Chapter 21: The Welcome Night Party

154 9 2
                                    

Chapter 21: The Welcome Night Party

Hailey’s POV

“Wow! You’re so stunning, Hailey! Ewan ko na lang kung hindi pa maakit ang pinsan ko sa ’yo niyan!”

Dahan-dahan kong binuksan ang nakapikit kong mga mata at tipid na nginitian si Sherwood na manghang nakadungaw sa ’kin bago muling pumikit. Kasalukuyan kaming nandito ni Hevn sa loob ng kuwarto niya. Siya lang naman daw kasi mag-isa rito kaya niyaya niya kami na rito na mag-ayos.

Originally, the plan was to go shopping for our dresses and to go to the salon for our hair and make-up. Pero biglang nagbago ang isip ni Sherwood sa hindi ko malamang kadahilanan. Ang tanging paliwanag lang na sinabi niya sa ’min ay para iwas hassle raw.

That news alone made the boys sighed in relief. Ang buong akala raw kasi nila ay magmimistula na naman silang mga alalay.

Too bad. I’m actually looking forward to it. Well, maybe next time.

Instead, Sherwood called Tita Athena and requested that she send some stylists here, along with a bunch of wardrobes that we could choose from.

Ngunit halos malaglag ang panga ko nang makita ang ilang dosenang dress na ipinadala ni Tita Athena. Nagmistulang malaking cabinet tuloy ang kuwarto ni Sher. Bukod doon, nang dahil sa rami ng magagandang designs ay halos nahirapan din kaming pumili.

Truth be told, I’m already used to parties like this. Madalas din kasing magkaroon ng ganitong klase ng pagtitipon kaming mga hunters. Lalo na sa tuwing lumuluwas ang mga galing sa malalayong lugar. So, it’s not a big deal to me anymore.

Ang kaso lang ay hindi naman ako ganito kung maghanda. Kaya medyo nakakapanibago pa rin talaga. Ako lang kasi ang madalas na nag-aayos at nag-aasikaso sa sarili ko. Siguro dahil lumaki rin akong walang ina kaya nasanay na lang ako. Though sometimes Hevn is helping me out.

Bukod sa iba’t ibang klase ng mga dress ay nagpadala rin si Tita Athena ng iba’t ibang klase ng sandals, sling bags, pouches at maging alahas.

Hindi naman business party o formal event ang pupuntahan namin. Pero mukhang hindi ata uso sa kanila ang salitang simple.

But of course, Sherwood wouldn’t take no for an answer. Aside from that, she also reminded us that this will be our last welcome party here at the academy since we are about to leave next year. So, in the end, we just gave in.

Actually, she also invited Emily to come over with us here. Pero mukhang mayroon din itong sariling stylist na kakilala naman ni Tita Mikan.

Mas maigi na rin siguro ang ganito. Kung tutuusin ay wala naman itong masamang nagawa sa ’kin. But I really feel uncomfortable whenever she’s around.

Maybe because she’s Ice’s first love. And because of whatever happened in their past, I am having a hard time getting his attention.

I guess his cousins didn’t know a thing about them. That’s why, no matter how much I want to throw questions at Sherwood, I just can’t.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos na rin akong lagyan ng make-up. Muli kong idinilat ang mga mata ko at gulat akong napatitig sa salamin na nasa harap ko dahil tila ba ibang tao ang nakikita ko ngayon.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now