Magical 9

376 31 2
                                    




"Woahhhh!!!", napasigaw ang lahat ng makita kung gaano kalinis ang buong classroom. Naka-arrange na ang lahat ng mga gamit na kahapon ay nagkalat lang kahit saan.

"Sino ang naglinis?", iisang tanong ang nabuo sa isipan ng lahat habang nililibot ang tingin sa buong classroom. Makintab at maayos ang pagkabura at pagkalinis ng alikabok sa sahig.

"Sa tingin nyo sino?", agad silang napatingin kay Kether. Hinihingi nila ang opinyon nito. Ang unang taong napasok sa isip nito..

"Wala naman talaga tayong maisip na iba kundi ang nag-iisa nating Adviser.", kibit balikat ni Kether.

"Wow! Paano nya ito nalinis at naayos. Tayo nga hindi natin matapos-tapos", nakangiting nakatingin si Dhevis sa buong classroom.

"Matatapos nyo iyan ng half day sadyang tamad lang kayo", napatalon sila sa gulat ng may nagsalita sa likuran. Nakangiting napakamot ang iba. Alam nila sa sarili na totoo ang sinasabi ni Juljen. Hindi nila pinag-kailang tamad sila.

"Ano? Tutunganga lang kayo dyan? Pumasok na kayo", agad nagsipagpasukan at nagpunta sa naka-assign nilang upuan.

"Ugly Teacher, Paano nyo natapos ang paglilinis?", nakataas kamay na tanong ni Allan.

"Well.. Sa akin nalang yun", ngumiti sya sa estudyante nya ng makita ang naguguluhan nilang mukha.

"Yabang talaga! Ang pangit naman", rinig nyang sabi ni Nito. Pero nginisihan lang nya ito na lalong ikairita ni Nito.

"Okay..Let's start our lesson", binuklat nya ang librong dala."Nasa ilalim ng mesa nyo ang librong gagamitin nyo", agad nilang kinapa kapa ang ilalim ng mesa nila. Nanlaking tinaas nila ang librong nakuha nila sa lagayan sa ilalim ng mesa. Nagsimulang magbigay topic si Juljen.

Discuss lang ng discuss sya habang ang estudyante nya ay akala mong nagbabasa ng aklat pero ginawa lang nila ito ng pangharang para makatulog sa klase at makagamit ng gadget.

Napailing si Juljen ng makita ang pinagkakaabalahan nila. Nilabas nya ang magic stick nya at hinagayway iyon sa ere. Nahulog ang mga librong nakaharang sa kanila. Hindi man lang nila napansin dahil pareho itong busy sa ginagawa. May natulog, nagkiskis ng kuko, naglaro sa gadget, nag make-up at kumakain ng bubble gum habang nag scroll online.

Winagayway ni Juljen ang magic stick. Napangiti sya ng sabay sumigaw ang lahat. Ang natutulog ay binuhusan nya ng tubig, ang gadget ay lumipad bigla sa mukha ng nag mamay-ari sa kanila. Ang kumikiskis ng kuko ay naputol ang pinakakaingatang mahabang kuko. Ang  make-up naman ni Nessa ay sumabog sa mukha nya. Ang kambal naman ay nagkauntugan ng ulo habang nakikinig ng Music.

"Anong nangyayariiiiii?!!", isang malakas na sigaw nila kaya napatakip sa tenga si Juljen. Pinaypay ni Nessa ang dalawang kamay sa hangin para mawala ang sumabog na make-up nya.

"Oh my Precious Nails!", naiiyak na sabi ni Gerlie habang nakatitig sa putol nyang kuko nasa mesa nito.

"Aray! Putik! Ang noo ko!", mura nilang sabay nina Rhenz, Jolly, Dhevis at Allan.

"Sino ng nagbuhos ng tubig?!", galit na sigaw ni Kether at Nito.

"Arayyyy! Ang ulo ko!", sabay sabi ng kambal at nagkatitigan pa sa isa't isa. Narinig nila ang bawat daing. Naiiyak, nagpapadyak at naiirita dahil sa pagka istorbo nila..

"Sino ang may gawa nun?!",  nanlilisik ang mata ni Rhenz habang nilibot ang tingin. Hinimas himas ang noong dinapuan ng lumipad na cellphone.
"What the hell, Guys .Kung may problema kayo sa akin sana naman sabihin nyo hindi yung magugulat nalang ako na mananakit na kayo!", walang sumagot kay Rhenz dahil natuon lang ang atensyon ng kaklase nya sa harapan. Nanlaki ang mga mata nito at  takot na takot .

"Hey! Wala bang nakikinig sa akin dito?!", sigaw ulit ni Rhenz pero walang nakinig sa kanya kaya curious syang napatingin sa harapan.

"Mu-Multooooooooo!", sigaw ni Rhenz ng makita ang babaeng multo sa harapan na parang nakatitig sa kanila kaya nagkagulo sila sa loob at aakma na silang lalabas ng biglang nagsira ang pinto.

