Chapter 16: Closure

169 11 11
                                    

Chapter 16: Closure

Ice Ashton’s POV

“Kuya, daan muna tayo sa Cafe Latte saglit.”

I glance outside the window before I stop the car in front of the coffee shop. Pero hindi ko pa man tuluyang naipaparada ng maayos ang sasakyan ay narinig ko na ang malakas na pagbukas-sara ng pinto sa shotgun seat.

“Flame! Don’t do that again!” I shouted and glared at her. Kahit nakasara ang pinto at bintana ay alam kong umabot sa pandinig niya ang sinabi ko.

She looked back and stuck her tongue out of me before she proceeded to enter the shop.

Napailing na lang ako at sinundan ng tingin si Flame hanggang sa tuluyan ng mawala ang bulto niya sa paningin ko. She can be a kid sometimes.

But most of the time, she is entirely different from what others think she is. Hindi man halata pero mas matured pa siyang mag-isip kumpara sa ’kin. That’s, of course, something I wouldn’t admit to anyone.

Ngunit natigilan ako nang maalala na mayroon nga pala kaming kasama. Dahan-dahan kong nilingon si Emily na tahimik lang na nakaupo sa likod.

Nakahalukipkip siya habang matiim na nakatingin sa ’kin. Sa totoo lang ay kanina ko pa nararamdaman ang titig niyang tila tumatagos sa kaloob-looban ko. I knew that she wanted to talk to me during the whole ride. But Flame is too talkative, and she just can’t chime in.

And I chose to ignore it as well. Ever since that incident happened, I have already mastered the art of ignoring her.

“May bibilhin ka ba? I know how much you love sweets. Especially cakes,” wala sa loob kong sambit.

Nang ma-realize ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko ay huli na para bawiin ko pa ’yon.

She chuckled. Amusement is evident in her eyes. “You really know me too well.” Tumaas pa ang kaliwang kilay niya habang nanghahamon ang mga matang nakatingin sa ’kin.

Nagkibit balikat lang ako. Bago pa man siya makapagsalita ulit ay itinuon ko na ang atensyon sa labas at tahimik na nagmasid sa mga tao na paroo’t parito. Lihim kong ipinagpasalamat na hindi na siya umimik pa.

Padilim na ang kalangitan dahil alas-sais na rin ng gabi. Good thing there is scattered light in every corner. May iba pa kasi kaming mga dinaanan kanina kaya hindi agad kami nakadiretso ng uwi.

Malinaw ko ring naririnig ang kaliwa’t kanan na ingay ng busina mula sa mga sasakyan, mga taong masayang nagkukuwentuhan at hagikgikan, maging ang usapan ng ilan mula sa loob ng kani-kanilang mga bahay.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kahit sa ganitong oras ay tila hindi pa rin maawat ang mga tao sa kung saan man sila papunta at sa kung ano man ang gagawin nila.

Now, I can’t help but wonder. Can they still go outside by this time or beyond this hour once they discover our existence?

Nahagip pa ng paningin ko ang mangilan-ngilang protectors at vampire hunters na nagkalat sa paligid at normal lang na nakikihalubilo sa kapwa nila mga tao. Kahit na ang totoo ay palihim silang nagbabantay at nagmamatyag. Dahil kahit ilang taon na kaming nakararanas ng kapayapaan ay hindi pa rin kami puwedeng makampante.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now