Magical 14

302 30 2
                                    

Masayang binuksan ni Juljen ang pinto ng Classroom ngunit pagpasok nya ay katahimikan ang sumalubong. Maayos ang mga gamit at upuan. Pilit ngumiti si Juljen at tumuloy sa upuan nya. Hihintayin nya nalang ang estudyante nya baka gaya lang ito ng dati na magkasunod lamang silang pumasok.

Ilang minuto ang nagdaan ngunit walang isa ang dumadating. Panay tingin nya sa suot na relo. Hanggang isang oras na ang lumipas ngunit walang pumasok kahit isa. Napailing si Juljen at  nilabas ang magic stick.

"My magic stick! Show me the direction", sambit nya at pumikit. Sa pagmulat muli ni Juljen ay nakangisi na sya at lumabas ng classroom.

Naglakad sya sa hallway habang nakangisi. Bumaba sya ng third floor at dumiretso sa likuran ng school. Mas lalong lumaki ang ngisi nya sa labi ng makita si Allan,Rhenz at Nito. This three students na ayaw nyang pagsamahin.

Lumapit sya at wala man lang nakakapansin sa kanya. Napatingin sya sa lalaking estudyante na pinagsisipa ni Allan. 'Kahit kailan talaga ang bully nito' sa isip-isip ni Juljen. Si Rhenz naman ang binalingan nya ng tingin. Nakasandal ito sa pader at walang pakialam sa paligid. Panay lang ang buga nito sa sigarilyong hinithit. Si Nito naman ay natutulog sa isang sirang bench.

"Ahem!", tumikhim sya kaya naagaw nya ang mga atensyon nila. Binalingan lang sya ng tingin pero agad ring binaling ang tingin sa ibang direksyon. Parehong walang pakialam kung makikita man ng kanilang guro ang ginagawa nila. Napailing si Juljen at lumapit kay Rhenz. Aakma nyang kukunin sa bibig nito ang sigarilyo ng tapikin nito ang kamay nya.

"What do you think you are doing? Huh?!", singhal ni Rhenz sa kanya sabay buga sa mukha nya ng usok ng sigarilyo. Napaubo naman si Juljen dahil sa ginawa ng estudyante nya. Napaatras sya palayo kay Rhenz na panay buga ng usok ng sigarilyo sa kanya. Hinawi nya gamit ang kamay ang usok ng sigarilyo. Dahil sa kaatras nya hindi nya sinasadyang mabunggo si Nito na kagigising lang.

Napalingon sya dito at kitang-kita nya ang nag-aapoy nitong mga mata. Hinawakan agad sya sa kuwelyo nito at agad sinandal sa pader. Pilit namang kinukuha ni Juljen ang kamay ni Nito sa kuwelyo nya dahil nahihirapan na syang huminga. Mahigpit kasi ang pagkahawak nito.

"Ano ba!? Bitawan mo ako! I'm your Teacher and You should respect me!", singhal nya sa kay Nito ngunit tinawanan lang sya nito.

"Then, So what if you are a Teacher!", hinigpitan nito ang pagkahawak sa kuwelyo nya kaya nasasakal na sya. Tinapik tapik nya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Nasasakal na ako!", mahinang daing ni Juljen kaya pabalibag syang binitiwan ni Nito na kinauntog pa ng ulo nya sa pader.

"You don't know who I am! So be careful!", umalis ito at maya-maya pa ay sumunod naman ang dalawa pero bago sila tuluyang umalis ay isang isultong ngisi muna ang natanggap nya. Hindi nalang nya iyon pinagtuunan ng pansin at agad tinulungang makatayo ang  binully ni Allan.

"You're the one who need to be careful!", bulong nya sa hangin.

"Ano po yung sinabi nyo, Ma'am? Hindi ko po narinig", nakalimutan ni Juljen na may kasama pala syang estudyante. Nginitian nya lang ito.

"Wala. Halikana ipagamot natin yang pasa mo", ngiti nyang sabi at inalalayan ito papunta sa clinic.

                               ***

Pagkatapos maihatid ang estudyante sa clinic ay bumalik na sya sa section nya. Rinig na rinig nya ang ingay ng mga ito kahit nasa pinto palang sya. Hinawakan nya ang doorknob para buksan ang pinto ng maramdaman ang init dito. Napasigaw sya at hinipan ang palad. Kita nya ang pagpula ng palad nya.

