• CHAPTER 17 •

399 6 0
                                    


Nathan's POV

Madilim na ang langit, hudyat na pagabi na at maya-maya ay lilitaw na ang buwan sa kalangitan kasabay ng mga bituin na magniningning kasama niya.

Kasalukuyan akong nasa terrace ng apartment ko. Nagkakape habang nakatanaw sa kawalan, puro mga sasakyan, nagtataasang gusali, mga ilaw sa mga establishment na malapit dito, mga taong busy sa paglalakad at ang kalangitan nilalamon na ng dilim dala ng palubog na ang araw, ang natatanaw ko.

Dinadama ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa katawan at mukha ko. Topless ako ngayon, as usual naman, kase para saken presko talaga sa pakiramdam and wala naman akong ibang kasama dito sa apartment kaya kahit anong gawin ko, okay lang. Kahit na maglakad pa ko ng hubo't hubad, okay lang e, kase mag-isa ako. Joke lang.

Kanina pa ako di mapakali, di pa rin kase nagrereply si Coleen sa message ko. Inaaya ko siyang lumabas ngayon, after ng trabaho niya. I'll pick her up sa place nila ng kaibigan nya. Gusto ko na siyang makita, miss na miss ko na sya. Nangungulila ako to be honest. Nag-guilty din ako sa ginawa ko sa kanya. Nagtake advantage ako sa kanya, kaibigan ko sya ganun din ang tingin nya saken and nabastos ko siya dahil lang din sa kagustuhan ko. 'Di ko ba alam, hindi ko nakontrol yung nararamdaman ko nung gabing magawa ko 'yon sa kanya. Maski ako nainis sa sarili ko. Hayss.

Sumimsim ako sa kape ko kasabay ng pagvibrate ng phone ko sa bulsa ng pants na suot ko ngayon. Napangiti ako. Dali-dali kong hinugot ang phone ko sa pants ko. Agad-agad kong inopen ang phone ko, nagreply na siya.

Coleen:

Sige, payag ako. Magkita nalang tayo mamayang 9 PM sa labas ng apartment namin. Hihintayin kita. See you mamaya.

Muling binalot ng saya ang puso ko dahil sa reply niya sa'kin. Kumalma na din ang puso ko knowing na pumayag na siyang nakipagkita sa'kin, muli akong sumimsim sa aking kape habang 'di pa rin mawala sa mukha ko ang ngiti na dala ng message sa'kin ni Coleen.

Coleen's POV

Napahikab nalang talaga ako ng Malala ng matapos ko ang mga trabaho ko ngayong araw. Napasandal ako sa swivel chair ko ang ipinahinga ang likod at batok ko. Nakakangalay na maghapon kang nakayuko sa lamesa mo para asikasuhin lahat ng papeles na need pirmahan ng boss mo and syempre ako din ang taga-check ng mga schedules niya para araw na 'to. It feels so good everytime na talagang tapos na ang trabaho mo.

Habang naguunat ako ay naalala ko ang message sa'kin ni Nathan na hanggang ngayon ay di ko pa rin narereplyan. Nagaalangan kase ako, hayss. Oo, miss ko sya pero ewan ko ba may bumulong din sa loob ko na wag na akong makipagkita sa kanya.

Napabuntong hininga ako, kasabay ng paghawak ko sa phone ko na nananahimik sa aking mesa. Kinuha ko yun at binuksang muli ang message sa'kin ni Nathan kanina na hanggang ngayon ay di ko narereplyan.

"Kaibigan ko pa rin naman siya e. Hayss. Sige na nga." Saad ko sa aking sarili bago ko nireplyan ang mensahe niya. Pumayag na akong makipagkita sa kanya. Sinabi ko na lang din na pumunta na lang siya sa tapat ng apartment namin mamayang 9 PM. Patapos na din naman kase ang working hours ko. Siguro magcocommute nalang ako pauwi dahil wala naman si Zed, makikipagkita siya sa Kuya Zack nya. And wala ding sinabi si Max na susunduin niya ako dito sa opisina at ihahatid niya ako pauwi sa apartment namin.

Matapos kong makapagreply sa kanya ay muli kong pinatay at binalik sa lamesa ko ang phone ko, sinandal kong muli ang aking likod sa swivel chair at pinikit ang mata ko.

Nanatili akong sa ganung posisyon ng ilang minuto bago ko napagdesisyunan na ayusin na ang sarili ko at ang mga gamit ko dahil uuwi na ko. Matapos kong makapag-ayos ng sarili at matapos kong maayos ang mga gamit ko ay napagdesisyunan ko munang dumaan sa opisina ni Zed para tignan siya kung nandun pa siya and para na din makapagpaalam sa kanyang uuwi na ko.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now