Magical 19

263 26 3
                                    

"What's this? Bakit nandito to sa lamesa ko?", isang nagtatakang ma'y pagkainis sa boses ni Nito ng makitang may isang maliit na box sa mesa ng upuan nya.

"Buksan mo nalang para malaman mo. After all, it's on your desk so it's really for you", mungkahi ni Jolly dito.

Napa-tsked nalang si Nito at binuksan ang maliit na kahon. Pagbukas nya ay tumambad sa kanya ang nakakamanghang kwentas. Kinuha nya ito sa kahon at tinitigan.

"Anong laman?May I see?", lumapit sila kay Nito at nanlaki ang mga mata ng makita ang kwentas na iyon. "Oh.. Ang ganda nito ah! Kanino galing?", saad ni Jolly habang nasa kamay nya ang kwentas at sinusuri.

"Hindi ko alam, wala namang nakasulat dito", sabay silang nagtaka lahat at nag-isip kung kanino galing ang kwentas.

"Baka sa Girlfriend mo?", isip ni Kether.

"Hindi.We just broke up last week", sagot ni Nito.

"Baka sa Prince charming mo?", tanong naman ni Rhenz.

"Gago! Ginawa mo naman syang bakla!", batok ni Dhevis kay Rhenz kaya napakamot nalang ang huli.

"Siguro galing yan sa ka fling mo Or sa mga babaeng nagkadarapa sayo", ani ulit ni Kether kaya napatango-tango naman silang lahat bilang pagsang-ayon.

"Siguro nga. Ang hirap namang manghula. Bakit hindi nalang binigay sa akin ng personal O di kaya sinulat nalang ang pangalan nya dito. Pinapahirapan pa tayo", reklamo ni Nito at tinapon sa malapit na basurahan ang kahon kasama ang kwentas sa loob.

"Bakit mo naman tinapon? Sayang naman yon. Ang ganda pa naman. Malay mo ang nagbigay yan ay sya na pala ang The One and Only one mo.", naka-ismid na sabi ni Rhenz.

"Edi kunin mo! Sino bang may pakialam nyan?! Isa lang naman yang mumurahing kwentas.", inis na turan ni Nito dito at padabog na umupo.

"Ayaw ko nga! Baka sabihin pa nilang namumulot ako ng basura mo.", sagot ni Rhenz at umupo narin sa upuan nito.

"Ang mga babae talaga ngayon may pa effort pang nalalaman pero ang gusto lang naman ay maka -flirt ang mga lalaki", bulalas ni Allan kaya agad naman nabaling ang lahat ng atensyon ng mga babae sa kanya. Naasar at nainsulto sila sa sinabing iyon ni Allan.

"Bakit? Kami lang bang mga babae ang marunong manlandi?! E kayo nga nilalandi nyo kaming mga girls pero ang gusto nyo ay maka-score sa amin.", nakahawak pa sa beywang si Nessa habang hinaharap nito si Allan.

"E bakit girls? Akala nyo naman kami lang nag-e-enjoy, kayo rin naman!", naka-cross arm na rin si Allan.

"Wow! Bakit boys? Oras namakuha nyo na nga ang gusto nyo sa amin ay iiwan nyo nalang basta kaming mga girls na parang walang nangyari. Dyan naman kayo magaling matapos manloko at mag paasa ay basta nalang mang-iiwan", sabat ni Mary rose.

"E Sino ba nagsabing umasa kayo, Girls? Kasalanan nyo yan kasi naniwala kayo sa pinagsasabing kalokohan", tumayo si Dhevis sa upuan at hinarap rin si Mary rose.

"So sinasabi mong manloloko ka talaga at paasa?", sali ni Merry rose.

"Yan nga ang problema sa inyo girls kasi nadala kayo sa charm namin.", nang-aasar namang sumali si Rhenz sa debate. "Pambihira naman kasi kayo e no!. Kung sino-sino pa kasi hinahanap nyo! Kaya kayo nasasaktan! Nandito naman ang hinahanap nyo.", dagdag pa nito.

"At sino naman yang sinasabi mo?", tanong ni Nessa.

"At sino pa ba? Sino bang nasa harapan nyo ngayon?",humalakhak muna si Rhenz bago nagpatuloy." Wala ibang kung hindi AKO!", pagmamalaki nito.

"Kung ikaw lang naman mas mabuti pang wag nalang!",mapait nitong sabi kay Rhenz na natatawa lamang.

"Baka nakakalimutan nyong Mga girls full package to!", pagmamayabang ni Rhenz sabay halakhak nito. "Tingnan n'yo ako. Gwapo", sabay pogi sign nito." Matcho at may six pack abs pa!", hinubad nito ang damit nya at tinapon sa mukha ng mga babae kaya nagsisigawan ito dahil sa pandidiri.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now