Magical 25

206 23 2
                                    


"Mukhang alam nya na ang ginawa nating pandaraya", napatigil ang lahat at nabaling sa kanya ang lahat ng atensyon. Dahil sa sinabing iyon ni Kether ay muling naghalo ang pakiramdam nila. Ang kaba at takot.

Hindi rin mapigilang manginig ang kamay ni Kether ng makita parin sa isipan ang mga matang nagbabala kanina sa kanya. Dahil sa panginig na iyon ay hindi nya napansing nabali na ang hawak nyang lapis.

"Siguro itigil na natin ang ginawa nating pandaraya O ano mang tawag sa ginawa natin", mahinang sabi ni Rhenz na narinig rin ng lahat. Kahit si Rhenz na matigasin at laging nagpapatawa sa kanila ay naging seryoso ang boses at expression nito. Agad naman silang sumang-ayon lahat ng makita ang expression ni Rhenz at may punto rin ito sa sinabi.





Juljen

Kasama ni Juljen si Teacher James papunta sa conference room. Hindi nya alam kung bakit sila may emergency meeting ngayon. Nauna syang naglakad kay Teacher James kaya naman malayang syang pinagkatitigan ng binata.

"Staring is rude", sabay lingon sa kanya ni Juljen kaya napakamot nalang si Teacher James sa ulo habang nakangiti ng mahuli sya nito."Alam mo ba kung ano ang pag-uusapan ngayon sa meeting?",. Muling tinuon ni Juljen ang atensyon sa daan at binalewala ang pagkatitig ng guro.

"Ahh..Actually, Wa-lang meeting na magaganap", nauutal na sabi ni Teacher James dahil sa pag-amin sa kasinungalingan.

Napahinto naman si Juljen mula sa paglalakad at binalingan sya ng seryosong tingin.

"Explain!", ma-awtoridad nitong sabi na kahit si Teacher James ay natablan ng kaba.

"Ano kasi--- Gusto ko lang sana mahingi ang kunting oras mo dahil may ibibigay ako sayo", kinakabahan man ay pilit pinapalakas ni Teacher James ang loob nya para masabi ang gusto nitong sabihin.

"Hindi ba yan makakahintay mamayang hapon na kailangan mo pa akung puntahan doon", inis na turan ni Juljen dito. Kanina pa umiinit ulo ang nya sa classroom kaya hindi nya naiisip ang dapat sabihin.

"Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sayo pag nagagalit ka? Bakit pakiramdam ko naiiba ka sa amin?",. Nagulat si Juljen sa sinabing iyon ni Teacher James. Pati si Teacher James ay nagulat rin sa lumalabas sa mga bibig nya. "Sorry. Hindi ko sinasadyang masabi yon", hingi nitong paumanhin at umiwas ng tingin sa kanya.

'Relax, Juljen. Nagdadalawang isip pa lamang sya. Nagtatanong',. Inayos ni Juljen ang sarili at hinarap si Teacher James.

"Patawad Teacher James. Ako'y nagkamali maiinit lang kasi ang ulo ko", sinserong sabi ni Juljen. Binalik naman agad ni Teacher James ang tingin sa kanya.

"Yang mga salita mo ay isa sa dahilan kung bakit ko nasabing kakaiba ka. Sa pamamaraan ng pananalita mo ay para bang lumaki ka sa iba ring pamamaraan",. Napakagat si Juljen sa ibabang labi nya ng mapagtanto kung paano sya nagsalita kanina. Masyado syang magalang at para bang nanggaling sya sa ibang panahon. Katunayan nga ay ganun sila magsalita palagi kapag nagkaroon nang meeting ang mga taong tulad nila. Lalo pa't kung ang kaharap mo ay nasa mataas na posisyon.

"Ah. Sorry. Masyado lang akung makata.Nakakahiya.", ngiting ani ni Juljen habang may nahihiyang expression.

"Kaya pala. Ah.Ito pala ang ibibigay ko sayo kanina", inabot sa kanya ni Teacher James ang maliit na kahon. Ayaw sanang tanggapin ito ni Juljen ngunit ayaw nyang mas lumalalim ang pag-dududa nito sa kanya. Ayaw nyang pati ito ay nakabantay na sa kanya. Ayaw nyang mapahamak ito kung sakaling may masamang mangyayari.

Walang nagawa si Juljen kundi tanggapin ito habang pinapanatili ang ngiti nya sa labi. Ngumiti rin ang binatang guro sa kanya na may masayang mukha bago nagpaalam para umalis.

