• CHAPTER 15 •

543 12 1
                                    


Coleen's POV

Masyado akong maagang nagising dahil sa hilik ni Zed. Hindi naman kalakasan ang hilik nya, sadyang sobrang lapit lang ng mukha nya saken kaya rinig na rinig ko ang hilik nya. Simula din kase ng mapunta ako dito sa siyudad ay hindi na ko sanay ng may nakakatabi sa pagtulog.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap at pagkakatanday nya saken. Nagsuklay at nagpusod muna ako ng buhok, nagpalit na rin ako ng damit, nagsuot ako ng oversized shirt bago ako lumabas at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref namin na kakaragkarag pero pwede pa namang pagtiisan, nagsalin ako sa baso at ininom yun.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Napailing nalang at wala sa sariling napangisi ng maalala ko ang mga pangyayaring yun. Dahil ako ang naunang magising naisip kong ako nalang ang magluluto ng umagahan namin nila Andrea tutal may bisita rin naman ako, si Zed.

Bago ako nagsimulang magluto ay naisipan kong makinig ng music, mas ginaganahan kase akong kumilos sa tuwing may musika akong naririnig, lalo na yung mga paborito kong kanta na minsan ay sinasabayan ko pa habang may ginagawa ako. Feeling ko rin kase mas bumibilis na matapos ang gawain ko sa tuwing ginagawa ko yan.

Sinalpak ko sa dalawang tenga ko ang Earphones ko at nag-play ng music, binulsa ko ang cellphone ko at nagsimula ng magluto. Ewan ko nalang kung kakain ng ganitong klaseng pagkain si Zed, siguro sanay na sanay sya sa mga mamahalin at masasarap na pagkain dahil mayaman sya. Bahala na kung kakainin nya to o hindi basta ipinagluto ko sya ng umagahan.

*NOW PLAYING: Fly me to the moon - Frank Sinatra*

'Fly me to the moon'

'Let me play among the stars'

'Let me see what spring is like on'

'A - Jupiter and Mars'

'In other words, hold my hand'

'In other words, baby, kiss me'

Napapikit ako at napangiti ako ng marinig ko ang unang mga liriko ng kantang 'Fly me to the moon', yan ang madalas kantahin saken ni Papa habang isinasayaw nya ako kasama si Nanay at ang mga kapatid ko.

'Fill my heart with songs, and let me sing forevermore...'

'You are all I long for'

'All I worship and adore'

'In other words, please be true'

'In other words, I love you'

Naalala ko pa noon, tuwing galing ako ng school namin, paguwi ko sa bahay sobrang dumi na ng uniporme ko, lukot-lukot na ang blouse ko na pinlantsa ni nanay bago ako pumasok, may mga gasgas na ko sa tuhod minsan sa braso pa, at umiiyak pa ko dahil pinatulan ko na naman ang mga tarantado kong kaklaseng bully. Lagi nila akong inaasar na AMPON lang daw ako ng mga magulang ko dahil hindi ko sila kamukha, ganun din ang sinasabi saken ng mga tsismosa naming kapitbahay sa tuwing dadaan kami ni Mama papasok sa school. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na paano kung totoo ang mga pinagsasasabi ng mga kaklase at mga kapitbahay namin? Paano kung talagang AMPON lang ako nila Mama? Pero lagi din namang sinasabi nila Papa at Mama na hindi ako ampon kaya mas naniwala ako sa sarili ko na sariling anak nila ako at hindi ako AMPON.


Sa tuwing malungkot ako yan ang kinakanta ni Papa saken. Napapangiti ako, at nawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Namiss ko tuloy bigla ang pamilya ko sa Probinsya ng maalala ko ang mga masasayang alaala nung bata pa ko. Kung pwede ko lang talagang balikan ang mga araw at oras na yun gagawin ko talaga.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now