Chapter 9: The New Girl

200 15 1
                                    

Chapter 9: The New Girl

Hailey’s POV

“Hindi ka naman excited, no? Sobrang bilis mo magpatakbo, eh. Daig mo pa ang mga race car driver.” Nakasimangot na bungad sa ’kin ni Hevn pagkababa niya ng kotse.

“Not really.” I grinned at her. My back is leaning on the hood of my car as I patiently wait for the school royalties.

Finally, we’re now back at the academy.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Reiko. As usual, he’s wearing his famous poker face the moment he gets out of his car.

Reiko is a good-looking man. Pero alam ko na mas magiging guwapo pa siya tingnan kung ngingiti siya madalas at kung hindi natatakpan ng bangs niya ang hanggang sa parte ng mga mata niya.

Just like Ice, a simple smile is so hard to stretch on his lips as well. But at least I knew the reason why.

“Let’s go,” anyaya ko sa kanila.

Napatango naman sila at agad na sumunod. Dumiretso kami sa dining hall. Kanina pa rin kasi ako nakakaramdam ng gutom.

Pagkapasok namin dito ay agad kong itinuon ang paningin ko sa lugar kung saan sila madalas na nakaupo.

But I felt disappointed when I noticed that he was not yet there. Tanging ang mga pinsan pa lamang niya ang nandoon.

Naghanap muna kami ng mauupuan bago namin napagpasyahan na umorder.

“What do you want to eat, Hailey? Kami na lang ang bibili.”

Napatingala ako kay Hevn pagkaupo. “Spaghetti, ham and cheese sandwich, and hot chocolate, please.” I smiled at her.

Napatango naman siya at agad silang umalis na dalawa. Natuon naman ang atensyon ko sa pinto at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang pumasok na mula roon ang lalaking itinitibok nito. Kasama niya ang bunsong kapatid na si Flame.

My eyes followed his every move. Hanggang sa makaupo siya sa puwesto nila.

Pero nahigit ko na lang ang hininga ko nang mapalingon siya sa direksyon ko at magtama ang paningin naming dalawa.

As always, he looked away immediately, as if he saw nothing.

Pagkabalik nina Hevn at Reiko ay nagsimula na kaming kumain. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na mapalingon sa kinaroroonan nila.

But he didn’t look back again.

“Dedma na naman ang beauty mo, no?” pang-aasar ni Hevn sa ’kin.

“May beauty ba?” dagdag pa ni Reiko.

Natawa naman si Hevn nang dahil sa sinabi niya.

Inirapan ko lang silang dalawa. Pag-umpugin ko kaya sila?

Pagkatapos naming kumain ay excited na tumungo na ako sa classroom namin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling ni Hevn. Si Reiko naman ay tila walang pakielam sa paligid na nagbabasa habang naglalakad. His other hand is shoved in his front pocket, oblivious to the stares that the female students are giving him. Especially our fellow hunters.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now