Chapter 22: Somebody to Lean On

101 3 6
                                    

Chapter 22: Somebody to Lean On

Flame Aischel’s POV

Hindi mawala-wala ang ngiti sa ’king mga labi habang nakatingin sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay napalitan na ng mga nagtataasang puno ang nadaanan naming mga gusali kanina.

“Paniguradong malalagot talaga ako nito kay Ice kapag nagkataon.”

Napaayos ako ng upo bago nilingon si Kuya Shin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha habang diretsong nakatingin sa daan.

“Wag kang mag-alala, Kuya Shin. Gagawin ko ang lahat para hindi kami magkita ni Kuya Ice,” paniniguro ko pa sa kanya.

“Ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na tayo, eh.” Malalim siyang napabuntonghininga. “Basta wag ka lang pupunta kung saan-saan, maliwanag? You’re my responsibility. Hindi lang bilang protector mo kung hindi bilang pinsan mo na nangunsinti sa ’yo.”

Kinagat ko ang ibabang labi. Kailangan kong makagawa ng paraan mamaya para hindi niya mahalata na pupunta ako sa kung saan. Dahil hindi rin niya puwedeng malaman ang tungkol sa pagkikita namin ni Reiko. Paniguradong hindi niya ako papayagan. They don’t want me to train with someone else aside from them.

Nang makita na namin ang portal ay agad na pinaharurot ni Kuya Shin ang kotse papasok doon. Sa isang iglap ay nasa harap na kami ng gate ng academy. Agad naman itong bumukas at magiliw kaming binati ng mga nagbabantay na guwardiya pagkadaan namin.

Nang maiparada na nang maayos ni Kuya Shin ang kotse ay agad kaming bumaba. Hinarap naman niya ako bago seryosong tiningnan.

“Flame, ako ang maghahatid sa ’yo pagkatapos ng party, hah. Kailangan nating maunahan ang kuya mo sa pag-uwi sa inyo,” mariin niyang sabi.

I nod at him. “Okay, Kuya Shin. Just text me if we need to go home already.”

Tila nakahinga naman siya nang maluwag. “May tiwala ako sa ’yo, Flame. Hindi kita paghihigpitan ngayong gabi. Basta wag ka lang lalabas dito sa academy at siyempre ay wag kang iinom ng alak.”

Napasimangot naman ako nang dahil sa huli niyang sinabi. “Ang daya n’yo naman. Kung tutuusin ay dalawang taon lang naman ang tanda n’yo sa ’kin. Pero mas bata pa kayo sa ’kin noong nagsimula kayong uminom nina Kuya Ice at Ate Sher.”

Napatikhim naman siya. “Basta makinig ka na lang sa ’kin.”

I crossed my arms at him. “Pero hindi naman kasi kami nalalasing na mga bampira. Kaya ikaw ang bawal uminom ngayong gabi, Kuya. Dahil ipagmamaneho mo pa ako pauwi.” I smirked.

Natawa naman siya. “Talagang ibinalik mo pa sa ’kin ang sermon ko sa ’yo, hah.” Namulsa siya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa function hall.

“Tandaan mo na ang mas importanteng bagay na kailangan mong gawin ngayong gabi ay iwasan na makita ka ni Ice o ng kahit na sino sa royalties.” Inilibot niya ang tingin sa paligid.

Nagkibit ako ng balikat. “I know that already. Pero kung sakali man na magkahulihan ay wala na rin naman silang magagawa, eh.”

Pero kung mahuhuli man ako ay kailangan kong siguraduhin na tapos ko ng gawin ang pakay ko rito bago pa mangyari ’yon.

“Talagang wala kang pakielam kung mabugbog ako ng kuya mo, no?” Napasimangot siya.

Chasing the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon