Magical 21

213 26 3
                                    

"I finished checking your answers on the test yesterday", bungad ni Juljen sa klase na gaya parin noon ay maingay.

"Hayst! We already know who got the high score ", ani Nessa at binalik a ng tingin sa salaming hawak at  nag-ayos ng sarili.

"Sa bagay noon pa man talaga matalino na yan", Jolly added while chewing bubble gum.

"I think handa na kayo sa exams pero may iba parin sa inyo na hindi talaga nag-aaral, Diba Mary rose at Merry rose?", mention ni Juljen sa kambal.

The twins just rolled their eyes at what Juljen had said. At walang pakialam na nilagay ang headphones sa tenga ng mga ito.

"Alam nyo makakuha talaga kayo ng mataas na marka kung mag-aaral lang kayo. Seryosohin nyo ang pag-aaral nyo total para naman ito sa kinabukasan nyo. Wala namang mahirap e kung pagsikapan nyo lang", pang-iingganyo ni Juljen sa mag-aaral nya.

Magbibigay pa sana ng tagubilin si Juljen ng  magambala sila sa isang malakas na kalabog mula sa kinaupuan ng kambal. Nakita nilang nakatayo nasi Merry rose habang nagkasalubong ang kilay nito at nakatiimbagang na tumingin kay Juljen na nakatanga sa kanya. Ang kambal naman nitong si MaryRose ay na natiling nakapikit ang mga mata at walang pakialam sa ginawa ng kakambal.

"In other words my twin and I are what you mean by what you say!", galit na sigaw ni Merry rose habang hindi inaalis ang matatalim na tingin sa kaharap na guro.

"I didn't say that you and your twin are what I mean. I did not mention a name", mahinahon na sagot ni Juljen dito ngunit hindi parin natinag si Merry rose sa sagot nito.

"Wag mo kaming gawing gago! Hindi kami mga bobo para maniwala sa pinagsasabi mo! Isa ka lamang guro at wala kang karapatan para pagsabihan kami ng ganyan.", mabilis sinipa ni Merry rose ang upuan nya dahilan para sumalpok ito sa pader at masira.

Lumabas naman agad si Merry rose ng walang pinapansin sa mga kaklase nya. Minulat naman ni MaryRose na kambal nito ang dalawang mga mata nya at nakitang papalabas na ang kambal nya.

Tumayo sya at pinagpagan ang uniporme bago binitbit ang bag ng kambal nya at lumakad papunta sa pintuan. Huminto sya doon at lumingon ng may malamig na tingin sa kay Juljen.

"Mind your own business!", malamig na sabi nito bago sinundan ang kambal.

Natahimik naman ang lahat habang ang iba sa kanila ay nakangising nakatingin sa pintuan kung saan dumaan ang kambal kanina. Habang si Kether naman ay hindi inaalis ang tingin sa kay Juljen at inoobserbahan ang expression nito at kilos.

"Tingin sa harapan. Ngayong araw at sa susunod pa hanggang sa araw ng examination nyo ay wala kayong gagawin kung hindi pag-aralan ang tinalakay natin. Good luck!", huling saad nya.

Mabilis na lumabas si Juljen at matunog na bumuntong hininga habang naglalakad sa hallway. Hindi nya alam pero parang nawalan sya ng lakas sa katawan dahil sa nangyari kanina lang. Tinablan na ata sya ng stress sa mga estudyante nya.

Napahawak sya ng biglaan sa pader ng umikot ang paningin nya."Hey! Okay kalang ba, Teacher Juljen?", biglang sulpot ni Teacher James at hinawakan sya nito sa braso at sinuri ang mukha nya.

"Okay lang ako Teacher James. Wag kang mag-alala", sagot ni Juljen at inayos ang sarili. Pinilig nya ang ulo nya habang nakapikit para mawala ang pagkahilo nya. Nang bumalik sa dati ang paningin nya ay inalis nya ang kamay ni Teacher James mula sa pagkahawak sa braso nya. "Salamat",.

Iniwan ni Juljen si Teacher James sa hallway habang nakatingin ito sa kanya ng may pag-alala. Mabilis namang nakabalik si Juljen sa opisina nya at umupo agad sa swivel chair.

"Lumabas ka na dyan. Alam kung kanina mo pa ako sinusundan, Kether", bulalas nya at maya-maya pa narinig nya ang pagbukas ng pintuan ng opisina nya at pumasok si Kether habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng pantalon nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya.

"How did you know I was following you?", tanong agad ni Kether sa kanya at inikot ang paningin sa buong opisina nya.