"Students! Open the door!", sigaw nya kahit alam nyang hindi sya papakinggan ng mga nito. Hindi nya alam kung ano ang nilagay ng estudyante nya kung bakit ganun na lamang kainit ang doorknob.

Napailing si Juljen sa kawalang kwenta at parang batang pag-uugali ng mga ito.Gumagawa talaga ng paraan para asarin sya. Nilabas nya ang magic stick nya at ginamit iyon para mabuksan nya ang pinto. Tinulak nya ang pinto at kasabay nito ang pagtigil ng tawanan ng mga estudyante nya.

"Sa susunod galingan nyo para naman exciting", walang ganang sabi ni Juljen sa kanila. Nakakapagod na kasi ang ugali ng mga ito at baka dahil sa inis nya ay hindi nya mamalayang ginamitan nya na ng magic ang mga estudyante nya. "I'm tired of your nonsense and childish act!", isang matunog na ngisi ang binigay ng mga ito sa kay Juljen. Nantutukso para mapaalis ang guro.

"Kung pagod kana edi umalis ka! Bakit umaasa ka bang pipigilan ka namin? Psh! You can always go home. Hindi namin kailangan ang tulad mo. Ang kailangan namin ang dating Adviser namin si Mr. Edward. Sya lang kasi ang nakakaintindi sa amin at tumulong para makarating kami dito", seryosong lahad ni Allan. Yeah! They're right! Because Mr. Edward is their Adviser . The only one who can control them and can make them fallow. Pero dahil sa kasamaang palad kailangang magpuntang abroad ang guro dahil sa seminar nito na umabot ng anim na buwan. Kaya iyan ang isa sa dahilan kung bakit ganyan ang ugali ng mga ito. Gusto nilang pabalikin ang guro dito.

"I want! But I can't, Students.", saad nya dito at bakas sa itsura ng mga ito na naguguluhan sila. Tumayo si Rhenz at tinitigan sya bago nagsalita.

"Bakit? Ano ba ang kailangan mo sa amin? Ano ba ang pumipigil sayo para manatili dito? Gusto mong mapatunayan sa lahat na kaya mong  tiisin ang ginagawa namin? Ang pananakit namin?", serysong tanong ni Rhenz. Ang ganitong seryosong usapan ang pinakahihintay na mangyari ni Juljen sa simula pa lang para malaman ang problema ng estudyante nya.

"Gusto ko man sabihin sa inyo pero hindi pwede", sagot nya sa tanong ni Rhenz. Tumayo si Dhevis.

"At bakit naman hindi?", tanong ni Dhevis dito. Seryoso rin ito at gusto rin malaman ang kasagutan nya.

"Dahil hindi nyo maiintindihan", maikli pero bakas ang lungkot sa boses ni Juljen. Sino ba kasi ang hindi malulungkot na gustong gusto mo ng sabihin kung bakit ka naririto pero hindi mo magawa dahil hindi parin nila mauunawaan."Kaya ang pakiusap ko lang sa inyo ay makikipagtulungan kayo sa akin", pakiusap nya rito pero isang matunog na ngisi lang ang sinagot nila.

"Pwes! Magtiis ka dahil kahit kailan hindi mo makukuha ang gusto mo. Hindi kami makikipagtulungan sayo!", napatango ang lahat sa sinabi ni Nito. Tanging iling na lamang ang nagawa ni Juljen. Habang tumatagal ay nahihirapan syang pasunurin ang mga ito.

"Wala rin kayong magagawa kundi ipagpatuloy ko ang nararapat", isang kalahating ngiti ang binigay nya bago binuksan ang aklat sa mesa nito.

Napailing at nairap ang karamihan sa estudyante nya sa kanya. Pero may isang tahimik lamang sa gilid at nakatingin ng maagi sa guro nila. May plano na agad syang nabuo para malaman ang pagkatao ng guro nila. Hindi parin nya nakakalimutan ang tungkol sa misteryoso nitong pagkatao at lalo pa iyong nadagdagan ngayon.

-----

Comment, Vote and be Fan...

Magical TeacherWhere stories live. Discover now