Chapter 5: The Transfer Student

227 22 27
                                    

Chapter 5: The Transfer Student

Ice Ashton’s POV

Wala sa loob na napatingala ako sa bilog na orasan na nakasabit sa pader at itaas ng white board. Kumunot ang noo ko nang mapansin na alas-otso na pala ng umaga.

Pasimpleng nilingon ko naman ang katabi kong upuan. Bakante pa rin ito hanggang ngayon.

“It seems that someone’s missing someone.”

I looked at Shin, who was resting his head on the back of the chair with his eyes closed.

“I’m not missing anyone,” I said defensively. “Well, aside from my parents, of course.”

His eyes snapped open. “As far as I can remember, I didn’t mention that it’s you who I am referring to.” He let out a soft chuckle.

Hindi ko nagawang makapagsalita. That caught me off guard. He has a point.

Damn!

“Masyado ka naman kasing obvious, pinsan. Gusto mo bang ipahanap at ipagtanong ko kung nasaan siya? I have my ways and connections, you know.”

That made me look at Sherwood, who is busy flipping the pages of her book. She looks bored.

I crossed my arms and leaned against the back of my chair. “I didn’t miss her. Actually, I’m beyond happy because my life will be at peace for the whole day again.”

I didn’t know why, but I felt a lump in my throat as I said those words.

It’s been three days since the new school year started. Sa ngayon ay normal naman ang mga pangyayari sa buhay ko dahil wala nga ang babaeng ’yon.

Ngunit napailing ako nang muling maalala ang naging usapan namin sa loob ng kuwarto ko noong unang araw ng pasukan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit naisipan nila Papa na bigyan ako ng hunter na magiging kasama ko. Samantalang mayroon naman na akong protector. Kung tutuusin nga ay hindi ko naman kailangan pareho ang mga ito dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko.

Magsasalita pa sana si Sherwood nang biglang pumasok si Sir Craig. Sa wakas ay pansamantala ko munang maiiwasan ang pangungulit ng mga pinsan ko sa ’kin.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang klase. Pero wala roon ang atensyon ko at hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapalingon sa pinto.

Stop it, Ice! Ano bang pakielam mo kung hindi siya ulit pumasok ngayon? That’s much better, right?

I shook my head and just focused my attention on the discussion.

Mabilis na lumipas ang oras at nasa pinakahuling subject na kami ngayon. Muli akong napatingin sa pinto pagkatapos ay sa bilog na orasan na nasa harap.

Still, there’s no sign of her. Nasaan nga kaya ang babaeng ’yon? Kahit ang mga kaibigan niya ay pangatlong araw na ring wala ngayon. Wala namang nabanggit ang mga teacher namin tungkol sa kanila at hindi rin naman sila hinahanap.

Nang matapos ang klase ay mabilis akong naglakad palabas.

“Are you going to look for her? We can go to their dormitory building.”

Chasing the Vampire PrinceKde žijí příběhy. Začni objevovat