Chapter 18: Challenge Accepted

120 10 3
                                    

Chapter 18: Challenge Accepted

Flame Aischel’s POV

“I’m really happy for you, Kuya! You can smile now.” I poked Kuya Ice’s cheek while smirking. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero hindi ko na lang ito pinansin.

“I didn’t smile! My lips shouldn’t be formed that way!” Naiinis na pinadaanan niya ng mga daliri ang kanyang buhok.

“Ano ka ba, Kuya? Mauutusan mo ba ang mga labi mo kung paano ba dapat maporma ’yan?” Napairap na lang ako. Minsan talaga ay hindi ko mawari itong kapatid ko.

“Of course! Because that’s what I always do, and it never fails to cooperate!”

“Well, not now.” Hindi ko napigilan ang matawa nang dahil sa pagsesentimyento niya. Kasalukuyan kaming nandito sa field at nagpapalipas ng oras. Kanina pa kasi tapos ang klase namin kaya pakalat-kalat lang din sa paligid ang iba pang mga estudyante. Abala sila sa kani-kanilang mga ginagawa.

But I don’t know where the other royalties are. Siguro ay mayroon din silang kanya-kanyang plano ngayong araw. Hindi rin naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay palagi kaming magkakasama. Lalo na at hindi naman kami magkakapareho ng antas lahat.

Well, I guess they’re busy organizing and planning the welcome night party that will be held this coming Friday. Inaasikaso na siguro nila ang tungkol sa mga gagamiting dekorasyon, ang magiging ayos ng venue at pati na rin ang kabuuan ng mga magiging programa sa event.

Hindi ko nga lang alam kung bakit tila walang pakielam si Kuya sa nasabing pagtitipon. Ni hindi ko man lang siya nakikitang abala. To think that he is one of the officers of the Student Council, alongside Kuya Shin and Ate Sher.

Sa pagkakaalala ko ay parte rin ng organisasyon ang isa sa mga kaibigan ni Ate Hailey na si Reiko. Pero kahit ganoon ay ngayon lang daw sila napalapit dito. Sobrang tahimik daw kasi ng isang ’yon.

Napaismid naman ako nang muli kong maalala ang tungkol sa party. Paniguradong kapag kina Mama at Papa ako nagpaalam ay papayagan nila ako. Hindi tulad ni Kuya Ice na dinaig pa ang mga magulang namin sa pagiging istrikto.

Samantala ay agad namang nagpaalam si Harry sa ’kin pagkatapos pa lang ng klase namin kanina dahil mayroon pa raw siyang ibang gagawin. Ganoon din naman si Yuki. Mabuti na lang at napunta si Yuki sa klase namin kaya magkakasama pa rin kami. Habang binabaybay ko naman ang hallway ng main buding kanina ay namataan ko si Kuya Ice na mag-isang nakaupo rito sa ilalim ng Narra tree. That’s when I decided to ruin his peaceful life.

“Kuya, wag mo na kasing itanggi pa. Halata namang nahuhulog ka na kay Ate Hailey, eh,” patuloy kong pang-aasar sa kanya.

Tiningnan niya ako nang matalim na nagpasingkit sa kanyang mga mata. If looks could kill, I would have already turned into ashes right now.

“Naririnig  mo ba ang sinasabi mo? Hindi ka ba kinikilabutan man lang?” Napangiwi siya.

Napanguso na lang ako at wala sa loob na kinapa ang suot na kuwintas. Mula sa pagkakatago nito sa loob ng uniform ko ay inilabas ko ito at tinitigan.

It’s a golden necklace with a crescent moon as a pendant. Ibinigay ito ni Mama sa ’kin noong limang taong gulang pa lang ako. Mayroon din nito si Kuya na galing naman kay Papa.

Nilingon ko si Kuya Ice. Nakapikit na siya ngayon habang prenteng nakahiga sa damuhan. Nakatago rin sa loob ng kanyang uniform ang kuwintas.

“Sana balang araw ay makaranas din tayo ng klase ng pagmamahal na katulad kina Mama at Papa,” bulong ko sa kanya.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now