Chapter 7: Thinking of Her

240 18 12
                                    

Chapter 7: Thinking of Her

Ice Ashton’s POV

“Kuya? Bakit hindi maipinta ang mukha mo ngayon? May problema ba?”

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang diretso lang na nakatingin sa daan. We’re now on our way home for our weekend vacation.

“Kuya, daan muna tayo saglit sa Cafe Latte. May bibilhin lang ako.”

Mariin kong ipinagdikit ang aking mga labi. Hanggang sa matapos ang klase namin kanina ay hindi talaga nagpakita ang hunter na ’yon.

Gaano ba kaseryoso ang meeting na pinuntahan nila at inabot na sila roon ng ilang araw? Baka mamaya ay kung ano na pala ang pinagpupulungan nila laban sa ’min.

“Kuya! Lampas na tayo!”

Kung tutuusin ay puwede ko namang tanungin ang mga teacher namin o kahit si Tita Reiri mismo para malaman kung saan ba sila eksaktong pumunta. Pati na rin kung gaano sila katagal na mawawala.

But there’s no way that I would do that.

I shook my head and pushed the thoughts about her away. Masyado na siyang namamahay sa isip ko at hindi ’yon magandang senyales.

What the hell is happening to me, anyway? Why do I keep thinking of her?

“Kuya!”

Mabilis akong napapreno at napahinto nang may biglang nagtakip sa mga mata ko. Mabuti na lang at nakasuot kami ng seatbelt dahil kung hindi ay baka sumubsob na kaming dalawa sa dashboard.

Naniningkit ang aking mga mata na nilingon ko ang magaling kong kapatid nang alisin na niya ang dalawang kamay mula sa pagkakatakip nito.

“What the hell? Gusto mo bang mabangga tayo?”

She crossed her arms and glared at me.

“Kasi naman, Kuya! Kanina pa kita tinatawag dahil may gusto akong daanan at bilhin. Pero mukhang malayo pa sa bahay natin ang dinarayo ng isip mo.”

Napakurap ako. Hindi ko namalayan na ang lalim na pala masyado ng iniisip ko.

“Oh. Sorry. Saan mo ba gustong pumunta?”

I started the engine and was about to maneuver the car back when she spoke.

“Huwag na. Sa susunod na lang. Nalampasan na rin naman natin saka malapit na tayo sa bahay,” nakasimangot niyang sagot habang nakatingin sa labas ng bintana. Mahihimigan sa boses niya ang pagtatampo.

Nang muling tumuon ang atensyon ko sa unahan ay natanaw ko na nga ang guard house ng village kung saan kami nakatira.

Napasulyap naman ako sa side mirror. Hindi ko pa naman napansin na dumaan ang tatlong pamilyar na kotse kung saan nakasakay ang mga pinsan namin. Mukhang kami pa ang nauna sa kanila.

I scratch the back of my neck. I was lost in my own thoughts again.

“On the way pa naman ata sina Shin. I will just call him.” Akmang ilalabas ko na ang cellphone ko nang bigla niya akong pinigilan.

Chasing the Vampire PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin