• CHAPTER 11 •

931 32 10
                                    


Coleen's POV

Tila na nanigas ako sa aking kinatatayuan ng gawin saken ni Zed yun. Mabilis ang pagtibok ng puso ko ng mga oras na yun. Si Zed ang gumugulo sa sistema ko.

"Samahan mo ko sa Condo ko, may ipapagawa akong trabaho sayo." ramdam kong nakangisi nyang bulong sa akin na magawang muling  patayuin ang aking mga balahibo sa buong katawan.

Tanging tango nalang ang itinugon ko sa binulong nya dahil sa kaba ko.

Tinanggal nya ang kamay nyang humarang sa akin kanina at lumayo na sa akin, rinig ko ang mahina nyang pagtawa habang pabalik sya sa kanyang lamesa kaya nilamon naman ako ng hiya. Parang gusto ko na ngang kainin nalang ako Ng kinatatayuan ko e!

"Secretary Coleen, what's the matter with you? HAHAHAHA" natatawang saad sa akin ni Zed na nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nakangisi sya sa akin ng nakakaloko at nakataas ang kanyang kilay.

Nakasandal na sya ngayong nakaupo sa swivel chair nya.  Nakabukas ang iilang butones ng long sleeves nya at Hindi nya suot ang suit nya kaya halata ang tikas ng katawan nya.

I gulped hard. I forced to smile. "Y-Yes Sir? Nothing sir. Hehe" lutang na tanong ko sa kanya habang pinapakalma ang humihirentadong sistema ko.

He smirked. Napailing sya at muling tumayo at nag-inat dahilan para bumanat ang mga muscles nya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon. Perfect ang body build nya. Grabe Ang mga biceps nyaaa!

Parang nanlalambot Ang tuhod ko dahil Lang sa pagtitig sa katawan ni Zed. At feeling ko ay tutulo ang laway ko dahil sa kanya.

WTF! SELP! GUMISING KA NGAAAAA!

"Tapos ka na bang pagpantasyahan ako?" ngising tanong ni Zed habang ayos na ang sarili samantalang ako ay parang sabog pa rin at losyang.

Kinginang buhay to.

"S-Sorry sir. I didn't mean-----"

"Huuush!" pigil nya saken. "Starting from now on you're only the one who has right to see my body. No one is allowed except from you, Coleen." nakangising usal nya. Napalunok ako sa sinabi nya at muling bumilis ang pagtibok Ng puso ko.

Tumikhim sya na ikinabalik ko sa reyalidad. "Let's go?" seryosong tanong na nya saken na parang wala lang.

Potacca Zed! Pakyuu!

Nauna syang naglakad at agad ko naman syang sunundan. Nang makarating kami sa parking lot ng building ay huminto kami sa paglalakad sa tapat ng isang napakamamahaling kotse.

Wala syang ka-amok amok na pumasok sa loob ng kotse habang ako ay nagdadalawang isip pa Kung sasakay ba ako o Hindi. Para kase saken Kung ako Ang may-ari nyan ay hindi ko na yang gagamitin kundi id-display ko nalang!

"Ano ba Coleen? Let's go!" Medyo iritang  anyaya sa akin ni Zed sabay gulo sa buhok nya. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kotse nya.

Mabango Ang loob Ng kotse nya naghalo Ang amoy Ng whiskey at pabango nya kaya nakakalasing na mabango talaga.

Habang nasa byahe kami ay tahimik Lang syang nagd-drive gusto ko nga syang tanungin tungkol dito sa kotse nya! Like anong tawag dito SA kotse nya? Magkano Ang bili nya at marami pang iba! Pero pinigilan ko Ang sarili ko dahil baka ihulog nya ako sa kotse nya.

"Uhm, anong brand Ng kotse mong to? Anong model? Magkano ang bili mo dito? May pangalan ba sya?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang Hindi magtanong dahil nakakacurious talaga!

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now