Chapter 6: Curiosity Kills

221 17 14
                                    

Chapter 6: Curiosity Kills

Hailey’s POV

Hevn is moving at a fast pace. She’s like a wind passing by so quickly. Sunod-sunod ang mga pinapakawalan niyang sipa at suntok patama sa ’kin.

But I’m way faster than her. Dahil wala ni isa sa mga pinapakawalan niyang pag-atake ang dumadapo man lang sa ’kin.

“Is that all you’ve got?” I smirked as I captured her right hand, twisted it, and with all the strength that I have, I managed to flip her on the ground.

“Shit!” She closed her eyes as she groaned while caressing her back.

Napansin ko na tila nasaktan talaga siya nang dahil sa ginawa ko. Kaya naman ay unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi ko. This always happens. May mga pagkakataon talaga na kahit anong kontrol ang gawin ko ay hindi talaga maiiwasan na makasakit ako.

“Hey! I’m sorry!”

I was about to take a step closer to help her when suddenly, a pair of knives passed by near my face. I looked at my left side and glared at Reiko.

“What the hell? That’s too close!”

His face was void of any emotion as he looked at me.

“In every battle you’ll be in, you shouldn’t let your guard down or your emotions empower you. Because if you do, no matter how strong you are, you will surely be defeated.”

I rolled my eyes at him. “Whatever. I’m done here.”

I turned around and walked away from them. Nawala na sa isip ko ang tulungan si Hevn na nakasalampak pa rin sa semento. Dumiretso ako sa loob ng bahay namin at doon ay naabutan kong seryosong nag-uusap ang mga ama namin sa sala.

Malalim akong napabuntonghininga. Sa totoo lang ay wala akong maisip na dahilan kung bakit hindi pa rin nila kami pinayagan na bumalik sa academy ngayong araw. Wala pa naman kaming bagong misyon at wala rin naman silang pinapagawa na kung ano sa ’min.

Kinagat ko ang ibabang labi nang may bigla akong maalala. Marahil ay ayos na rin muna siguro ang ganito. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin o dapat na sabihin sa oras na makaharap ko na si Erika.

Wala sa loob na dumako ang paningin ko sa malaking frame na nakasabit sa dingding at bandang gitna ng sala namin. It is the picture of my grandparents, Marley and Nick Stewart.

It’s been a long time since my father took over the position of being the association’s president. And that leaves me with no choice but to be with him at every important event in the association. He’s also a close friend of Hevn and Reiko’s father. That’s why I get along with the two of them as well.

Alam ko naman na unti-unti na rin niya akong inihahanda para sa ipapasa niyang responsibilidad sa ’kin balang araw. Nasisiguro kong alam niya ang nararamdaman ko tungkol sa bagay na ’yon dahil dumaan din naman siya sa kaparehong sitwasyon.

Naaalala ko pa ang panahon na napag-usapan namin ang tungkol sa paksang ’yon. Ayon kay Papa ay ayaw rin niyang tanggapin ang nakaatang na responsibilidad sa kanya rati. He even tried to escape. But in the end, he changed his mind.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now