Chapter 4: First Hunt

254 20 24
                                    

Chapter 4: First Hunt

Hailey’s POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng isang coffee shop habang nilalantakan ang isang slice ng strawberry cake na inorder ko.

I may look calm and composed on the outside, but there’s a raging storm deep inside of me. It was a kind of battle that I couldn’t afford to lose.

“Hailey?”

Natigilan ako sa akmang pagsubo nang marinig ang boses ni Hevn mula sa suot kong earpiece.

“What?”

Inabot ko ang inorder na cheesecake oreo milktea at halos maubos ko ito sa isang higupan lang.

“Kumusta na riyan sa lokasyon mo? Nakita mo na ba ang target mo?”

Malalim akong napabuntonghininga bago napaayos ng upo at tumingin sa labas.

“Hindi pa. Mamaya na lang ulit ako maghahanap. Magpapababa lang ako ng kinain,” walang gana kong sagot sa kanya.

Ang totoo niyan ay labag sa loob ko ang kauna-unahang misyon na iniatang nila sa ’kin.

But I don’t have a choice. That’s why I’m stress-eating right now instead.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang malakas na pagsinghap ni Hevn.

“Seryoso ka ba? Nagawa mo pa talagang unahin ang pagkain sa sitwasyon mo ngayon? Baka nakakalimutan mo kung sino ang target mo.” Biglang humina ang tono ng kanyang boses.

Napahigpit ang hawak ko sa tinidor bago ko muling itinuon ang atensyon sa huling piraso ng cake at isinubo ito.

“Hindi mo na kailangan pang ipaalala. Ayaw lang talagang tanggapin ng utak ko ang sitwasyon hanggang ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami naman ng puwede kong maging unang misyon ay siya pa?” Pinigilan ko ang pagpatak ng namumuong luha sa ’king mga mata.

Nawalan naman siya ng imik sa kabilang linya. Pinakalma ko muna ang sarili bago ako muling nagsalita.

“How about you? How’s your location? Did you already see your target?”

“I’m fine. Anyway—Oh, Shit!”

Napakunot noo ako nang makarinig ng kalabog mula sa kabilang linya. Pero bago pa ako makapagtanong ay tuluyan ng naputol ang linya ni Hevn. I was about to contact her again when I looked outside and saw a familiar figure.

Nawala na sa isip ko ang tungkol kay Hevn. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas sa coffee shop.

Kung titingnan maigi ay mukha pa naman siyang normal na tao. Pero bakas na sa kanyang mukha ang tila pagkauhaw sa tuwing napapatingin siya sa bawat taong nakakasalubong niya.

Ngunit sa paglabas ko ay bigla na lang siyang nawala. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko na siya muling nakita pa.

Hanggang sa may napansin akong makipot na eskinita at namalayan ko na lang ang sarili na tinutumbok ang daan patungo roon.

Maingat akong pumasok dito at mas tinalasan pa ang aking pakiramdam. Mukhang bihira lang madaanan ang lugar na ito dahil wala naman akong nakakasalubong o kaya naman ay nakakasabay.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now