Magical 32

106 13 0
                                    


Galit si Gerlie sa nangyari sa drama Club. Pero kahit galit sya ay pumayag parin sya para sa palabas nila sa theater.

Inaayos ni Gerlie ang kanyang suot na custome  na isang bampira. Naglagay rin sya nang lipstick na pulang pula upang mas lalong bumagay sa sinunod nyang concept.

Lalong gumanda at umaninag ang ganda ni Gerlie sa suot at sa make-up nya.

"Hmm.. Perfect!", Masigla nyang sabi sa salamin habang pinagmamasdan ang bawat anggulo nang kanyang mukha. Ngumisi sya dahilan para lumabas ang maputi at matalas nyang pangil.

Ngumiti sya nang mapang-akit at mala-demonyo dahilan para magbago ang aura nya basi sa gusto nyang ngiti katulad nang biglaan nyang pagngiti nang walang buhay na mga mata.

Bilang nagsasanay upang maging artista kayang-kaya itong gawin ni Gerlie sa sarili sa salamin. Kaya hindi na makakapagtakang kaya rin nyang gumamit nang mga kolerete sa mukha upang baguhin rin ang kanyang anyo gamit ang make-up.

Ngumisi si Gerlie at tinuro ang sarili sa salamin pero nawala ang ngisi nya nang mapansing walang kulay ang kanyang kuko. Napaisip sya habang hinalungkat ang bag na dala nya.

Obsessed si Gerlie pagdating sa mga kuko kaya kahit saan sya magpunta ay hindi nya makalimutan ang nail polish. Para kay Gerlie napakaimportante at parang buhay nya na ang nail polish at pag-alaga nang mga kuko nya kaya hindi nya mapigilang napahinga nang maluwag nang makita ang hinahanap.

Nadala nya ang lahat nang kulay na gusto nyang at palagi nyang nilalagay sa sariling kuko. Binuksan at pinili nya ang kulay pula tulad nang kanyang lipstick sa mga labi nya.

Maingat nyang nilalagay sa kuko ang kanyang pulang nailpolish. Gusto rin nyang maging perpekto ang pagkalagay  nito.

Mahinahong nyang nilalagyan ang paghuling daliri nang biglang bumukas ang pinto nang restroom na kinagulat nya dahilan para kumalat sa kuko nya ang nail polish.

Napasigaw sya at inangat ang galit nyang mga mata sa taong pumasok. Napatakip nang tenga ang babaeng pumasok dahil biglaang pagsigaw ni Gerlie, Nanginginig ang mata nang estudyanteng babae nang makita si Gerlie lalot pat nagtama ang mata nila.

"I, I'm Sorry Ms. Gerlie!" Halata ang panginginig nang boses nito.

"Hindi ko tinatanggap ang patawad mo!", Sigaw ni Gerlie sa kanya at hinila ang buhok nang estudyante.

"Ms. Gerlie, Nasasaktan ako! Patawad!", Mangiyak-ngiyak nitong humihingi nang tawad kay gerlie pero hindi nya pinakinggan ang pagmamakaawa nang estudyante.

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko! Pangit ka!" Sinabunutan nya ang babaeng estudyante.

Dahil sa naramdamang sakit nang estudyante ay naitulak nya si Gerlie. Natanggal ang pagkasabunot ni Gerlie sa babaeng estudyante at napaatras si Gerlie dahil sa biglang pagkatulak sa kanya.

Sa pag-aras ni Gerlie natabig nya ang kanyang nail polish at nalagalag sa sahig. Tahimik at ang tunog lamang nang pagkabasag nang kristal na nail polish ang maririnig.

Nanlaki ang mata ni Gerlie at nang estudyanteng babae. Pareho silang dalawa nakatigtig sa basag na nail polish. Nanlaki ang mata ni Gerlie sa hindi inaasahang pangyayari at nanlaki rin ang mata nang estudyante sa takot, sa oras na iyon alam nya na ang kalabasan sa pangyayari.

"Tingnan mo kung anong ginawa mo!", Matalas na sigaw ni Gerlie at sinunggaban agad ang estudyanteng babae.

Napaiyak muli ang estudyanteng babae. Kung kanina nasasaktan sya pero ngayon ay higit pa ang sakit na kanyang naramdaman.

Nawalan sila nang balanse dahil sa labis na pagsabunot ni Gerlie sa kanya. Dahil sa labis ring sakit na raramdaman nang babaeng estudyante ay hindi nya mapigilang nadampot ang basag na kystal mula sa nail polish at hindi sinasadyang dumaplis ang kystal sa kamay nya sa mukha ni Gerlie.

