• PROLOGUE •

2.5K 57 7
                                    


Coleen's POV

"Get the hell out of my office, NOOOOW!"

Yan ang singhal ni Boss Halimaw este Boss Zed sa mga empleyado nya araw-araw, kesyo daw walang kwenta ang mga presentation nito, panget daw, wala daw sense, at walang daw kwenta.

Lahat naman kase sayo walang kwenta! Tss.

Almost two months ago na nang ma-hired ako dito sa kompanyang ito bilang secretary nya. I don't really think na ganto pala talaga ang ugali nya at may isasama pa talaga. Bulong-bulungan nga ng mga tsismosang snails dyan sa tabi-tabi ay talagang walang puso si Boss Zed na napatunayan ko na nga based sa mga nakikita ko sa mga gawi nya. Wala daw ni isang nakakaalam kung bakit naging ganyan si Boss dahil dati raw ay napaka-NICE nyang boss sa mga employees nya, hindi lang NICE but HOT rin, Ror.

Hindi ko pa nakikita ang Soft Side ni Boss Zed but I feel na meron naman syang ganun side kahit na mas demonyo pa sya sa Professor namin dati sa College.

I hope soon na makita ko yung soft side nya pati na rin yung ano nya, tapos ano, then yung ano, basta yung ano nya. (Bahala ka nalang mag-isip kung ano yu . Tch!)

"B-But Sir.--"

"I SAID GET THE HELL OUT OF MY FUCKING OFFICE! YOU'RE ALL FIRED!!! I DON'T WANT TO SEE YOUR FUCKING FACES AT MY COMPANY AGAIN! GET LOST!" Makatanggal Tutuling singhal ni Boss Zed sa mga empleyado na agad-agad nang nagsilabasan sa Opisina ni Boss.

Nang makalabas ang mga empleyadong sininghalan at sinibak ni boss sa trabaho ay agad na akong kumilos para isarado ang pinto dahil baka pati ako ay mawalan ng trabaho. Juskow.

"Secretary Coleen, did I have any scheduled meetings today?" tanong nya sa malamig na tono ng boses sabay gulo sa buhok nya.

"Ah-eh." kinakabahan kong saad habang nagmamadaling binuklat ang hawak kong folder na pinaglalagyan ng schedule nya ngayon arakaab
Halos magkandahulog-hulog ang ibang mga bond papers na nasa folder dahil sa kaba ko habang hinahanap ang schedule nya.

Bakit ko pa kase dinagdagan ng mga bond paper 'tong pesteng folder na 'to! Tsk!

Kinakabahan ako habang hinahagilap ang pesteng schedule ni Boss sa hawak kong folder, baka kase nang dahil sa katangahan ko, e, mawalan ako ng trabaho.

Habang busy pa rin sa paghahanap sa schedule ni Boss ay pasimple akong sumulyap sa kanya.

Ganun nalang ang kabang naramdaman ko nang makita ko syang nakatingin sa akin, magkakrus ang mga braso nya at nakataas ang kilay saken.

Paktay na...

"Secretary Coleen!" pasigaw na tawag nya sa akin kahit na nasa tapat lang nya ako.

Grabe ang kaba ko, parang anytime, e, sasabog na ang dibdib ko sa kaba, at parang umaakyat na lahat ng dugo ko sa ulo ko. Ibang klaseng takot talaga ang nararamdaman ko sa tuwing sisigaw sya o kaya naman ay magtatransform sya sa pagiging halimaw/demonyong boss ko.

Jusko Mama! Patawarin mo po ako! Iligtas mo po ako dito sa demonyo kong Boss! Huhu! Help me Maaaaaah!

"P-po? S-sir?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Ang kaninang nakataas lang na kilay ay magkasalubong na!

Gaya nung sa Angry Birds.

"Lumapit ka rito." seryosong utos nya na sinunod ko.

"S-sir?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"May naka-schedules ba akong meeting ngayong araw?" seyosong tanong nya.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now