Chapter 15: Between Past and Present

111 11 2
                                    

Chapter 15: Between Past and Present

Ice Ashton’s POV

“May ideya ka ba sa kung sino ang nagpadukot sa ’yo?” tanong ni Shin bago humigop sa tasa ng kape na hawak niya.

Mabilis namang umiling si Hailey. “Wala. I don’t know them at all. Idagdag pa ang mask na suot nila kaya hindi ko sila gaanong namukhaan. I also tried to ask the one who talked to me, but he didn’t speak up.”

“Pero may nabanggit man lang ba siya kung bakit ka nila kinuha? I mean, there must be a reason, that’s for sure.” Harry’s voice was full of conviction.

“Oo nga, Hailey. Ano raw ba ang kailangan nila sa ‘yo?” Napakunot ng noo ang kaibigan niyang si Hevn.

Napaayos ako ng tayo nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya. The deafening silence made my eyes finally turn in her direction for the first time this morning.

Kasalukuyan akong nakasandal sa hamba ng pinto sa kusina habang sila naman ay abala na sa pagkain ng almusal. Malaki ang pasasalamat ko na sa wakas ay tinantanan din ako ng magagaling kong pinsan ng mga walang kuwentang tanong nila tungkol sa nasaksihan nila kagabi.

We all decided to spend the night here at the mansion. Kaya paniguradong magtataka sina Flame sa oras na hindi nila kami maabutan sa dining hall ngayong umaga.

When my eyes settled on her golden ones, it seemed that everything around me suddenly stopped.

My forehead knotted. I wanted to hit myself with that thought. Since when did I become this mushy?

Agad siyang nag-iwas ng tingin na para bang mayroon akong malalaman na hindi dapat.

“No. He didn’t tell me,” kalmado niyang sagot.

“Liar,” I blurted out.

Napatingin naman silang lahat sa direksyon ko at napatigil sa kanya-kanya nilang ginagawa.

“Paano ka namin matutulungan kung ikaw mismo ay ayaw mong magsalita?” dagdag ko pa.

She heaved a deep sigh. I can sense that something is holding her back from speaking the truth. I even tried to read what’s going on in her mind, but I can’t get through.

My lips thinned. There’s really something strange about this hunter.

“Well?” Yuki urged her.

Hevn tapped her shoulder. “Hailey, please. Tell us exactly what happened, and what he told you. Pinagbigyan ka na namin kagabi.”

Napailing siya bago mariing pumikit na para bang inaalala niya ang mga nangyari.

She bit her lower lip as she opened her eyes and looked straight into mine. Uncertainty and vulnerability are visible in her eyes.

“They’re looking for the anti-vampire weapon that can harm a pureblood,” she almost whispered the last word. But still, I heard it.

Muling nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Ang lahat ay nakatingin lang sa kanya na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now