Halos mapitigil ang pang-ikot nang mundo. Napatili si Gerlie nang maramdaman ang sakit nang dulot nang sugat sa kanyang mukha.

Hawak-hawak ni Gerlie ang mukha nyang duguan habang nakatingin sa salamin at napatili sa nakitang sugat sa pisngi nya. Nanginig naman sa takot ang estudyanteng babae.

Dumilim ang pangingin ni Gerlie sa takot  sa sugat nya kaya nawalan sya nang malay pero bago pa sya nawalan nang malay ay nakita nya ang pagpasok nang kanyang Pangit na guro

**
Nasa Clinic si Gerlie nang magising. Naalala nya agad ang nangyari sa restroom kaya hindi nya mapigilang pahagulhol at dahan-dahang inangat ang kanyang kamay sa kanyang mukha, nang lumapat ang kamay nya sa parteng may sugat sa pagkakalam nya ay nasindak sya nang mahipo nya ang bandage doon.

Napaiyak sya lalo at natatakot sa mangyayari. Bumalikwas sya sa kamang kinahigaan para aalis sa clinic pero bago pa lumapat ang paa nya sa sahig ay biglang bumukas ang telang tumatabing sa bawat  higaan nang clinic.

Mabilis nyang tinaklob ang kumot sa buo nyang katawan. Kahit sino ayaw nyang may makakita sa kanyang mukha lalo na ngayon sa nangyari sa kanya.

"Hayst, Gerlie pwede kanang umuwi. Tapos na ang klase. Gusto mo ihatid na kita", Narinig nya ang pamilyar na boses at boses iyon nang kanilang guro.

"Ayaw ko! Lumabas kana! Ang pangit ko na, Hindi na ako masasali kahit saan!", sigaw nito habang umiiyak.

Narinig ni Juljen ang pag-iyak nya. Nahilot si Juljen sa kanyang noo habang nanatiling nakatitig sa umiiyak na Gerlie. Nakatago ang buo nitong katawan sa kumot.

"Ang arte mo naman! Anong iniyak mo dyan?!", Singhal ni Juljen sa kanya.

"Ang pangit ko na! Tulad mo na ako. Pareho na tayong pangit!", Inis na may kasamang pag-iyak rin nyang sabi sa guro.

"Wow! Nang-insulto ka ba? Kahit pangit ako hindi ako katulad mo. Dahil ang kapangitan ko Inborn ito pero ikaw ginawa yan sayo at saka mag tatago ka lang ba dyan? Hindi mo ba ipagalalaban ang gusto mo? At saka daplis lang yang sugat mo", Naiiritang sabi ni Juljen sa inasal nang estudyante nya.

"Akala ko ba matapang ka? Maldita ka? Parang wala naman! Wala ka palang pinagmamalaki tapos makaasta ka sa akin sa akin sa classroom parang sino ka", Nang-iinis pang komento ni Juljen.

"Maldita talaga ako! Pero-teka! Pwede mo bang ulitin ang sinabi mo, Teacher Ugly", Napatigil ito at lumabas mula sa kumot at nakikipagtitigan sa guro.

"Ang alin doon? Yung ang attitude mo sa classroom sa akin?", Maang-maangan nito sa estudyante nya.

"Hindi bago mo pa ako pagsabihan nang Maldita terms", Pag-aabang nito sa susunod na sasabihin ni Juljen.

"Ah, Yun bang Inborn yung kapangitan ko? Inuinsulto mo talaga ako no!",

"Teacher Ugly! Hindi yan ang hinahanap ko sa sinabi mo!", Nakasimangot si Gerlie habang nag-aabang.

Gusto pa sanang makipaglaro ni Juljen kay Gerlie pero nang makita nga ang mukha nitong nakasimangot ay tinigil nya na.

"Naalala ko na! Tungkol sa sugat mo, diba? Daplis lang yan at maliit lang. Hindi yan mag-iiwan nang peklat sa mukha mo, yan ang sabi nang nurse dito", Agarang sabi ni Juljen.

Natulala at makikita ang pagkislap nang mga mata ni Gerlie sa narinig. Nagpakawala rin sya nang masayang ngiti.

Napangiti rin si Juljen nang makita ang ngiting iyon at tumalikod. Hindi na sya nagpaalam dito. Sapat na ang ngiting iyon para sa kanya.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now