Chapter 12: Kidnapped

206 13 5
                                    

Chapter 12: Kidnapped

Hailey’s POV

Mahigit isang oras din ang naging biyahe namin bago kami tuluyang nakarating sa Hampers Village kung saan nakatira ang ilan pa sa mga miyembro ng Hunter’s Association.

Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng nagsisilbing headquarters dito bago mabilis na bumaba. Kasunod ko namang dumating sina Hevn at Reiko. Napagdesisyunan kasi namin na dalhin na lang ang kanya-kanya naming mga sasakyan.

Napangiti ako nang mapansin si Mang George mula sa pintuan ng headquarters na tila hinihintay talaga ang pagdating namin. Siya ang itinalaga ni Papa para mamahala sa buong village.

“Magandang araw, Hailey,” nakangiting bati niya sa ’kin bago nilingon sina Hevn at Reiko.

“Magandang araw rin sa inyo, Hevn at Reiko.” Bahagya pa siyang yumuko sa ’ming tatlo.

Nginitian ko rin siya at inilibot ang tingin sa paligid. Napapaligiran ang village na ito ng mga nagtataasang puno kaya kahit papaano ay sariwa ang simoy ng hangin.

“Kumusta naman po kayo rito, Mang George?” Ibinalik ko ang atensyon sa kanya.

Napaayos siya ng tayo. “Ayos naman kami rito. Sa totoo lang ay kagagaling lang din ng mga ama n’yo rito noong isang araw para manood sa training ng mga batang hunter.”

Napatango naman ako. Kahit pa ilang taon ng namumuhay ng maayos at payapa ang mga tao at bampira ay hindi pa rin inalis ni Papa ang pagsasanay para sa mga batang hunters.

Who knows what might happen in the future? It’s better to be safe than sorry.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad at maglibot sa buong village. Ngiti lang ang itinutugon ko sa bawat miyembro na nakakasalubong namin.

Hanggang sa mapahinto kami sa nagsisilbing gymnasium sa lugar na ’to kung saan ay mayroong malawak na solar sa labas. Dito ginaganap ang iba’t ibang klase ng pagsasanay araw-araw.

Tulad na lang ngayon. The future vampire hunters were having a hand-to-hand combat lesson.

“Parang kailan lang ay katulad din nila tayo. Ang bilis talaga ng panahon,” Reiko whispered.

“Yeah. Though we still need to undergo different trainings until now,” Hevn said as she swirled a knife on her finger.

“Hindi kasi tayo puwedeng makampante,” seryoso kong paalala sa kanila.

“Alam naman namin ’yon. Pero dapat ay i-enjoy rin muna natin ang buhay hanggang sa makatapos tayo ng kolehiyo. Dahil nakaabang na agad ang mga nakaatang na responsibilidad sa ’tin sa oras na magtapos tayo. Lalo na sa ’yo.” Malalim na napabuntonghininga si Hevn.

Natigilan naman ako. Hangga’t maaari sana ay ayoko munang isipin ang tungkol sa bagay na ’yon. Pero mukhang hindi ko na talaga matatakasan pa ang reyalidad.

Ilang minuto rin kaming nanood at nakipagkuwentuhan sa mga nandoon bago namin napagpasyahang umalis. Pagabi na rin kasi at paniguradong madilim na ang daraanan namin pabalik sa academy.

“Ano na po palang balita tungkol sa ipinapagawa sa inyo ni Papa?”

I asked out the moment we entered Mang George’s office. Kasunod ko lang sina Hevn at Reiko na naghihintay rin ng sagot niya.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now