Magical 33

104 15 0
                                    


Kararating ni Allan mula sa labas nang School. Para lamang syang namamasyal sa hallway habang ang mga estudyante naman ay panay bulungan at tinuturo sya.

Hindi niya pinansin ang mga ito dahil mababa ang tingin nya sa lahat maliban sa mga kaibigan nya. Sa paningin nya ang tao O estudyante dinaanan O nakakasalubong nya ay isa lamang insekto.

Hindi nya pinansin ang bulungan, wala syang pakialam sa kanila, ayaw nyang pagtuonan nang pansin at baka maubos lang ang laway nya.

May mga oras na mang-api sya para matanggal lang ang pagkabagot nya. Nililibang nya lang ang kanyang sa pamamagitan ng pananakit sa ibang tao.

Hindi sya galing sa broken family O nanakit ang ama nya sa kanyang ina? Wala syang problema sa pamilya pero talagang bored lang sya.

Iyan lang ang rason ni Allan para mangbully ng kapwa nya kabataan. Isa si Allan sa iniiwasan ng lahat ng estudyante sa School, sa sampong estudyante ng Section Marcos.

Nakarating na si Allan sa sarili nyang locker sa School. Silang sampong estudyante ng Section Marcos at lahat naman ng estudyante ay may mga locker. Pero minsan lang nila ito ginagamit. Kadalasan ay wala silang ilalagay sa loob nito.

"Yoh! Bro, Himala at bumukas ka ng Locker mo. Ilang buwan ng hindi nabubuksan yan. Mabuti pa ako at palagi ko binubuksan para doon itago ang mga Hobby ko", Natatawang sabi ni Rhenz.

Nakaakbay siya kay Allan. Nagulat si Allan sa paglapit ni Rhenz pero ng malaman nyang classmate nya ito ay hindi sya pumalag sa pag-akbay nito sa kanya. Biglaan kasi ang pagdating ni Rhenz, Hindi rin sa paligid naka focus si Allan. Hinahanap nya ang susi ng locker sa kanyang bag kaya nagulat sya.

"Wag mo akung gayahin sayo! Alam ng lahat dito sa school kung anong tinatago mo sa locker. Wala ka namang hobby maliban sa pagiging lasenggo mo.", Hindi mapigilan ni Allan tuyain rin pabalik si Rhenz.

"May pareho tayong gustong gawin kaya wag mong pakialam ang ginagawa ko at hindi ko rin pakikialam ang ginagawa mo. Lasenggo nga ako pero ikaw bully ka! Marami kang nasaktan at inapi habang ako sarili ko lang pinapahirapan ko at kinawawa", Huling sabi ni Rhenz bago sya iniwanan.

"Tsk! Kung hindi lang kita kilala O kasama sa Section Marcos baka makatikim ka sa akin. Pasalamat ka", Bulong na may halong inis sa boses ni Allan sa hangin habang tinatanaw ang papalayong likod ng binatang Rhenz.

Binalik ni Allan ang atensyon nya sa pagbukas ng Locker. Pinasok nya ang susi at inikot ito. Narinig nya ang lagitik, nagpapahiwatig na bukas na ito.

Mabilis nyang binuksan ito pero nagulat sya ng may pinturang sumabog mula sa loob ng locker. Tumalsik ang kulay pulang pintura sa mukha nya at dibdib.

Hindi lang si Allan ang nagulat pati ang mga estudyante nakakita ay nagulat rin. Mabilis silang nagyukuan at nagkunwaring may ginagawa dahil nakita nilang unti-unting nagdilim ang mukha ni Allan.

Ang ibang estudyante namang dumaan at tumambay malapit sa may locker ni Allan ay mabilis naglakad palayo sa kanya.

Malakas at bumalabog sa katahimikan ng paligid ang ginawang pabagsak na pagsara ni Allan sa locker nya.

"Argh! Sinong gumawa nito?! Sabihin nyo sa akin! Kayo ba ang gumawa!? Walang hiya kayo! Mga insekto!", Sigaw ni Allan at tinuro ang mga taong nandoon sa kanyang paligid.

"Allan wag mo kaming pagbintangan.Wala kaming ginawa sa locker mo", Matapang na paliwanag ng isang estudyante.

Tahimik namang sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng estudyante. Pumalakpak ang isip nila para sa estudyanteng sumagot pero nag alala rin sila sa kanya. Alam ng lahat kung ano ang ginagawa ni Allan sa mga estudyante hindi nya gusto.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now