Chapter 8: Joint Mission

208 13 1
                                    

Chapter 8: Joint Mission

Hailey’s POV

“Wala ka ba talagang ideya sa kung sino ba ang iba pa nating mga makakasama ngayong gabi?”

Mula sa pagkakaayos ng suot kong boots ay napatingala ako kay Hevn.

“Wala talaga, eh. Ang sinabi lang kasi sa ’kin ni Papa ay mayroon tayong mga makakasama mula sa grupo ng mga bampira at dito nga magkikita-kita ang mga grupo natin. Pero wala naman siyang nabanggit na mga pangalan.”

Nang masigurong kumportable na ako sa pagkakasuot ng boots ko ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa malaking bato.

Malalim na napahugot naman siya ng hininga. “Kung sino man sila ay hindi nila alam kung paano pahalagahan ang oras.” Nakasimangot na bumaba ang tingin niya sa suot na relong pambisig. “Naturingan pa naman silang mabibilis kung kumilos.”

Sa totoo lang ay nagsisimula na rin akong makaramdam ng inis. Kung hindi na sana namin kailangan pang hintayin ang mga makakasama namin sa panig nila ay paniguradong papunta na kami sa kuta ng kalaban.

“Pasensya na sa paghihintay. Ang tagal kasing kumilos ng mga pinsan ko kaya natagalan kami.”

Napasinghap ako at gulat na napalingon sa bagong dating. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ice na wala man lang emosyon na mababanaag sa kanyang mukha habang nakapamulsa. Sa likod niya ay nakangising nakasunod ang mga pinsan niyang sina Harry at Shin.

Napatikhim si Hevn habang si Reiko naman ay isinara na ang librong binabasa. Dahil hindi naman ito kalakihan ay nagawa niyang ipasok ito sa bulsa ng suot niyang jacket.

Mabilis naman akong nakabawi mula sa pagkakabigla at agad na nilapitan si Ice.

“Ayos lang. Hindi naman kami naghintay ng matagal. Kayo pala ang makakasama namin.” Masuyo ko siyang nginitian.

Mahina ko namang siniko si Hevn nang marinig na tila may kung ano siyang binubulong.

“Yup. It’s nice to see you again, Hunter girl!”

Shin was about to give me a high-five when Ice blocked his hand.

“Let’s go. We have more important things to do,” he seriously said.

Napatango naman ako at agad na sumunod sa kanya nang magsimula na siyang maglakad.

Ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang pagpingot ni Hevn sa tainga ko. Pinandilatan ko naman siya.

“Ano bang problema mo?” mahina kong asik sa kanya.

Inirapan naman niya ako. “Puwede bang magpakipot ka man lang kahit kaunti?”

I looked at her innocently. “I’m his personal hunter. That’s why I need to be on his side as always so I can protect him,” I reasoned out.

Napahawak naman sa kaliwang dibdib si Shin na nakikinig pala sa usapan namin.

“Ouch. I’m wounded, hunter girl. You sound as if I’m not doing well with my responsibility at all.”

“Bumaba ka na raw sa puwesto mo, Kuya Shin! May bago na kasing papalit sa trono mo,” pang-aasar pa ni Harry rito.

“I can protect myself very well. Thanks, but no, thanks,” Ice suddenly butted in.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now