Pagkaalis ni Teacher James ay bumalik naman sya sa Section Marcos. Pagpasok nya sa loob ay nabigla sya ng sumalubong sa kanya ang katahimikan. Binalewala nya iyon at umupo sa upuan nya.

Unang nagpasa si Kether ng test paper at pansin rin nya na ballpen na ang gamit nito hindi gaya kanina. Napangiti naman si Juljen ng palihim dahil ito yung unang beses na sumunod sila sa sinabi nya kahit kunti pero hindi parin napatawad ni Juljen ang sarili dahil alam nya kung bakit sumunod sa sinabi nya ang mga ito. Nakikita nya sa expression ng mga ito sa tuwing nagkakaharap sila- ang kaba at takot.

Ayaw ni Juljen na dahil lang sa takot kaya sumunod ito sa kanya. Ang gusto nyang mangyari ay sumunod sa kanya ang estudyante nya sa mismong kagustuhan nilang sumunod sa kanya at respetohin sya. Hindi nya pinilit at sa nangyari ngayon sa sitwasyon ni Juljen ay parang pinilit nyang sumunod ang mga ito sa kanya.

Malakas na napabuntong hininga si Juljen nang tuluyang makalabas ang huling estudyante nya. Napatakip sya sa sariling mukha at kinalma ang sarili. Kahit sa pagpikit nya ay naalala nya ang mga mukha ng estudyante nyang kinakabahan at natatakot sa kanya. Alam nya ang ginawa nyang pagkakamali kanina. Hindi nya napigilan ang sariling maglabas ng aura na may kasamang mahika.

Ilang minuto syang napapabuntong hininga at iniisip kung paano nya solusyonan ang ginawa nyang problema. Ilang mahihinang tapik ng daliri nya ang nagbibigay ingay sa tahimik na classroom nang  bigla na lamang syang napatigil nang makaramdaman sya ang Black magic sa paligid.

Napalinga-linga si Juljen at hinanap ang taong kanina pa sya pinagmamasdan. Hindi nya iyon napansin kanina dahil okupado ang isip nya sa estudyante nya.

Tatayo na sana si Juljen sa pagkakaupo nya ng maramdaman ang malamig na bagay sa leeg nya. Nanigas sya sa pagka-upo ng maramdaman ang mabigat na pakiramdam. Hindi lang iyon ang naramdaman ni Juljen, alam rin nyang mas mataas ang antas ng black magic nang taong nasa likuran nya kaysa kanyang white magic na mayroon sya ngayon.

"So, It's you.", malamig ang boses nitong sabi malapit sa tenga nya. Lalo syang hindi makakilos mula sa kinauupuan.

"Anong kailangan mo?", pilit na tinatagan ni Juljen ang boses. Nilalabanan nang white magic ang black magic na nilalabas sa buong katawan ng taong nasa likuran nya. Nanatiling nakatingin si Juljen sa kanyang harapan. Walang syang balak lumingon para makita kung ano ang itsura ng taong nasa likuran nya.

"Nandito ako para balaan ka. Itigil mo na ang ginagawa mong pangingialam. Hindi mo gugustuhing magalit ako", puno nang babala nitong sabi.

Hindi rin mapigilan ni Juljen na mapasinghap dahil ang taong nasa likuran nya ay mismong puno't dulo ng black magic na kinakalaban nila ngayon. Kung silang mga White magic ay may grupong kinakabilangan mas lalong mayroon ring grupo ang mga black magic.

Isang organisasyon at para matalo ang isang organisasyon ay kailangang unang putulin ang mga koneksyon nito. At ang hinahanap at kinakaharap nilang kalaban ngayon ay isa lamang sa koneksyon ng buong lakas na organisasyon. Ibig sabihin ang black magic user na nasa likuran nya ngayon ay isa lamang sa mababang namumuno sa organisayon. Dahil kung ang  main bosses ang nakakaharap ni Juljen ngayon ay hindi na sya nakagalaw pa at bubulagta nalang sa sahig na wala nang buhay.

"Teacher----WHO ARE YOU?!",. Nanlaki ang mata ni Juljen ng marinig ang boses na iyon mula sa pintuan. Parang binayo ang dibdib nya sa kaba ng makita kung sino iyon. Kaba dahil sa masamang mangyayari.




Please:

⭐- VOTE

And

💬- COMMENT





Magical TeacherWhere stories live. Discover now