Magical 5

406 31 4
                                    

Isang umaga pagpasok nya sa loob ay wala syang naabutang estudyante. Maski isa ay wala. Ang hindi nya alam ang mga estudyante nya ay paparating palang.

Napabuntong hiningang nilabas nya ang stick na may mahika. Katulad ito ng ginagamit ng mga mangkukulam. Bago nya pa maikumpas ito ay mabilis nya itong naitago dahil sa biglaang pagpasok ng estudyante nya.

Diretso lang papasok ang mga ito. Juljen counted them and sighed again as only nine entered. Inulit nya ito para siguraduhin baka nagkamali lang sya ngunit kahit ilang ulit nya itong binilang ay iisa lang ang lumalabas. Only nine entered. Where is the other one ?

"Class..Where's your classmate?", tanong nya pero walang nakinig sa tanong nya. Nag kanya kanya ito ng usap sa kapwa kaklase. "Attention here! Where's is your classmate?", diin nya dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon.

"We don't know where he is!  And please! Stop driving our attention to listen your boring discussion", tumayo pa ito sa harap nya at nakapameywang.

"Nessa Macline! Go. Back. To. Your. Seat. Now!", utos nya rito pero hindi man lang ito natinag mula sa kinatayuan.

"Why would I lessen to you, Ugly creature?", pumalakpak ang kasamahan nitong nasa likod dahil sa palabang aura ni Nessa. Nakataas ang kilay ni Nessa sa kay Juljen. Sya si Nessa Macline one of the Bitches. She has a pink hair and perfect form of face. Mahilig rin syang maglagay ng make-up na dumagdag sa ganda nito. She's only  Daughter of business tycoon- Fred Macline-. A spoiled brat. Naniniwala rin sya sa kasabihang' What she wants, What she get!'.

"Nessa is correct! Ayusin mo muna ang sarili mo at bumalik ka rito..Look at yourself! Yuck!", Jolly Jungco. The number 2 of the Bitches. She's love to party and chewing gum. She's also a playgirl. She's a morena, cute and has perfect body. Businessman daughter.

"Your tigyawat is nakakadiri. Your fashion is like manang.. You like a Yaya", Conyong sabi naman ni Gerlie Lincoln. The Bitch number 3. She has seductive voice. Kung maglakad rin ay parang beauty queen. Maganda at mayaman rin ito gaya ng mga kasama nya. Ang kinahihiligan nito ay ang paglilinis ng kuko. Ang una nyang titingnan sayo ay ang kuko mo." But your kuko is nice naman kahit kunti",

"Girls, I don't have time for your shit chat!", hindi nya mapigilang mainis sa tatlong babaeng nasa harapan nya."Ang gusto ko lang malaman kung nasaan ang isa nyong kaklase?", hindi man nya sinabi ang salitang nagbabanta pero ang boses nya na ang nagsasabi nito.

"Excuse me! Bakit mo sa amin hinahanap si Nito?!.. Gosh!", gustong-gusto ng gamitin ni Juljen ang mahika nya ngunit pinigilan nya lang ang sarili nya. Ayaw nyang gawing advantage ang pagkakaroon ng kapangyarihan para lamang makapaghiganti at ma satisfied sa gusto nya.

"Hahanapin ko sya at kayong lahat hintayin nyo ako dito. Dapat pagbalik ko  nandito parin kayo kung ayaw nyong makakatikim sa akin", banta ni Juljen.

"Go on! We don't need your ugly face here!", sabat pa ni Nessa bago sya tumalikod.

                                     ***

Nito

"Ulitin mo ang sinabi mo!?", agad nyang kinuwelyuhan ang lalaking kaharap. Nasipagtabi naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Alam nila kung ano si Nito. Alam nila ang kaya nitong gawin kapag galit.But the man in front of him didn't seem scared at all.

"Gusto mong marinig ulit?", may paghahamon na sigaw nito sa kanya pabalik.

"Oo!", halos lumipad na ang laway nito sa mukha ng lalaki.

"Makinig kayo ang lalaking ito ay anak ng isang kabit ng tatay-----", hindi na natapos ng kaharap ang sasabihin ng biglang dumapo ang kamao ni Nito sa mukha nito.

"Aba't gago ka ahh!", tumayo ito mula sa pagkasalampak at sinuntok rin si Nito. Nagsigawan ang lahat ng estudyente sa cafeteria. Nagkagulo na dahil sa suntukan ng dalawa.

"Ano ba't awatin nyo!", may sumigaw pero kahit narinig ng lahat ay walang makakawat sa kay Nito dahil oras na awatin ito ay madadamay ang aawat.

"Ikaw ang umawat dyan! Baka madamay pa kami", sigaw rin na sinang-ayonan ng nakakarami.

"Ano mga pare? Saan kayo pupusta kay Nito Or kay Jared? Sino ang mananalo?", may pumusta agad ng mga nilibong pera sa sino ang manok nila.

"Nito! Nito! Nito!", sigawan sa parteda ni Nito.

"Jared! Jared! Jared!", sigawan rin ng mga pumusta kay Jared.

"Ayan suntukin mo, Nito!",

"Umiwas ka Jared!", puno ng sigawan ang cafeteria. Walang umawat kahit isa. Panay ang pustahan sa dalawang nagsusuntukan. Pero dahil palaging masangkot sa away si Nito ay parang nasanay na ang katawan nito sa bugbugan.

Nito dealt a powerful blow to the left face causing Jared to fall on the table. Nito punched him twice more. He was very angry. None of the people in the cafeteria have the right to insult her mommy.

"Papatayin kitang gago ka!", hinablot nito ang basag na baso at dinikit sa mukha ni Jared. Takot na takot si Jared ng makita ang basag na baso sa mukha nya nakadikit. Napasinghap ang lahat ng tinaas na ni Nito ang hawak na basag na baso at aakmang isasaksak kay Jared pero may kamay na pumigil sa braso nito.

"Nito Azarcon! Stop! Now", hindi lang iyon basta salita kundi kalapit nito ang utos. Natauhan si Nito sa dapat nyang gawin. Binawi nya ang kamay mula sa pagkawak ng guro nila. Lumabas si Nito sa cafeteria kaya sinundan ito ni Juljen. While the one who fought it was taken to the clinic.

"Mag-usap tayo", tawag nya kay Nito pero hindi man lang sya nilingon nito. Napailing na lang sya habang tinatanaw ang papalayong bulto nito. Siguro kailangan na nyang mas ma effort para malaman kung anong problema ng mga estudyante nya. 'Magiging stalker na ba ako nito?'napapailing nalang si Juljen sa naiisip.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now