Chapter 3: Hunter's Association

332 26 65
                                    

Chapter 3: Hunter’s Association

Hailey’s POV

Hindi mawala-wala ang ngiti sa ’king mga labi habang tinatahak ko ang daan pababa mula sa kuwarto ni Ice. Maingat ang bawat pagtapak at paglambitin ko sa sanga ng malaking puno na saktong nakatayo sa tapat ng kuwarto niya.

Pero napangiwi ako nang sa pagbagsak ng mga paa ko sa lupa ay isang hampas sa braso ang natamo ko. Muntikan pa akong mawalan ng balanse kaya sinamaan ko ng tingin ang may kagagawan nito na walang iba kung hindi si Hevn.

“Ano bang problema mo?” Pinagpag ko ang uniform na suot dahil bahagya itong nadumihan.

Pinandilatan naman niya ako ng mga mata. “Ako pa talaga ang tinanong mo niyan? Unang araw pa lang ng klase ay ang dami mo ng pasabog. Paano mo nagawang mapapayag ang dean na ipalipat tayo sa seksyon nina Ice? At talagang idinamay mo pa kami ni Reiko?”

Napanguso ako. “Matitiis n’yo ba na ako lang mag-isa ang nandoon?”

Inirapan niya ako. “Ginusto mo naman ’yon kaya wag kang mangonsensya riyan.” Malalim siyang napabuntonghininga. “Pero kahit tumutol pa kami sa plano mong ’yon ay para namang may magagawa pa kami.”

Nginitian ko siya. Alam kong kahit may mga pagkakataon na hindi sila sang-ayon sa mga ginagawa ko ay susuportahan pa rin nila ako kahit ano pa ang mangyari.

Nilingon ko naman si Reiko na kasalukuyang nakasandal sa pader habang nagbabasa. Wala talagang pakielam sa paligid o kahit anong klase ng kaganapan ang isang ito. Sa tuwing may mga bagay akong napagdedesisyunan ay hindi siya magsasalita ng pagsang-ayon o pagtutol. Basta susunod na lang siya sa agos ng buhay.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa dormitoryo namin. Nang makarating ay agad na sinalubong kami ng kapwa namin hunter na si Erika.

Dalawa ang dormitory building ng academy. Ang isa ay nakalaan para sa mga bampira at witch. Habang ang isa naman ay para sa ’ming mga hunters at protectors.

Napakunot noo ako nang may iabot siya sa ’kin na kulay puti na sobre.

“Ano ’to?”

Nagkibit balikat naman siya. “Hindi ko rin alam, eh. Pinaabot lang din sa ’kin ni dean kanina kasi hindi ka raw niya makita. Galing daw ’yan sa opisina ng hunter’s association.”

Natigilan ako. Kung galing ito mismo sa asosasyon ay paniguradong mahalaga ang nilalaman ng sobre na ito.

“Salamat.” Nginitian ko siya nang may bigla akong maalala. “Wala pa rin ba si Sandy?”

Sandy is Erika’s dormmate and our fellow hunter as well. Nakasama ko silang dalawa sa ilang training na pinagdaanan ko kaya naging malapit din ako sa kanila.

Napailing naman siya. “Hindi pa, eh. Kinontak ko na rin ang mga magulang niya pero wala pa silang sagot.”

Napatango naman ako. “I see. Sana ay okay lang siya.”

“I hope so.” Erika smiled. “Akyat na ako sa kuwarto ko.”

Tinanguan ko siya at muling pinagtuunan ng pansin ang hawak na sobre.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now