"OH MY MULTOOOOO!!!", conyo paring sigaw ni Gerlie habang hindi alam ang gagawin.

Nataranta sila at hindi alam kung saan tatakbo. Nagsimulang gumalaw ang babaeng nakaputi na may mahabang buhok na halos sumayad sa sahig. Punit-punit ang suot nitong kulay puti na bestida. Lumutang sa hangin ang babae at palapit ng palapit ito sa kanila.

Nagtakbuhan sila sa pintuan at pilit binubuksan ang pinto ng mga lalaki.

"Bilisan nyo guys!!!", sigaw ni Nessa habang tinulak tulak ang mga lalaki.

"Teka lang! Sandali! Ito na!", nataranta narin ang mga lalaki at namamawis.

"Ano ba!!!!?",

"Nandito na syaaaa!",

"Ate Ghost! Please nakikiusap ako kami. Don't punta-punta here!!!", napapalundag na si Gerlie dahil sa kabang naramdaman.

"Stay away Bitch!", sigaw ni Nessa sa multo na akala mo makikinig sa kanya. Palapit ng palapit ang multong babae kaya napasigaw silang muli at napapikit.

Hinihintay nilang makaramdam sila ng kung ano pero wala silang naramdamang lamig O kamay na dumapo sa kanila. Minulat nila ang kanilang mata at nakitang wala na ang babaeng multo.

"Where she is?",

"Aba ewan namin! Pare-pareho lang tayong nakapikit", sabat ni Allan. Nagkahawak kamay silang naglakad. Lumayo sila sa pinto.

"Ano ba sister Merry! Wag kangang hawak-hawak sa akin! Ang lamig ng mga kamay mo!", hindi maiwasang mairita si Mary Rose sa kambal nya.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Sister! Nandito ako kasama si Rhenz!", nanlaki ang mata ni Maryrose habang nakatingin sa kambal nyang nakahawak sa braso ni Rhenz.

"E sino tong naka-hawak sa akin?", kinakabahang napapikit si Mary rose.

"Anong nakahawak?", humina ang boses ng kambal nya ng tumingin ito sa kanya at nanlaking nakatingin sa likod nya pati ang mga kaklase nyang nakatingin sa likuran nya ay napaatras.

"G-Guys! Ayaw ko ang mga tingin nyo!", kahit kinakabahan ay pilit huminga si Maryrose at dahan-dahang tumingin sa likuran nya."M-mu-multoooo!", nadapa sya sa pagkatakbo palayo sa nakalutang na multo na kanina lang nakahawak sa braso nya.

"Ahhhhhhhhhh!!!!", natarantang muli sila habang nakasunod kay Maryrose ang multo. Agad silang nagsumiksik sa gilid at nagyakapan. Panay ang sigaw nila.

"Nasa likod mo sya, Nessa!", sigaw ni Nito kaya nagsisigaw ulit sila palayo.

"Help Us!", buong lakas na sigaw ni Jolly habang kinakalampag ang pinto ng classroom. Rinig na rinig sila ng buong school pero hinayaan lamang sila dahil baka nang-trip lang ang mga ito.

Nasa likuran na nila ang multo na lalong nagpalakas sa sigaw nila. Pati nga lalaki ay nakikisigaw na rin.

Biglang may nagbukas ng pinto sa labas kaya lahat sila ay sabay-sabay bumagsak sa paanan ng taong nagbukas nun. Nakapikit parin sila habang pawis na pawis at nanginginig.

"Anong ginagawa nyo dyan?", minulat nila ang kanilang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses. Tumambad sa kanila ang nakataas kilay na guro.

"Ma'am Gloria? May multo sa loob!", kumunot ang noo ni Juljen at pumasok. Sinilip ang classroom bago tumingin sa kanila.

"Anong multong pinagsasabi mo, Jolly?", nagtaka sila kaya sinilip nila ang classroom pero wala silang nakita.

"Totoo po, Ma'am. Diba Guys?", sabay-sabay tumango ang lahat.

"Drop the Act! Dahil hindi nyo ako maloloko! Pumasok na nga kayo kung ano pa ang sinasabi nyo", huminga muna sila ng malalim bago nasipagpasukan. Hindi mawala-wala sa isip nila ang nakitang multo. Alam nilang maloko sila pero hindi naman sila gumagawa ng istorya gaya ng mga multo.Pero mukhang hindi naniniwala ang guro nila hangga't wala silang pinapakitang ebedinsya.

Tumalikod si Juljen sa estudyante nya. Hindi nya mapigilang sumilay ang ngisi sa labi. Ang multong nakita ng mga ito kanina lang ay ginawa lamang gamit ang mahika nya.






Comment , Vote and Share..😇

Magical TeacherWhere stories live. Discover now