Chapter 20: The Prince's Hunter and Protector

116 8 3
                                    

Chapter 20: The Prince’s Hunter and Protector

Hailey’s POV

“Ano ba kasi talaga ang ginagawa natin dito? Para tayong gangster na may tatambangan, eh.”

Nilingon ko si Hevn at sinamaan ng tingin bago ko muling ibinalik ang atensyon sa classroom ng 12-C.

“Narinig ko kasi kanina ang ilan sa mga kaklase nating babae na pinag-uusapan si Warren. Kaya nakiusyoso na ako at inalam kung anong seksyon niya,” seryoso kong sagot sa tanong niya.

“Pero bakit kailangan pa nating magtago rito sa likod ng mga halaman? Para naman tayong iba sa kanya,” paghihimutok pa niya.

Napasimangot naman ako. “Obvious naman kasi na iniiwasan niya tayo, ’di ba? Ilang linggo na pala siyang nandito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita ng personal. Bukod doon ay hindi rin siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Ni hindi man lang sini-seen ang chat ko.”

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa ng lalaking ’yon dito. Kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang tungkol sa mga bampira at ang pagiging kakampi nila ay mas lalo naman ito. Ang mga rebeldeng bampira kasi ang dahilan kung bakit halos maubos ang pamilya nila.

Masyado rin kasing maraming nangyari nitong mga nakaraang araw kaya halos nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Lalo pa at patuloy pa rin kami sa ginagawang pag-iimbestiga sa naganap na pagdukot sa ’kin noong nakaraang linggo.

Ilang sandali pa ay namataan ko na ang sunod-sunod na paglabas ng mga estudyante mula sa klase nila. Napaayos ako ng tayo at agad na lumabas sa pinagtataguan namin nang matanaw ko si Warren na nagpapalinga-linga pa sa paligid. Marahil ay naniniguro siya na hindi niya kami makakasalubong.

Ngunit nang magtama ang paningin naming dalawa ay bigla siyang natigilan. He was about to turn his back, but I quickly ran towards him and grabbed his arm to stop him.

“Wait! Saan ka pupunta? Iiwasan mo na naman kami?” Nakapameywang na hinarap ko siya. Naramdaman ko naman ang pagtigil ni Hevn sa tabi ko.

He looked at me innocently. “Ano? Bakit ko naman kayo iiwasan?”

Mahina ko siyang pinalo sa braso. “Tigil-tigilan mo ako, hah. Hindi uubra sa ’kin ang pagmamaang-maangan mo.” Pinandilatan ko siya.

Napakamot siya sa batok dahilan para marahas akong mapabuga ng hangin.

“Alam mo nakakainis ka! Bakit hindi ka man lang nagsabi na lilipat ka pala rito? At bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga text, tawag at chat ko? Kung hindi pa nabanggit ng kaibigan namin ang tungkol sa ’yo ay hindi ko pa malalaman na nandito ka pala.”

Natawa siya bago ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang hilig kasi niyang pagtripan ang buhok ko.

“Panigurado kasing gigisahin mo ako ng mga tanong. Katulad na lang ngayon. Besides, it’s not as if I really want to transfer here. Dad just told me to do so, and it’s an order I cannot refuse.”

Napailing na lang ako. Kahit labag sa kalooban niya ay wala naman siyang magagawa kapag ginusto at inutos ng papa niya ang isang bagay.

“Kahit na. You should have at least let us know.”

Napangiti naman siya. “Sorry na. Hindi na mauulit.”

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now