Magical 23

186 26 3
                                    



Ito na yung araw kung saan magaganap ang examination ng paaralan. Mapa senior man o freshman.

Maaga pa lang ay nasa loob na ng classroom si Juljen. Ginamit nya ang magic stick nya at inayos ang upuan ng bawa't isa.  Alam nya sa ugali ng estudyante nya na hindi maiwasang mandaraya sa exam na magaganap.

Ang mga lamesa at upuang  sobra ay nilagay sa likuran. Ang naiwan nalang sa gitna ay tatlong column. Each column has three chairs and a table. At dahil sampo ang estudyante nya ay naisipan ni Juljen na ilagay sa harapan o gilid malapit sa kanya ang isa sa mga upuan.

Napag-isipan narin ni Juljen kung kanino ang upuang nasa gilid nya. Matapos ang preparations ay nagdatingan na ang mga hinihintay nya. Unang dumating si Rhenz at amoy na amoy ni Juljen ang amoy ng sigarilyo sa kanya ng dumaan ito sa kanyang harapan. No matter what perfume it used or how expensive it was, Juljen could still smell the cigarette it used.

Nagsunod-sunod nagdatingan ang lahat  at gaya ng inaasahan ni Juljen na maging ekspresyon nito ay nagulat ng makita ang arrangement at pagbabagong ginawa nya. Inaasahan nya ang bawat hakbang na gagawin ng mga ito sa examination para lang makapandaraya.

"Kether, dito ka umupo sa harapan katabi ko", sabay turo ni Juljen sa upuang hinanda nya."Kayong lahat ay umupo sa upuang nakapangalan sa inyo. Walang lilipat ng upuan. Kung saan nakalagay ang pangalan nyo ay doon kayo uupo hanggang matapos ang examination.", paalala ni Juljen habang matiim na nakatitig sa kanila.

"Malas ko naman! Pangit pa ang katabi ko! Tsk", bulong ni kether sapat na para marinig ng lahat dahilan para magtawanan ito.

"Tiisin mo nalang total dalawang araw lang naman", sigaw ni Allan habang natatawa parin.

"Wag kang mag worry dyan, My kether! Bagay naman kayo", lalong nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Gerlie.

"Right. Beuty and the Beast. Ikaw yung si Beauty at si Teacher Ugly naman yung Beast!", dagdag pa ni Jolly.

"Perfect combination", sipol ni Dhevis.

"I'm support you bro!", nakikisali ring komento ni Rhenz.

"Support your Ass!", tanging ganti na lamang ni Kether sa pang-aasar at panunukso ng mga kasamahan sa kanilang dalawa ng guro nilang pangit.

"Ngayong nakaupo na ng maayos ang lahat . Simulan na natin", sigaw ni Juljen dahilan para mapatigil sila sa asarang naganap."Kether pakibigay ng test paper sa kaklase mo", pinatong nya sa lamesa ni kether ang test paper.

"Aba't ginawa mo pa akung utusan. Hindi mo lang pala ako inihiwalay sa kaibigan ko, inuutusan mo pa ako. Sinuswerte ka naman ata!", pang-uuyam nito kay Juljen.

"Sumunod ka nalang kether! Ikaw si Beauty diba? Dapat mabait ka! ", ani Jolly.

"Huh? Ganun ba yun? Ano bang kwento ng Beauty and Beast?", napaisip si Allan habang napapakamot tumingin sa mga kaibigan.

"Ang beauty and the beast ay yung natusok si Beauty ng karayom dahilan para habang buhay syang matutulog dahil ang karayom na iyon ay sinumpa ni Beast at tanging isang halik lamang ng prinsipe ang makapagpagising sa kanya.", nakangiting ani ni Nito habang nakatayo at nagmamayabang sa sinabi na akala mo tumpak sa sinasabing kwento.

"Nope! Your wrong Nito my friend!  Ang beauty and the Beast story is yung kumain si Beauty ng apple na may lason. At dahil nga may lason yung apple na kinain ni Beauty iyon ang dahilan nang pagkamatay nya! At ang apple na may lason ay galing kay Beast! ha! Ano kayo ngayon? Tama ako hindi ba?!", natatawa pang sabi ni Dhevis na akala mo nanalo laban kay Nito.

"Hayst! Ang bobo nyong dalawa! Mali yung mga sinabi nyo tungkol sa kwento ni Beauty and the Beast dahil ang totoong kwento nina Beauty and the beast ay yung naiwan ni Beauty yung sandal nya sa palasyo ni Beast. At dahil maganda ang sandal na iyon na talaga nga namang nagustuhan ni Beast ay pinahanap nya ang kapares nun at nang mahanap ay sinuot nya iyon sa mismong paa nya. Ganun yon?!", pagsali ni Rhenz sa dalawa.

Habang si Juljen, kether at mga babaeng kaklase nila ay hindi mapigilang mapatampal sa noo sa mga kwento nilang kahit isa doon ay hindi tumugma sa Beauty and The Beast story.

"Akalain mo nga namang mahilig pala itong si Rhenz, Nito at Dhevis sa fairytale. Sa Disney Princesses", panunukso ni Kether sa tatlo na agad napatigil sa pagtatalo kung sino ang tama sa kwentong naging topic."Baka tong tatlong to pag ka-college ay nagsusuot na ng swimsuit ng palihim", dagdag ni kether na kinasama ng timpla ng mukha ng tatlo.

"Shhh! Boys! Tahimik!", sigaw ni Juljen at pinagkrus ang dalawang kamay." Boys! Ang sinasabi nyong kwento ay tungkol sa ibang mga prinsesa na sina sleeping beauty, Snow white at Cinderella.", pagpapaliwanag ni Juljen sa tatlo na hanggang ngayon ay masama parin ang pagkatitig nila kay kether.

"The kwento of Beauty and The Beast is you're the Beast and Kether is the Beauty. The End.", natatawang sabi ni Gerlie kay Juljen na sinundan ng lahat.

Imbes na pansinin ang sinabi ni Gerlie ay pinili nalang ni Juljen ang manahimik at sinimulang ibigay ang test paper sa kanila.

Nagsimula nang manahimik ang iba ng makuha ang test paper at nagsimulang sumagot. Tahimik ang paligid habang nakikiramdam si Juljen sa maging takbo ng examination.

"Nito and Nessa! Stop talking!", ani nya ng makitang nag-uusap ang dalawa ng palihim. Nang marinig ng dalawa ang pangalan nila ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang test paper.

Tumayo si Juljen sa pagkaupo at nagsimulang mag-ikot sa buong classroom. Napangisi sya ng makita sa gilid ng mata nya kung paano pinagulong ni Dhevis ang bilog na papel papunta kay Allan. At first you won't notice it because you will simply drop the paper on the side of the chair and then kick it towards the person to whom it will be sent.

Before Allan could reach the round piece of paper from Dhevis, Juljen quickly stepped on it and picked it up on the floor. The two frowned when they saw that Juljen was already holding the paper. Hindi inaakalang mapapansin sila ng guro.

"Stop Cheating! And stop sharing your wrong answer!", babala ni Juljen habang nakatingin sa nakasulat sa papel na nakuha nya kina Dhevis at Allan.

"Hindi kami nandaraya!", rinig nyang mahinang bulong ni Mary rose. Nabaling ang atensyon nya doon at di naiwasang nagtagpo ang paningin nila. Ngitian nya ito pero isang irap lang ang natanggap ni Juljen dito.

"Siguradohin nyo lang!", Juljen warned them again.






Please:

⭐- VOTE

And

💬- COMMENT

Magical TeacherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora