Prologue

708 28 35
                                    

Prologue

Hailey’s POV

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakasiksik ako sa isang tabi. Halos masuka rin ako nang dahil sa nakakasulasok na amoy ng mga nagkalat na dugo sa paligid.

Papa, please come and save me. Piping hiling ko.

Everything happened so fast. Namalayan ko na lang na sinusugod na ng mga masasamang bampira ang lugar namin. Nagkataon naman na wala si Papa sa mansyon namin dahil kasalukuyan siyang nasa headquarters ng asosasyon para sa isang mahalagang meeting.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. I hate vampires. Sila ang dahilan kung bakit namulat ako na walang kinikilalang ina. They shouldn’t have existed in this world in the first place. It’s only we, the humans, who should live in this world.

I want to kill all of them. But what can a six-year-old girl like me do?

Ngunit hindi ko na napigilan pa ang mapatili nang biglang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon at tumambad sa ’king paningin ang isang bampira. Namumula ang kanyang mga mata at mayroon pang tumutulong dugo mula sa kanyang bibig.

There you are, little girl. Kahit saan ka pa magtago ay hinding-hindi mo ako matatakasan.” He grinned.

Mas lalo ko namang isiniksik ang sarili ko sa isang sulok kahit na alam kong wala na itong magiging silbi pa.

You have such a sweet scent, little girl. I bet you taste good too.” He rolled his tongue over his lips.

Napapikit na lang ako nang mariin nang mapansin ang akmang pagsugod niya sa ’kin.

Help! Somebody help me!” I shouted on top of my lungs.

Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko. Dahil doon ay lakas loob na dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

There, I saw him. The prince of their race. Standing right in front of me with his eyes glowing in crimson red.

Ngunit imbis na matakot ay mangha na napatitig ako sa kanyang mga mata. Napakurap lang ako nang ilahad niya ang kanang kamay sa harap ko.

You’re safe now,” aniya sa malamig na boses. Bukod doon ay wala ring emosyon na mababanaag sa kanyang mukha.

Doon ko lang napansin na wala na ang masamang bampira kanina at maging ang nagkalat na abo sa paligid. Kaya naman ay walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang nakalahad niyang palad.

I really hate vampires. But ever since that night he saved me, he has become an exception to it.

“Hailey! Gising na! Mahuhuli ka na sa klase!”

Napamulat ako ng mga mata nang dahil sa sunod-sunod na pagkatok at pagsigaw ni Papa mula sa labas ng pinto. Hinihingal na napabangon naman ako.

“Palabas na po!” sigaw ko upang tantanan na niya ang nakakaawa kong pinto. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang papalayo niyang yabag.

Chasing the Vampire PrinceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz