Chapter 23: The Symptom

30 0 0
                                    

Chapter 23: The Symptom

Ice Ashton’s POV

Kunot noo akong nakatingin kay Flame na nakahiga pa rin sa kama niya hanggang ngayon. Malapit ng mag-alas-otso ng umaga pero hindi pa rin siya bumabangon na talaga namang nakapagtataka. Naunahan ko pa siyang matapos kumilos samantalang madaling araw na akong nakauwi kanina.

Nakapameywang na nilapitan ko siya bago hinawi ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan.

“Good morning, my beloved sister!” I almost shouted at her.

But she didn’t even make a single move. Though I know that she’s been awake already even before I barge into her room.

“What’s the matter, Flame Aischel? Are you not feeling well?”

Pero nanatili pa rin siyang walang imik at nakapikit.

Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala. Kahit pa alam kong hindi naman uso sa ’min ang sakit.

Sa pagkakataong ’to ay unti-unti na akong nakararamdam ng inis. Hindi ko kasi mawari kung masama ba talaga ang pakiramdam niya o pinagtitripan lang ba ako ng magaling kong kapatid at may panibago na naman siyang drama sa buhay.

“Tatayo ka na ba riyan o bubuhatin pa kita papuntang banyo at itatapat sa ilalim ng shower para makapag-asikaso ka na,” banta ko pa.

This time, she finally opens her eyes.

“I’m fine, Kuya. I just want to rest some more. Isa pa ay wala naman akong gagawin ngayong araw kaya kahit maghapon akong nakahiga ay wala namang problema.”

Napataas ako ng kilay nang dahil sa naging sagot niya.

“Bakit? Hinatid naman kita agad kahapon dito pagkatapos ng klase, ah. Ano ba ang pinagkaabalahan mo kagabi at parang napagod ka ata ng husto?”

Napasimangot naman siya bago muling nagtalukbong ng kumot.

“Just go away, Kuya, and mind your own business. I’ll get up later.”

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Akmang sesermunan ko pa siya nang biglang bumukas ang pinto sa kuwarto niya at nakangiting pumasok si Mama.

“Ang aga-aga ay rinig na rinig ko na naman ang bangayan n’yong magkapatid.” Ipinagkrus niya ang mga braso at sumandal sa hamba ng pinto.

“Huwag mo kasing paganahin ang vampire sense mo, Ma. Para hindi mo po kami naririnig,” seryoso kong aniya sa kanya.

Pinandilatan naman niya ako ng mga mata dahilan para itikom ko ng maigi ang bibig ko.

“Hindi mo ako masisisi, Ice Ashton. Palagi n’yo na lang kasi kaming ginugulat ng papa n’yo sa tuwing hindi kayo nagpapansinan. Kaya mas gugustuhin na naming marinig ang bangayan n’yo para updated kami.”

Bigla namang inalis ni Flame ang nakatalukbong na kumot sa kanya at napanguso.

“Si Kuya po kasi, eh! Siya palagi ang may kasalanan!”

I looked at her innocently. “What did I do this time?”

“Enough of that nonsense bickering,” saway sa ’min ni Mama bago siya bumaling sa ’kin. “Hayaan mo na muna ang kapatid mo. Weekend naman ngayon at gusto niya lang lasapin ang gaan ng pakiramdam ng nakahilata sa ibabaw ng kama. Ang papa mo at si Emily na ang bahala sa kanya. Ikaw ang maghanda dahil mayroon tayong pupuntahan.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now