Magical 7

386 28 1
                                    


Isa lang ang napapansin ni Juljen sa mga estudyante nya. Iyon ay cooperation. Kung saan nagkakasundo at nagtutulungan kaya nga lang sa maling paraan ginagamit.

"I will be back and remember wag kayong tatakas at dapat ayusin nyo ang paglilinis.", nagpaalam sya sa mga ito na kinatuwa ng mga estudyante.

"Guy's, Kailangan nating makaisip ng paraan para hindi na tayo maglinis dito.", suggestion ni Allan habang nakatingin sa pamunas na ginamit nya pambura sa sinulat nila sa pader.

"Alam nyo na kung sino ang taong makakatulong sa atin", ani Rhenz at nilingon si Kether na dumadabog sa pag-arrange ng mga upuan. Hindi kasi nito narinig ang usapan nila. Naramdaman naman ni Kether na may mga matang nakatingin sa kanya kaya lumingon sya.

Bumungad sa kanya ang nakangising mukha ng kaklase nya. Napakamot naman sya at nagtataka kung bakit sa kanya ito nakatingin pero napangisi rin sya ng makuha kung ano ang pinapahiwatig ng mga ito.

"Alam ko na!", parang may bolbelya namang umilaw sa ulo ni Kether. Napangisi lalo ang magkaklase at napa-yes habang nakatingin sa kanya.

"Maasahan ka talaga, kether", puri ni Dhevis at tinapik pa ang likuran nitong bahagi.

"Lahat tayong mga boys ay mag-participate kaya Girls tabi muna dahil kami muna ang gagawa nito", lumapit naman sina Renz, Dhevis, Nito at Allan kay kether habang ang mga girls ay nasa likuran lang nila at nakikinig sa maging plano.

"So, Boys may tanong ako kaya nyo ba?", nagtatakang nagkatinginan ang mga lalaki bago binalik ang tingin kay kether na nakangisi lamang na pinagmamasdan sila.

"Kaya ang ano?", si Renz ang nagtanong.

"Kaya nyo bang tiisin ang ganda ni Ma'am?", napa-ohh ang mga babae habang natatawa sa mga lalaki.

"Para sa plano kakayanin", muling natawa ang mga babae kaya sinamaan sila ng mga lalaki. Natahimik naman sila ngunit hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ng mga ito.

"Girls wag kayong tawa ng tawa dyan. Makikinabang rin naman kayo nito.", suway ni Allan sa mga ito. Naiirita na kasi siya dahil pinagtatawanan at inaasar sila sa guro nilang pangit. 

"Okay, Ganito ang gawin natin. Maghubad tayong lahat at kunwari namamawis na tayo sa paglilinis kaya napagdesisyonan nating isampay muna ang basang pawis nating polo. Tapos----", naputol ang sasabihin ni Kether ng tinaas ni Rhenz ang kamay nito.

"Bakit naman tayo maghuhubad sa harapan nya?", binatukan agad sya ni Nito dahil sa pagsabat nito.

"Patapusin mo muna si Kether!", sinamaan ni Nito ng tingin si Rhenz kaya napakamot nalang ito sa parteng binatukan nya."Continue..",

"Kahit naman ganun si Ma'am. Babae parin iyon at maakit sa katawan natin.Kung hindi nya papansinin ang una nating plano. Proceed tayo sa Plan B.", sinabi ni Kether ang dapat gawin sa Plan B. Tumango-tango ang mga lalaki ng maintindihan ang sinabi nito. "Girls, nakinig kayo hindi ba? Naintindihan nyo naman siguro ang plano. Sa plan B kayo papasok girls kayo na ang bahala sa props. ", tumango at nag thumb up pa ang mga babae sa kanila.

"Okay. Merry Rose ikaw ang magbantay sa pinto at sabihin mo kung paparating na si Ma'am", tumango si Merryrose at patakbong sumilip sa labas. Habang sila naman ay naupo at naghintay sa senyales na ibibigay ni Merryrose.

"Ma'am is walking towards here", dali-daling naghubad ang mga lalaki ng sabihin iyon ni Merryrose. Kinilig at nanlaki pa ang mga mata ng mga girls sa nakikitang katawan ng mga lalaking kaklase.

"Girls, Focus! Don't mind us.", suway ni Rhenz sa kanila dahilan para mataranta sila at bumalik sa bawat pwesto kanina. "Mamaya na kayo maglaway dyan. Sabihin nyo lang kung gusto nyong matikman kami", humagikhik naman ang mga lalaki sa sinabing iyon ni Rhenz. Inirapan lang sila ng mga babae.

