni Nessa at dali -dali syang pumunta doon para sana tulungan. Pero bago pa nya mahawakan iyon ay bigla nalang syang sinakal ng Mrs.Macline ang ina si Nessa. Pagkatapos syang sakalin nito ay binato sya sa pader.

Napaubo sya ng bumagsak sya sa sahig matapos tumama ang likod nya sa pader. Nalasahan ni Juljen ang dugo mula sa labi nya. Tumayo sya at binaling ang tingin sa likurang bahagi ng mag-asawa.

"Show yourself!", diin ni Juljen at umayos ng tayo. "Wag kanang magtago Black Magic User dahil nakikita parin kita", unti-unting lumitaw ang nakangising babae sa likuran ng mag-asawang nakaluhod parin at nakatingin ng masama kay Juljen.

"You're a White Magic user? I am right?. Dahil kung hindi napa ka imposible nun. Tanging ang may mga mahika lamang ang makaramdam at makakita sa tuwing gumagamit tayo ng mahika", nakangising saad nito.

"Yeah! I'm a White Magic User. Bakit ko pa itatago kung alam mo na?. Sa tingin ko isa ka lamang alipin ng kung sino mang Master nyo. In short You're a Weak Black magic user.", nakita nya ang pagngitngit ang ngipin nito habang nakatitig sa kanya ang demonyo nitong mga mata.

"I'm not a Weak! Hindi ako katulad ng iniisip mo!", singhal nito kaya napailing si Juljen habang nakatitig rin sa babaeng black magic user. Nakasuot ito ng  itim na mahabang damit na umabot sa sahig. May hair clip rin syang malaking itim na rosas na halos matakpan na ang kalahati ng ulo nito. Itim na rosas na simbolo ng grupo nila.

Nilipat nya ang tingin sa mukha nito. Naglagay ito ng itim na lipstick at eyeliner. Napatingin sya sa kuko nito at halos matawa sya sa naiisip ng makita ang kulay itim na magandang kuko nito. Kung makikita siguro ni Gerlie ang mga kuko nito sigurado si Juljen na mabaliw ito dahil sa nakikita. Baliw pa naman ito sa mga magagandang ayos at linis ng kuko.

"If you're not Weak. Then, Bakit hindi mo naramdaman sa una palang na isa akung White magic user?", binalik ni Juljen ang tingin sa mukha nito habang nakapaskil sa labi nya ang mapang-asar na ngisi.

"Dahil..Dahil...Arghhh! You Witch! Wag mong maliitin ang kakayahan ko!", sigaw nito at handa ng sumugod kay Juljen.

"Then, I dare you to show me what you can!",  hamon nya rito at nakikipagtitigan. May lumabas namang usok mula sa ilong at bibig ng mag-asawa at pumasok sa katawan ng kalabang babae. Nawalan naman ng malay ang mag-asawa.


------

Wag kalimutang mag- Comment , Vote and Share..

Magical TeacherWhere stories live. Discover now