Magical 27

168 20 1
                                    

Kinabukasan ay nagtaka ang iilang guro sa hindi pagpasok ng iisang guro ng Section Marcos. Nagtaka rin sila sa unang pagkakataong hindi rin pagpasok ng isang guro, si Teacher James.

Kung nagtaka ang karamihan sa pagliban ni Juljen ay iba naman ang naging epekto nito sa buong estudyante ng Section Marcos. Tuwa ang bawat naramdaman ng bawa't-isa dahil sa iisang dahilang walang pipigil o makikialam sa kanilang gagawin.

"Sinong gustong gumala?", masayang sigaw ni Rhenz mula sa kinaupuan nito.

"Tayo!", sabay sigaw ng buong klase.

"Pag may pumigil. Anong gagawin?", tanong ni Rhenz sa kanila.

"Itatali!", muli nilang sigaw.

"Saan tayo dadaan?", muling tanong ni Rhenz habang nakangisi sa lahat.

"Sa Bakod!", ngisi nilang sabi.

"Ahmm! E-Exc-cuse me?", napatigil ang lahat sa pagsasaya ng may nagsalita sa may pintuan. Sabay nabaling roon ang atensyon nilang lahat. Hindi naman mapigilang mapapalunok ng maraming beses ang bagong dating na guro dahil sa kabang nararamdaman ng makita at makasama nya ang estudyanteng binansagang mga pasaway.

"Who are you?", taas kilay na tanong ni Nessa dito.

Ilang ulit munang nilunok ng guro ang sariling laway bago sumagot. "I have been assigned to give you the examination here", Tumayo ng tuwid ang guro at iniiwasang makasalubong ang kahit sino sa mga tingin nila.

"Leave!", sigaw ni Nito at tinitigan ang guro ng matalim.

"Hindi maari ang gusto mong mangyari. Kailangan kung---",

"Guys! Alam nyo na ang gagawin", Dahil sa sinabing iyon ni Merry Rose ay nakangising unti-unting nasipaglapitan ang lahat sa guro na ngayo'y hindi makagalaw sa kinatayuan nito.

"Wag kayong lalapit!", buong lakas na sigaw ng guro sa estudyante ng Section Marcos at tatakbo na sana para makatakas sa mga ito pero huli na ang lahat dahil nahawakan na sya sa braso ng mga estudyante at sapilitang hinila paupo sa isang upuan.

Nagsisigaw at nagpupumiglas ang guro ng sinimulan nila itong itali sa upuan. "Ang ingay baka may makarinig. Lagyan nyo ng tape ang bibig nyan", utos ni Mary Rose sa lahat kaya naman mabilis nilang sinunod ito.

Ungol na lang ang maririnig mula sa kawawang guro. Nagmamakaawa sa mga ito na pakawalan sya. "Dyan ka lang at wag kang magpupumiglas. There's nothing you can do ", ngising bulong ni Nessa dito.

"Umalis na tayo. Hayaan na natin to dito", nagmamadaling sabi ni Kether kaya mabilis silang humakbang palabas. Pinagsisipa pa nila ang test paper na nagkalat sa sahig.

Paglabas nila sa classroom ay naagaw nila ang atensyon ng mga estudyante sa field na gumagawa ng outside examination. Bawat isang nakakita sa kanila ay may pare-parehong iniisip. Iniisip ng mga ito ang gulong dala ng sampong estudyante.

"Naku! Ayan naman sila!",

"Hindi na talaga sila matututo",

"Sinabi mo pa!",

"Kailan kaya sila magigising.",

"Dala lang ang problema ng mga iyan dito sa school.", bulongan ng lahat ng dumaan sa kanilang harapan ang sampo. And that didn’t escape Merry Rose’s hearing so she went to the women gossiping about them. Seeing the twins heading in their direction makes them retreat.

"Ano nga sinabi nyo? Hindi ko narinig. Pakilakasan nga.", nakangisi nyang hinarap ang mga ito. Hindi naman makasagot ang mga ito dahil sa takot.

"Hey! Tinatanong nya kayo? Mga pipi ba kayo?", sabat ni Mary Rose ang kakambal ni Merry Rose.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now