"Dahil sinabi mo", sagot ni Juljen sa tanong nito at sinusundan ang kilos ng estudyente na ngayo'y binabasa ang librong kinuha sa bookshelf nya sa likuran.

"Sinabi ko? Wala naman akung natandaang may sinabi ako ng ganyan ngayon", nakakunot ang noo nitong nilipat ang tingin sa kanya mula sa librong hawak.

"Remember noong mag-isa kang nagsasalita sa classroom. Akala ko nga nun e may kausap kang hindi ko nakikita. Doon palang alam kung magsisimula kang mag-imbestiga", walang gana syang tiningnan ni Juljen.

"Talaga ba?", may pagdududa itong nakatingin sa kanya.

"Alam kung may pagdududa ka sa akin, Kether. Pero lahat ng ginagawa at pinakita ko ay para naman ito sa inyo", pangungumbinsi nya dito. Gusto nyang tumigil na ito baka dahil sa ginagawa nito ay ikakapahamak nya pa. Sa kadahilanang hindi gumagawa ng hakbang ang kalaban. Nanatiling walang kilos ito at tahimik. At iyon ang kinakabahala ni Juljen.

"Para nga ba sa amin?", nilapit ni Kether ang mukha nito sa mukha ni Juljen at tinitigan sa mga mata si Juljen. "Alam mo ba Teacher Ugly na---",

"Alam ko na--?", pabitin namang tanong ni Juljen.

"Alam mo bang kahit saan ka titigan pangit ka parin", sabay halakhak ni Kether dito.

"Aba! Bastos ka ah!", sasapakin na sana ni Juljen si Kether ng mabilis itong nakatakbo palabas habang sinisigaw kung gaano sya kapangit sa paningin nito.

"Wala talagang modo!", inis na sigaw nya pero hindi na ito narinig ni kether. "Siguro kung makita mo ako sa tunay kung itsura baka hindi mo malunoklunok ang laway mo", dagdag pa nitong sabi kahit wala ng nakikinig.









******



Uwian na pero nasa loob parin ng opisina nya si Juljen. Hindi nya alam pero pakiramdam nya ay kailangan nyang manatili dito sandali.

Bukas pa naman ang library sa school dahil may iba pang estudyante ang gumagawa ng pag-aaral.

Papalubog na ang araw ng lumabas si Juljen sa opisina nya. Mabilis ang bawat hakbang nya at panay ang paghinto hindi dahil sa pagod sa mabilis nyang paglalakad kundi bawat paghakbang at paglalakad nya ay ramdam nyang may nakasunod sa paglalakad nya.

Pero sa tuwing lilingon sya ay wala syang makikitang nakasunod sa kanya. Tanging ang pakiramdam nya lang ang nagsasabing may nakasunod sa kanya at ang pakiramdam nyang ito ay hindi pa nagkakamali.

Nagpatuloy sa paglalakad si Juljen at
kalauna'y ang lakad nya ay naging pagtakbo na. Bawat tunog ng pagtapak sa semento ng sandal na suot ay sumasabay ang tunog ng taong nakasunod sa kanya.

Ginamit ni Juljen ang papalikong hallway at mabilis na nagtago sa kalapit na classroom. Sa loob ng classroom ay pinakinggan nya ang papalapit na tunog ng sapatos na parang hinahanap sya.

Tumigil ang tunog malapit sa pintuan ng classroom kung saan sya nagtago. Dahan-dahang sinilip ni Juljen ang taong nasa labas. Nakita nya ang lalaking nakatalikod sa kanya. At nakasuot ito ng uniporme ng private school na ito.

Nang makilala ang lalaking iyon ay nakahinga ng maluwag si Juljen. Akala nya ay mapapalaban sya ngayong gabi.

"Bakit mo ako sinusundan, Teacher James?", seryosong tanong ni Juljen at diretso ang tingin nya sa mga mata ng gurong lalaki.

"Nandyan ka lang pala. Yayain sana kitang kumain ng dinner kung hindi ka nagmamadali", walang paligoy-ligoy na sagot nito at paanyaya.. Nakangiti ito kay Juljen ng matamis at nagkasalubong ang tingin nila.

"You mean a Date?",

"Kung iyan ang pagkakatindi mo.", mabilis nitong sagot.

"Okay. Sige", kibit balikat ni Juljen. At pinapakalma ang sarili sa pakiramdam nyang iyon kanina.

"Then, Let's go", nakangiti ito ng malapad at pinaunang pinalakad si Juljen.









Juljen nyo may ka-date na! Naiimprove na buhay nya! Lomalovelife na si Juljen.
Ano na talaga  gampanin ni Teacher James dito? Confused? Me too..(^v^)(T_T)




Magical TeacherWhere stories live. Discover now