Pagpasok ni Juljen ay bahagya syang natigilan at nagulat sa mga Boy's dahil nakahubad at walang suot na polo ang mga ito.

Umupo sya sa upuan at nakatitig lamang sa kanila. Ngumisi naman ang estudyante ng makita ang titig sa kanila ng guro.

"Boy's where's your Polo?", walang emosyon itong nakatingin sa estudyanteng lumingon at pinakita ang katawan nila. "Mag suot kayo ng Polo dahil ang papangit tingnan! Hindi man lang kayo naawa sa buto nyong katawan", nalaglag ang panga ng mga lalaki sa insultong natanggap. Hindi sila makapaniwalang hindi ito naakit sa katawan nila.

"Plan B", bulong ni Kether na katamtaman lang para marinig ng mga kasamahan. Nagulat pa si Juljen ng may biglang tumugtog na musika. Isang bar music. Lumakad naman at humarap ang estudyanteng lalaki nya at sumayaw ito sa mismong harapan nya. Para silang mga Macho dancer na makikita sa Bar.

"Hindi ba kayo nahihiya sa katawan nyo. Tingnan nyo nga wala man lang kalaman-laman", napataas kilay naman ang mga babaeng estudyante sa tinuran ng guro. Napatingin naman ang mga lalaki sa sarili nilang katawan at napa-isip kung bulag ba ang guro nila na hindi nakita ang magandang hugis ng katawan nila.

"Siguro tomboy ka ma'am. Sabagay sinong magkakagusto sa mukhang yan.", pan-iinsulto ni Kether kaya napataas ang kilay ni Juljen. Hinahamon talaga sya ng lalaking ito.

"Hindi", kung kaninang si Juljen ang nakataas ng kilay ngayon naman ay ang babaeng estudyante nya habang nakakunot naman ang mga noo ng lalaking estudyante.

"E ano ka? Double Blade? Yung sinasabi nilang pwede sya magkagusto sa babae pwede rin syang magkagusto sa mga lalaki", pahayag ni kether. Napatango tango naman ang magkaklase.

"Hindi.", naka-cross arm syang humarap sa mga estudyante nya. Nagkatinginan naman ang magkaklase.

"E Ano nga?", naiiritang napakamot sa noo si Dhevis habang hinihintay ang kasagutan ng guro nila.

"Hindi! Hinding- hindi nyo ako maloloko sa mga walang kwentang paandar nyo!", inis nyang turan dito. Nagpapadyak naman ang buong klase dahil hindi ulit sila nagtatagumpay sa plano nila para lituhin si Juljen."Kaya kayong lahat, as your punishment. Linisan nyo ang buong Floor.",   

"Ano?!", magkasabay nagulat ang mag kaklase sa winika ng guro nila.

"Hindi naman siguro kayo bingi!", insulto nya sa nagbingi-bingihang estudyante.

"Your kidding, right?", nagkasalubong ang kilay ni Jolly habang nanatiling nakatingin sa kanya ang teacher.

"You know Ma'am that we can't tapos-tapos that until tomorrow", hindi makatiis na sabat ni Gerlie. Hindi rin ito sang-ayon sa sinabi ng guro sa kanila. Hindi nga sila matapos-tapos sa paglilinis sa buong classroom ang buong palapag pa kaya.

"I don't care if maabutan kayo ng bukas basta sundin nyo ang Punishment nyo kung ayaw nyong madagdagan pa.",

"No! I can't do this anymore", padabog na nilapag ni Nessa ang hawak na walis tambo at pampunas sa harapan ni Juljen. Sunod-sunod namang binato sa harapan nya ang iba pang panlinis. Walang nagawa si Juljen kundi titigan lang ang paglabas ng bawa't isa nyang estudyante.

Napailing-iling nalang si Juljen at nilabas ang magic stick nya. Kinumpas kumpas nya ito sa hangin at may lumabas na kulay ginto na pixie dust. Agad gumalaw ang mga basahan, walis at map. Nagsimula itong maglinis. Pagkatapos ay kinumpas nyang muli ito sa hangin at gaya kanina ay may lumabas ring pixie dust upang tumigil ito sa paggalaw.

Naglakad sya sa gitna ng mga nagkalat na gamit at basura. Tinaas nya ang kamay na may hawak na magic stick  sa ere at pinaikot nya ito. Ang mga gamit ay bumalik kung saan nararapat. Ang mga basura ay lumutang at pumasok sa trashcan. Sa isang iglap ang buong paligid ng Section Marcos ay naging maaliwalas, malinis at matiwasay.



Please..Comment Down...

Magical TeacherWhere stories live. Discover now