• CHAPTER 5 •

855 27 0
                                    


Coleen's POV

Naalimpungatan akong bumangon sa pagkakatulog ko dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko mula sa bintana ng kwarro ko.

Umupo ako sa gilid ng aking kama, at kinilatis ang sarili ko.

Suot ko pa rin pala ang damit ko kagabi. Haysst.

Muling nagbalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Napapikit ako ng madiin at inalog-alog ang ulo ko, baka sakaling makalimutan kong muli ang mga nangyari kagabi.

Inayos ko muna ang kama ko at inayos ko rin muna ang aking sarili bago tuluyang lumabas sa aking kwarto.

Tahimik ang paligid, mukhang wala si Andrea dahil kung nandito sya ay paniguradong parang nasa palengke ang bahay namin dahil sa ingay ng bunganga nyang mala-armalite sa lakas.

Tumungo ako sa kusina at agad ba kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator.

May napansin akong note sa labas ng fridge nang maisarado ko iyon. Agad kong kinuha ang note at binasa iyon.

Coleen! May mga niluto na akong pagkain dyan, initin mo nalang kung malamig na. Hindi na kita ginising dahil baka bugbugin mo ko dahil alam kong bad mood ka kagabi at kailangan mo ng sapat na tulog, actually yang tulog mo ay hindi lang sapat, Sobra-sobra na yan bess dahil tanghali na! Pakabusog ka! I Love you!!! Kita tayo mamaya! Raratratin kita ng tanong tungkol sa nangyari kagabi kaya humanda ka!

PS: Galit ako sayo kase wala akong take out na natanggap kagabi! I hate you Bess!

Andrea Maganda :)

Napangisi nalang ako at napailing sa note na iniwan sa akin ni Andrea.

Tinignan ko ang mga niluto nya para sa akin. At halatang nag-effort pa sya sa pagluluto nito.

Korteng Puso na Pritong Itlog.

Kulay pulang sinangag.

Hotdog na ginawa nyang hugis broken hearted.

At strawberry juice na hindi na malamig.

Seyoso?

Napailing nalang ako at mahinang natawa dahil sa kalokohan ni Andrea.

Hindi na ako nagatubiling initin ang mga nakahaing pagkain. Agad ko yong nilantakan at kalaunan ay naubos ko din.

Matapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at ihinanda ang susuotin ko para sa pagj-job hunting ko ngayong araw.

Matapos kong maihanda ang mga susuotin ko ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

Ihinanda ko ang mga resume na ginawa ko at inilagay ko iyon sa malinis at desenteng puting folder.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a simple black and white office attire, and a plain black flat shoes. Nag-apply ako ng kaunting face powder at kaunting lip stick para naman hindi ako magmukhang losyang.

Nang maayos ko ang sarili ko ay lumabas na ako sa apartment. Sinigurado ko munang naka-lock ang pintuan ng apartment namin ni Andrea dahil baka pasukin kami ng mga magnanakaw.

Pero wala naman silang mananakaw dyan e.

Tirik na ang araw ng makarating ako sa Makati. Sa Manila kase ay hindi ko trip ang mga nakita kong job hirings ng mga kompanya nila.

Grabe ang init na nararamdaman ko habang naglalakad at naghahanap ng medyo magandang job offer na suit sa akin. Halos lahat ng nakikita kong job hirings ay para sa mga gustong maging janitress, na hindi suit sa ganda ko.

My Stone-Hearted BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora